Pagkatapos ng insidente, agad silang sinamahan pauwi sa kani kanilang mga bahay. Isa isa silang tinanong ng mga pulis tungkol sa nangyari, at wala rin silang ibang sinagot kundi ang totoo. Ipagpapatuloy raw ng mga opisyal ang imbestigasyon at ang paghahanap sa suspek, pero sa ngayon kailangan na nilang umuwi.

Sinundo si Aina at Nika ng mga magulang nila, at si Drea naman ay kinuha ng tita niya. Sumama na si Rose sa kanila dahil magkapitbahay rin naman sila. Si Riah at si Mica naman ang hinatid ng pulis sa kani-kanilang tinutuluyan. University students kasi sila, kaya si Mica ay umuuwi sa rinirentahan niyang apartment, at si Riah naman ay tumutuloy sa university dorms.

Nung nakarating na sila sa may gate ng dorms, agad namaalam at nagpasalamat si Riah sa paghatid. Pero bago pa siya makaalis, dali dali siyang tinawag ni Mica.

"Bakit?" sagot ni Riah sabay tingin sa backseat kung nasaan si Mica.

"Magiging okay ka lang ba talaga diyan? Kung gusto mo pwede ka munang makitulog sa'kin." sabi ni Mica.

Tumango naman si Riah. "Oo, magiging okay lang ako. Bantay sarado naman yung dorms e. Mas nag-aalala nga ako sa'yo kasi mag-isa kalang sa apartment."

"Meron naman akong mga kapitbahay, hindi ako nag-iisa don. Basta mag-iingat ka lang ah? Tumawag ka lang kung hindi maganda pakiramdam o kutob mo."

"Opo, ma." pabirong sagot ni Riah. "Ikaw rin mas lalo kang mag-iingat. Kita tayo bukas."

"Sige."

~

Nung nasa apartment na si Mica, agad niyang isinara yung pinto sabay lock. Laking pasalamat niya na may extra na susi na kanyang naitago sa ilalim ng vase sa labas ng pintuan niya. Lahat ng bintana ay naka kandado na rin. Kung merong magtatangka na pumasok dito, imposible niya itong magawa ng tahimik kasi mag iingay ang mga kandado. Plus, retired na sundalo yung kapitbahay niya, at malapit rin niya itong kilala. Kung meron mang kung ano na aatake sa kanya, isang sigaw lang at may resbak na siya.

Nagsimula siyang magbihis ng pantulog, at nung isa isa na niyang inilalabas ang laman ng mga bulsa niya, dito rin niya nalaman na nasa kanya parin pala ang nabunot niyang card mula sa killer killer game nila.

Red card. Pulis.

Bigla siyang merong napagtanto.

Posible kaya na ang lahat ng nangyayari ngayon ay konektado sa laro nila kanina? Naalala niya yung unang insidente, yung kay Nadya. May hinahawakan siyang blue card habang nakahandusay yung katawan niya mula sa lubid. Muntikan nang sumuka si Mica dahil sa sama ng loob. Hanggang ngayon hindi parin niya matanggap ang nangyayari. Sobrang dami ang binawian ng buhay, at hindi na rin sila mabibigyan ng tamang seremonya sa paglibig dahil siguradong nasama ang mga katawan nila sa pagsabog sa bahay. Lalong bumigat yung mga balikat ni Mica nung napagtanto niya ito.

Pero kung ganon, sigurado na yung hinahanap nilang suspek ay sumusunod sa flow ng game. Ibig sabihin ba no'n, blue rin yung mga cards nina Aly, Trisha, Jel, Cacay, at Kia? Naalala rin niya na ang lahat ng ito ay nagsimula rin sa last round ng laro nila.

Kung totoo nga 'yon, posible rin na yung suspek ay isa sa mga kaibigan niya.

Hindi.

Hindi niya magagawang pagdudahan ang mga kaibigan niya. Magkaibigan sila. Matagal na silang magkakilala. Pumapasok rin sila sa iisang university kahit magkaiba-iba ang mga kurso nila. Siguradong hindi nila magagawang magtraydor sa lahat.....

...diba?

~

Pumasok si Riah sa dorm public restroom para maghilamos. Tinignan niya yung sarili niya sa salamin at agad napagbuntong-hininga. Sobrang haggard na niya talaga. Pero sino nga ba ang hindi magiging ganito pagkatapos ng lahat ng nangyari? Lalong sumikip yung dibdib niya nung naalala niya ang insidente. Mula kay Nadya hanggang kay Aly, Trisha at sina Cacay, parang hindi 'to kakayanin ng puso ni Riah. Sobra sobra na yung naganap, at hindi pa rin nahuhuli yung may gawa.

Napagbuntong-hininga nalang si Riah habang binasa niya yung mukha niya. Siguradong hindi magiging madali ang pagmo-move on dito. Pa'no na nila mahaharap ang mga magulang nila ngayon? Lalong lalo na yung mga magulang ng mga lumisan. Hindi na napigilan ni Riah ang pag iyak, at ang pagtakip nalang ng kanyang bibig ang tangi niyang nagawa para hindi siya gaano na mag-ingay. Ang bigat at ang sakit na ng pakiramdam niya. Sabi niya kay Mica na magiging okay lang siya, pero niloloko lang pala niya yung sarili niya.

Ilang minuto ang lumipas at nandun lang siya sa harap ng salamin, nakatayo at pinipilit ang sarili na huminga. Nung naging normal na ulit ang kanyang paghinga at nung unti unti nang tumigil ang kanyang pag iyak, agad niyang pinunasan ang kanyang mga luha at binasa muli ng tubig ang kanyang mukha. Kinuha niya yung dala niyang towel atsaka pinunasan ang kanyang mga pisngi.

'Siguradong magiging problema na naman ang pagtulog ko ne'to.'

Inabot niya yung toothbrush niya para makapagsimula na siyang magsipilyo, pero bigla siyang napahinto nung narinig niya yung pintuan ng isang stall na bumukas.

Bumukas.

Sobrang lakas ng pag langitngit ng pinto sa stall dahil sobra ring tahimik sa buong silid ng CR. Babalewalain lang sana ni Riah yung tunog, baka naman kasi kapwa estudyante lang niya. Hindi naman niya kasi talaga nacheck sa pagpasok niya yung buong CR kung meron bang ibang tao rito. Atsaka public restroom ito ng mga babae e. Kahit sino sa mga estudyante ang pwedeng nandito.

Magpapatuloy na sana si Riah sa kanyang gawain nang muli siyang napahinto dahil tumunog ulit yung pinto. Na para bang ito ay binubuksan tapos isinasara muli tapos binubuksan tapos isinasara ng pabalik-balik at ng dahan dahan.

Bukas. Sara. Bukas. Sara. Bukas. Sara.

Ng dahan dahan.

Dito na nagsimulang lumamig ang pakiramdam ni Riah. Hindi na maganda ang nagiging kutob niya.

Nung titingin na sana siya sa salamin para malaman kung ano ba talaga ang gumagawa ng tunog na 'yon, bigla itong tumigil. At muling napatahimik ang buong CR.

Napagbuntong-hininga ulit si Riah.

'Riah pagod kalang. Kailangan mo lang ng tulog. Baka imahinasyon mo lang yon. Bilis na, para makabalik kana sa kwarto at makapagpahinga. Sige na, kaya mo yan.'

Binahiran ni Riah ng toothpaste yung toothbrush niya at ipinadaloy yung tubig ng faucet. Nang sa ganun ay may ingay naman sa CR kahit konti para mapakalma ang hyperactive at paranoid niyang utak. At nung itinaas na ni Riah yung toothbrush niya.

BAM!

Agad napalingon sa wakas si Riah sa likod nung biglang sumara ng malakas yung pinto ng stall. Biglang bumilis yung tibok ng puso ni Riah pero para ring naging yelo yung dugo niya dahil sa takot. Parang nag e-echo yung malakas na tunog sa mga tenga niya. Dito na talaga lumakas yung masama niyang kutob. At mas lalong tumaas yung balahibo niya, at parang tumahimik ang lahat, nung tinignan niya ang laman ng stall.

At wala itong tao sa loob.

What the fuck.

Parang hindi na siya huminga.

Hindi niya namalayan na lumuluwag na pala ang kapit niya sa kanyang toothbrush kaya nabitawan niya ito at nahulog sa loob ng sink. Dito siya napalingon ulit sa harap para pulutin ito.

'Aalis na ako dito.'

Agad niyang isa isa na kinuha ang mga gamit niya, at nung hawak na niya ang lahat, napatingin rin siya sa salamin.

Big mistake.

Huminto na talaga siya sa paghinga.

Hindi na niya marinig ang puso niya.

Hindi rin niya magawang igalaw ang mga paa niya.

Merong kasama ang kanyang repleksyon sa salamin.

Hindi. Wala siya sa salamin.












Nasa likod niya.

~

i'm xxxxWhere stories live. Discover now