PROLOGUE

7.6K 74 17
                                    

Madungis at mabaho- yan ang mga unang salitang sasagi sa isipan ng mga tao pag narinig nila ang salitang basurero.

Pero para kay Gerald malinis at hindi hamak na disente ito kaysa sa pagnanakaw o di kaya pagtitinda ng droga.

Oo nga mabaho at madungis lagi ang kasa-kasama nya sa araw araw na ginawa ng Diyos pero ito ang tumutulong sa kanyang pamilya upang may makain sila araw-araw.

Panganay sa tatlong magkakapatid, lumaki si Gerald na walang kinagisnang ama. Isa syang bunga ng maraming pag-ibig na nasadlak sa luha dahil sa mga US Servicemen noong nakabase pa ang mga ito sa Clark,Pampanga. Dating tindera ang nanay nya doon at hinamak na umibig at nabuntis ng isang Amerikanong iniwan lang ang nanay nya pagkatapos malamang ipinagbubuntis ang bunga ng isang gabing pagkalimot.

Wala ng nga magulang ang kanyang nanay, napadpad ito sa Maynila kasama ang kanyang amboy na si Gerald. Nagtrabaho ito bilang waitress sa isang bar at dalawang beses umibig at nagkamaling muli. Isang ina, tatlong anak na bunga ng maling pag-ibig sa mga maling lalaki.

Ngunit kahit na ganon ang nanay nya, may respeto at pagmamalaki silang magkakapatid dahil ni minsan hindi sumagi sa isipan ng kanilang ina na sila ay ipalaglag.

Ngayon, mahina at sakitin sa edad na apatnapu, sa bahay na lang ang kanyang nanay at si Gerald ang umako sa lahat ng responsibilidad para itaguyod ang kanyang nanay at dalawang kapatid na sina Janus, 15 at Jessica o Ikay, 9.

Gaya ng dati, suot ay kupas na maong, dating puting t-shirt na ngayon ay halos basahan na ang kulay , ang manggas ay ginupit bakas sa katawan ni Gerald ang mabigat na trabaho. Matipunong nga bisig, walang bakas ng katabaan bagkus purong masels ang kanyang tiyan. Siya ang masasabing ruggedly handsome. Ngunit ang dating malinis at maputing kutis noong bata pa sya, ngayon ay naging kayumanggi at mga pilat dahil sa mga di maiwasang aksidente dala ng kanyang trabaho. Ngunit hindi pa rin maitatago ang angking kaguwapuhan nito, matangos na ilong at mapupulang labi.

Hindi sya nakapag-aral ngunit marunong syang magsulat at magbasa.

Kasama ang dalawang kapatid na sina Janus at Ikay, papunta sa bundok ng basura si Gerald, habang tulak-tulak ang kanyang kariton bigla na lang tumilamsik ang putik sa lubak lubak na kalsada sapul na sapol ang mukha ni Gerald.

"Anak ng..." ang nasa loob ni Gerald habang natatawa ang kanyang dalawang kapatid sa nakitang ayos dala ng tumilamsik na putik.

Huminto ang sasakyan at bumaba galing dito ang isang magandang babaeng nakapalda ng maigsi at may mahabang buhok, nakasuot ito ng sunglasses dahan dahan itong lumapit sa kanila at humingi ng paumanhin.

"Sorry ho ha? Hindi kasi nakita ng driver ko yong lubak. Heto o punasan mo yang putik sa mukha mo," sabi ng magandang babae kay Gerald at ngumiti sa mga kapatid nito habang iniaabot ang puting panyo kay Gerald.

Umiling si Gerald. Mumurahin nya sana kaso mukha namang mabait at huminto pa at humingi ng paumanhin sa kanila.

"Hindi na Miss..okay lang ako," tanggi ni Gerald. Puting puti pa naman ang panyo nito at mukha pang mamahalin.

"Sigurado ka, pasensya ka na uli ha, heto o pang-snack nyo," sabay abot ng isang limandaang piso.

"Kuya kunin mo na..." bulong ni Ikay.

"Ah wag na nakakahiya naman tsaka putik lang naman to, tubig lang ang katapat nito. Salamat na lang," tanggi ni Gerald sa babae.

Heaven By Your Side (Completed)Where stories live. Discover now