Isa sa mga pinaka ayaw ni Mica ay yung mga party.

Ang ingay ingay, ang daming tao, at ang kalat kalat pa. Parang ipinagsama sa iisang bubong ang lahat ng mga ikina-iinisan niya.

Kaya bakit? Halos napatanong nalang siya sa sarili niya kung bakit sa kabila ng lahat ay nandito pa rin siya sa kalagitnaan ng pinakamaingay at pinakamagulong party ng kaklase niya.


"Oy, buhay ka pa ba?"


Ah, oo nga pala.

Dahan dahang tinignan ng masama ni Mica yung katabi niyang demonyita. Si Nika, ang demonic niyang kaibigang nagdala sa kanya dito, ay halos mahati na yung mukha dahil sa pagkalaki ng ngiti. Muli siyang napagtanto kung bakit naging kaibigan niya 'to.

Ngunit nung magsasalita na sana sha, merong biglang sumulpot.


"Micaaa, sayaw tayo tara~!"


Napailing na naman siya.

Yan si Kia, ang kaklase niyang ka-height lang ng balikat niya. Agad naman siyang itinulak ni Mica dahil sa baho ng hininga niya.

Humalinghing yung dalaga sa inis. "Jusme, ilan na ba yung nainom mo? Lubayan mo nga ako."

"Pero Mica--"


"Hoy senglot!"


At yun naman ang kapwa niyang lasing na mukhang hindi pa lasing, si Cacay.

"Andyan ka lang pala ah, kanina pa kita hinahanap." At nung napansin niya na may kasama si Kia, bigla siyang napangiti. "Uy Mica! Dan! Andito na pala kayo, tara, kanina pa kayo hinahanap nila."

"Wag mo nga akong tawaging Dan, Cay." Sabi ni Nika.

Kumunot naman yung noo ni Mica sa huling sinabi niya. "Nila?"


"PANDAAAK!"


Patay.


"BRUHAAA!"


"Heto na naman." Hinagpis ni Nika.

Halos nag 360 agad yung personality ni Mica, habang nawala na talaga yung ngiti sa mukha ni Nika.

Hindi na niya kailangang lumingon pa para makilala yung biglang sumigaw. Boses palang ay alam na niya.

Agad nagtalunan yung dalawa na parang praning, at napagbuntong-hininga na naman si Nika.

"Kung nalaman ko sana na may maligno pala dito, ede sana di ko na 'to pinapunta." Sabi niya, sabay turo kay Mica. God knows kung ano yung mangyayari pag ipanagsama ang dalawang 'to sa iisang bubong sa kalagitnaan ng isang maingay at magulo na party.


"What do you expect? Party nga 'to diba," may biglang nagsalita sa likuran niya. "At kung may party, nandoon yung pagkain. At kung may pagkain...?"


"...nandoon si Riah." Sagot ni Nika, sabay harap sa babae sa kanyang likod. "And as expected, andito ka rin pala Nadya."

"Of course. Kaya tara na nga, andun yung iba sa kwarto. Kanina pa kami naghihintay." Dali-daling hinila ni Nadya si Nika.

"Sorry na po, ang tagal kasing magbihis nung isa dito." Sabi ni Nika, sabay turo kay Mica.

i'm xxxxTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon