CHAPTER 16: CURIOSITY

2.7K 60 3
                                    

[MIYUMI'S POV]

Mabilis lumipas ang mga araw at ito na ang last day namin dito sa camp site. Wala na kaming masyadong ginagawa at nagliligpit nalang ng mga gamit namin at mamayang alas tres ng hapon uuwi na kami.

Excited na nga talaga akong makauwi dahil miss na miss na miss kona ang baby ko. Simula noong nakatawag ako kay Mommy noong first day namin dito ay hindi na ako nagkaroon ng pagkakataon na tawagan sila ulit. Dahil nag shutdown na ang cellphone ni Hanz at nakalimutan niya pang magdala ng power bank.

Natigil ako sa pag iisip ng biglang tumabi saakin si Hanz at inabot saakin ang isang mainit na cup noodles.

"Oh" sabi niya at agad ko namang kinuha yon.

"Thanks. Oh nasaan ang sayo?" Taka kong tanong ng kinuha sakaniya ang cup noodles.

"Isa nalang pala yang cup noodles sa bag ko. Ewan ko ba, naubos na yata ni William" paliwanag niya.

"Sus! Yang talagang lalake na yan! Napakatakaw. Sayo nalang tong cup noodles. Hindi naman ako gutom eh" sabi ko at inaabot sakaniya ang cup noodles pero hindi niya kinuha saakin. Kaya binaba ko muna dahil mainit.

"Two o'clock na pero hindi kapa nag l-lunch tapos sasabihin mo busog kapa? Excited kalang makauwi kaya wala kang gana. Kainin mona yan para may energy ka mamaya kapag nagkita kayo ni Liam" sabi niya at kinindatan ako. Dahan dahang sumupil ang ngiti sa mga labi ko.

"Psh! Sige na nga. Basta share tayo, hindi ka rin kumain kanina no! Teka nasaan ang kutsara?" Taka kung tanong sakaniya.

"Here" sabi niya sabay bigay saakin ng isang pares ng chopsticks.

"Luh! Hindi ako marunong gumamit niyan. Wait kukuha lang ako ng kutsara" tatayo na sana ako ng pigilan niya ako.

"Naghanap na ako ng mga kutsara pero wala na kahit tinidor. Pati ang mga disposable plastic spoon ubos na din. Ewan koba diyan kay William pati yata mga kutsara at tinidor nilalamon" natawa ako dahil sa huling sinabi niya.

"Hep Hep Hep! Bakit narinig ko yata ang gwapo kong pangalan ah?" Sabay kaming napatingin sa may likuran namin at nandoon nga si William at Jicell.

"Wait cup noodles ba yan? Pahingi ako--" hindi niya na natuloy ng bigla kaming sumigaw ni Hanz.

"BAWAL!" sigaw namin dahilan para humaba ang nguso niya.

"Hahahaha! Ang takaw mo naman kasi! Kakakain lang natin tapos makikikain ka nanaman diyan?! HAHA. Tara na nga! Bye Miyumi. Kita nalang tayo mamaya" natatawang saad ni Jicell at hinila na ang boyfriend niya paalis.

Napailing nalang ako at kinuha ang hawak na chopsticks ni Hanz.

"Akina na nga. Pag t-tyagaan ko nalang to" sabi ko at muling kinuha ang cup noodles sa tabi ko.

"Paano ba gamitin to?" Bulong ko at sinubukang kumuha ng noddles gamit ang chopsticks pero ni isa wala akong nakuha.

"Haha, ganito kase oh, tignan mo ang paghawak ko sa chopsticks" sabi niya at siya na ang humawak noon.

"Ang hirap naman niyan" sabi ko. Kumuha siya ng noodles gamit ang chopsticks at pinakita saakin.

"See? Susubuan nalang kita, ah" saad niya, isusubo kona sana yon ng bigla akong napatingin sa harapan namin at sa hindi kalayuan nakaupo doon sina Ma'am Elise at Blake.

Mabilis akong umiwas ng tingin kay Blake ng mahuli ko siyang nakatingin pala saakin. Saamin. Shit! Kaya pala kanina kopa nararamdaman na parang mag nakatingin saakin dahil nandoon pala sina Blake. Bakit ba hindi ko siya agad napansin?!

MY PROFFESOR IS MY EX FIANCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon