CHAPTER 9: QUALITY TIME TOGETHER

4.1K 56 4
                                    


[MIYUMI'S POV]

Hanggang sa matapos ang misa ay wala parin kaming imikan nitong katabi ko. Hindi tuloy ako masyadong nakapagfocus sa mga sinabi ng pari kanina.

"Blake hintayin niyo nalang kami ng dad mo sa labas nitong church. Kakausapin lang namin si Father sandali. Okay?" Dinig kong paalam ni Tita Angelica kay Blake.

"Mom, mauna na kaming umuwi" sabi ni Blake at tumayo na.

"Mamaya na. Lets eat first in the nearest restaurant here. Is that okay with you Miyumi?" Saad ni Tito Richard, daddy ni Blake. So kahit na uwing-uwi na ako ay wala akong magagawa, kaya pumayag nalang ako.

"O-okay lang po saakin tito" sagot ko at pilit silang nginitian.

Nang makaalis na sila ay lumabas na din kami at nag-hintay sa may gilid ng simbahan.

"Ayos lang ba talaga sayo na kumain muna?" Biglang tanong ni Blake.

"May magagawa pa ba ako?" Balik kong tanong sakanya.

"Pwede mo namang sabihin na ayaw mo talaga, tara na nga. Umuwi na tayo, ako ng bahala kay mom-" hindi ko na siya pinatapos.

"Ayaw mo ba kaming kasama?! Pwede naman na mauna ka ng umuwi diba?" Sabi ko at pinagkrus ang dalawang braso ko.

"No, that's not what I meant--" agad niyang sagot at seryoso akong tinignan.

"Kung hindi eh ano?" Magsasalita na sana siya ng bigla ng dumating sina tita at tito.

Agad nalang akong umiwas ng tingin at binuhat na si Liam. Kila tita nalang siguro ako sasabay at hindi na kay Blake. Mukha kasing ayaw niya naman kaming kasabay ni Liam.

"So let's go? Para agad na din tayong makauwi" saad ni Tita Angelica ng makalapit siya saamin.

"T-tita" pagkuha ko ng atensyon niya. Ano ba 'yan, nakakahiya namang sumabay sakanila ni tito. Tumingin siya saakin at parang may biglang naalala.

"Ow Miyumi, sabay ka ulit kay Blake okay?" Nakangiting sabi niya at pinisil pa ang pisngi ni Liam.

"Miggy you should take care while you are driving okay? Kasama mo pa naman sila" nginitian siya ni Tita Angelica.

"Mom, stop calling me in that puerile nickname. Hindi na ako bata" walang emosyon na sabi ni Blake. Pinanlisikan siya ng mga mata ni Tita.

"Mom, stop calling me chuchuchu." Sabi ni tita at nag tono pa ng parang bata, dahilan para impit akong mapatawa.

"Nah, whatsoever miggy. Mother mo ako kaya may karapatan ako kung ano ang gusto kong itawag sayo. Ang cute kaya ng MIGGY, Mr. Blake Miguel Evanghelista" sabi pa nito, lalong nagpainis kay Blake ang pagtawag ni tita sa buong pangalan nito.

Hatalang naiinis siya dahil namumula na ang pisngi at magkabilang tenga niya, parang nawala tuloy ang inis ko kanina sakanya. Nakakamiss pala ang expression ni Blake na ganyan. Noon kasi halos araw araw ko siyang nakikitang ganyan dahil saakin, at heto naman akong enjoy na enjoy na inisin siya. Ang cuteeee!

"Honey don't pissed him off. Talaga naman na malaki na si Blake at hindi na bagay tawagin sa ganyang pangalan" sabi ni Tito Richard at inakbayan si Tita Angelica.

Bigla ko tuloy na-miss si papa. Siguro kung buhay pa siya ngayon ay mas sweet pa sila ni Mama kung maglambingan. Umaliwalas ang mukha ni Blake dahil sa sinabi ng dad niya.

"Fine. Namissed ko lang kasi ang batang miggy ko na hindi pa marunong lumaban saakin" sabi niya at seryosong tinignan si Blake.

"Si baby Liam nalang ang tatawagin kong miggy magkamukha naman sila ni Blake noong bata pa" biglang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa sinabi niya.

MY PROFFESOR IS MY EX FIANCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon