CHAPTER 23: CIVIL ENGINEERING

2.7K 52 0
                                    

[MIYUMI'S POV]

Maagang umuwi si Blake ngayong araw dahil sa mga nangyari kanina, gusto ko ngang sumabay nalang sakaniya pero ayaw niya dahil kailangan kopa daw pasukan ang mga afternoon subjects ko.

Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala na sinurrender niya ang lisensya niya para saakin. Saamin ni Liam. Ngayong hindi na siya professor, magagawa na namin ang lahat ng gusto naming gawin, ng walang iniintindi kung may makakakita ba saamin o wala, walang iniisip kung tama ba ang gagawin namin o hindi.

Ibig sabihin, malaya na kaming ituloy ang relasyon namin na naudlot noon. Pero yon ba talaga ang gusto niyang mangyari? Oh ginagawa niya lang ang lahat ng ito dahil may anak kami at yon ang sa tingin niyang tama?

Wala naman kase siyang sinasabi saakin na gusto niyang ituloy ang relasyon namin, wala naman akong kahit anong idea kung ano kami ngayon? Hindi naman niya ako girlfriend, at mas lalong hindi pa kami mag-asawa, hindi ko naman din siya matuturing na kaibigan.

Eh ano nga kami?! Mag ex na may anak? Tsk! Ang pangit naman siguro kung ganun lang ang status namin diba? Pero nahihiya naman akong mag tanong sakaniya kung ano na nga ba kami ngayon dahil natatakot ako na baka sabihin niya ay hindi niya din alam, na baka sabihin niya ay 'importante pa ba yon? Basta para kay Liam gagawin natin ang lahat para maging best parent sakaniya at hindi na mahalaga kung anong meron saatin ngayon' psh!

Posible kayang sabihin niya yon? Pero malay natin, dahil alam niyo naman ang isip ng mga lalaki, basta kung sa anong gusto nila, at kung anong sa tingin nila ay tama yon ang gagawin nila. At ma-pride din kase ang mga lalaki kaya gusto nila sila palagi ang nasusunod.

Nakahinga ako ng maluwang ng nag dismiss na ang Professor namin dito sa last subject namin ng afternoon, at agad ko ng niligpit ang mga gamit ko.

Hay salamat. Makakauwi na ako.

"Excited ka yatang umuwi ngayon? Ayiie" sabi ni Jicell habang tinutusok tusok ang tagiliran ko gamit ang daliri niya.

"Ano? Hindi ah" depensa ko at sabay na kaming lumabas ng classroom. Sakto naman na sumalubong saamin si William habang kumakain ng hawak nitong sandwich.

"Hi Girls" bati niya saamin. Nginitian ko lang siya, hays. Hindi niya nanaman kasama si Hanz.

"Nasaan si Hanz?" Tanong sakaniya ni Jicell.

"Bakit siya ang hinahanap mo? Siya ba ang boyfriend mo?" Tanong sakaniya ni William.

"Porket hinahanap ko ibig sabihin boy friend kona ganon? Hindi ba pwedeng may sasabihin lang?" Sagot ni Jicell.

"Eh ano namang sasabihin mo? At mukha ba akong hanapan ng taong nawawala ah?" Sabi pa ni William.

"Si Miyumi ang may sasabihin hindi ako. At, oo mukha kang hanapan ng taong nawawala kulang na nga lang at magdikit ka diyan sa noo mo ng 'LOST AND FOUND' eh!" Napailing nalang ako dahil sa sagutan ng dalawa. Kapag nagsimula na talaga silang may-away ay tuloy tuloy na at parang wala ng makakaawat sakanilang dalawa, ts.

"Ah ganon? Ikaw mukha kang--" hindi na natuloy ni William ang sinasabi niya ng biglang ipakita ni Jicell ang kamao nito.

"Sige ituloy mo!" Banta sakaniya dahilan para matahimik si William at ituloy nalang nito ang pagkain niya sa hawak niyang sandwich.

"Anyways totoo bang hindi na professor dito si Sir Blake ah? Miyumi?" Napatingin ako kay William dahil sa tanong niya. Tumango ako bilang sagot.

"Sayang naman. Eh paano na si Ma'am Elise? Hindi niya kami pinasukan kanina sa subject niya eh" sabi pa niya.

"Ewan ko, pero nag-usap na din sila ni Blake. At sana ay maging okay na silang dalawa" sagot ko.

MY PROFFESOR IS MY EX FIANCEWhere stories live. Discover now