CHAPTER 4: I MISS YOU

3.1K 77 0
                                    


[MIYUMI'S POV]

Nakaupo ako dito sa kama habang nakatingin kay Liam na mahimbing na natutulog sa tabi ko. Hindi ako papasok sa University ngayon dahil hindi pa ako totally na naka-recover sa mga nangyari kagabi.

Wala din akong maayos na tulog simula nang mapunta kami dito. Sa ngayon, dito muna kami pansamantalang titira. Dalawa ang guest room na pinahiram saamin ni Tita Angelica isa kay Mama at yung isa ay share nalang kami ni Liam.

Hindi ko alam kung gaano kami katagal mag i-stay dito pero sana hindi umabot ng buwan. Hindi ko kakayanin na makasama ang isang Professor ko dito sa isasang bubong. Wala na akong dapat pang itawag o isipin sakanya. Professor ko na siya ngayon at ako ay isang hamak na estudyante lang niya. Simula kagabi ay hindi pa kami nagkikita at wala din naman akong balak makita siya. Kung pwede nga ay buong araw na mag i-stay kami dito ay hindi ko siya makikita.

Hindi ko nga alam kung alam niya na dito muna kami magi-stay. Pero siguro naman alam niya na dahil baka nasabi na sakanya ni Tita Angelica ang tungkol sa pagtira namin pansamantala dito. Napatingin ako sa maliit na table dito sa gilid ko dahil biglang tumunog ang cellphone ko na nakapatong doon.

Pag-tingin ko, nag-text pala si Jicell.

1 message from: Jicell
(Papasok kaba ngayon? Nabalitaan ko ang nangyari kagabi. Ayos kalang ba? sina tita at Liam?)

Huminga muna ako ng malalim bago nag-type ng irereply ko sakanya.

Composed message to: Jicell
ayos lang kami. Magkita nalang tayo sa coffee shop ni Mama mamayang hapon after ng class mo.

Pagka-hit ko ng send ay sakto naman na may kumatok sa pinto. Pagka-bukas ko ng pinto, si tita angelica ang nakita ko kaya nilakihan ko ang pag-bukas nito.

"Oh, tita. Kayo pala" sabi ko at nginitian siya.

"Sabi ko na nga ba at gising kana. By the way, ayaw mo bang sumabay ng almusal saamin ng mama mo? Nasa dining room na siya, hinihintay kang bumaba. Teka, tulog pa ba si Liam?" Aniya at sumilip sa kama kung saan nakahiga ang anak ko.

"Opo, hmm mamaya nalang po ako bababa para mag-almusal, hihintayin ko pang magising si Liam at sabay nalang kaming kakain." Sagot ko.

"Ah, okay. Hindi ka ba papasok ngayon?" Tanong pa niya, umiling ako.

"Hindi po, bukas nalang siguro ako papasok" simpleng sagot ko.

"Sige, ikaw bahala. Basta pag nagutom ka, bumaba ka lang at pumunta sa kitchen, maliwanag? Wag kang mahiya dito Miyumi, we will treat you as one of our member in this family, so feel at home honey." Pagkatapos niyang tapik-tapikin ang balikat ko ay umalis na din siya.

Napakabait talaga si Tita Angelica. Wala akong masasabi sa kaniya.

[FAST FORWARD]

Alas otso na ng magising ang napakakulit kong anak kaya pagkatapos ko siyang hilamusan ay bumaba na din kami para mag-almusal dahil nagugutom na din ako. Napakatahimik ng bahay, or should I say, mansion nila.

Sabagay tatlo lang naman sila na nakatira dito maliban lang sa iilan na mga katulong nila na pakalat-kalat dito at bihira ko lang din na makita o makasalubong. Saktong pagpasok ko sa Kichen ay ang isang maid nila agad ang nakasalubong ko na palabas naman nitong kitchen.

"Excuse me, nakita mo ba sina tita angelica pati si mama?" Tanong ko sa mga around 30s na babae.

"Ah, umalis po sila pumunta yata sa coffee shop ni Ma'am Grace, hindi naman daw sila magtatagal" paliwanag niya, she's referring to my mother. Grace ang pangalan ni Mama.

MY PROFFESOR IS MY EX FIANCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon