CHAPTER 26: TULIPS

2.4K 45 0
                                    


[MIYUMI'S POV]

Last day nalang namin dito sa bahay nila Tita Angelica at makakalipat na din kami maya-maya sa bago naming bahay. Nakaayos na ang lahat ng mga gamit namin, at ready na talagang ilipat sa bagong bahay.

Hinihintay nalang namin ang van na inarkila ni Mama, actually wala naman kaming masyadong gamit na dala at puro mga damit at mga kung ano ano lang basta wala kaming mga dalang sofa o kahit ano pang mabibigat na bagay, kasi diba? nung nasunugan kami noon, walang kahit na anong mga furniture kaming nasalba, at halos lahat pa ng mga damit namin ngayon ay bagong bili nalang dahil walang wala talaga kaming halos masuot at napilitan kaming bumili nalang ng mga bagong gamit.

About naman saamin ni Blake, hindi parin kami nagkakaayos simula noong isang araw. Galing siya dito kahapon pero sandali lang, at nagkulong lang ako sa kwarto habang nandito siya sa bahay dahil hindi pa ako handa na kausapin at makita ulit siya.

Napatingin ako sa pintuan ng biglang pumasok dito sa kwarto si mama.

"Miyumi nandiyan na si Carlo, bumaba kana" sabi ni mama at umalis na din. Mabilis kong kinuha ang sling bag ko at mabilis na sumunod sakaniya pababa ng hagdan.

"Nakakalungkot naman at aalis na kayo" sabi ni Tita Angelica.

"Kahit naman na hindi na kami dito nakatira magkikita parin naman tayo, diba binigay kona ang bago naming address? Pwede kang pumunta doon kahit anong oras" sabi sakaniya ni Mama at nagyakap silang dalawa.

"Miyumi alagaan mo ng mabuti si Liam ah? Mamimiss ko kayong dalawa lalo na itong apo ko" sabi saakin ni Tita at ako naman ang niyakap niya.

"Opo tita, mamimiss ka din po namin" sagot ko.

"At sana magkaayos na ulit kayo ng anak ko, alam ko na alam mo na hindi ganong klaseng lalaki si Blake kaya sana mapatawad mona siya. Isipin mo ang anak niyo siguradong hindi siya sasaya kung lalaki siyang broken family." Paliwanag niya, tumango ako.

"S-Susubukan kopo tita" sagot ko. Hindi ko lang alam kung masusubukan ko talaga.

"Liam dito, magpaalam kana kay Lola, aalis na tayo" tawag ko kay Liam dahil busy siya sa paglalaro ng hawak niyang bola, mabilis siyang tumakbo palapit saamin at sinalubong naman siya ng yakap ni Tita.

"Hmmm! Bye Liam, mamimiss talaga kita" sabi sakaniya ni Tita Angelica habang magkayakap silang dalawa.

"Lola saan po daddy?" Tanong sakaniya ni Liam.

"Ah? Oo nga no? Ano ba yang lalaki na yan, sinabi ko ng aalis na kayo ngayong araw eh. Ayaw niyo ba siyang hintayin Miyumi?" Mabilis akong umiling.

"Naku, wag na po tita, at hapon na oh, baka gabihin pa kami sa byahe" mabilis kong sagot.

"Ganon ba? Sayang naman at hindi kayo makakapagpaalam kay Blake. Pero sige, ingat kayo ah" sabi pa niya. Mabilis akong tumango.

Hinawakan ko na ang kamay ni Liam at sabay na kaming lumabas ng gate.

"Liam! Kumusta na kayo?" Tanong ni Kuya Carlo sabay buhat kay Liam. Kapitbahay namin sa dati naming bahay sina kuya Carlo at may van silang pinaparentahan kaya siya agad ang naisip ni mama na magservice nalang saamin papunta sa bago naming bahay, at mabuti nalang ay siya ang nakuha ni Mama kasi pwede niya pa kaming ipagmaneho.

"Ayos naman kami kuya, ikaw kumusta kana? Si candy kumusta na? Dapat sinama mo siya dito para makita siya ni Liam" sabi ko pa.

"Naku, yung batang yon ang kulit kulit na. Hindi ko na sinama dahil inaalagaan ang bago niyang kapatid eh, at ikaw naman Liam ang laki laki mona ah. Siguro sobrang kulit mona din." Sabi ni kuya carlo at pinisil ang pisngi ni Liam. Si Candy yung anak niyang babae na halos kasing edad lang din ni Liam.

MY PROFFESOR IS MY EX FIANCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon