"...s-si Nadya..."

"Holy fuck..."

"Pa'no nangyari 'to?! Hindi ba't kasama natin siya all this time?!"

"No," sabi ni Riah. "Hindi niyo ba napansin? Simula nung nagsabi siya ng 'I'm dead' at napatay yung mga ilaw, hindi na siya nagsalita!"

Halos napaluhod si Nika sa sahig sa kanyang pagkabigla. Siya yung unang nakakita kay Nadya nung lumabas siya ng kwarto para sundan sana si Mica, at parang hindi pa niya lubos na naiintindihan ang nangyayari.

"Pero pa'no siya napunta dito?!" Tanong ni Cacay.

"Kailangan pa bang tanungin yan?! Merong mamamatay tao na naka pasok dito!" Sagot ni Aina.

"Pero hindi ba't kaklase lang natin yung pumunta ng party? Atsaka umuwi na silang lahat!" Dagdag ni Kia.

"Pa'no ka nakasisiguradong kaklase natin lahat yung pumunta AT kung umuwi na ba talaga sila?" Tanong naman ni Aly.

"Guys tatawag na ako ng police." Sabi ni Drea.

"At pa'no rin kayo nakasisiguradong wala na yung suspek dito sa loob ng bahay na'to ngayon?!"

Sa tanong ni Rose, napatahimik ang lahat at napagtanto.

"Kailangan nating makalabas dito." Sabi ni Mica.

"At iwan si Nadya?!" Angal ni Nika. Hindi na niya napigilan ang pagtulo ng luha niya.

"Dan, patay na siya!" Sigaw ni Mica, at hindi niya namalayan na nagsimula na rin pala siyang umiyak. "Ang tanging magagawa natin ngayon ay umasa na mahanap nung police ang pumatay sa kanya."

"Other than that," hinagpis ni Aly. "Wala na tayong ibang magagawa."

Aangal pa sana muli si Nika, pero naunahan siya ni Rose sa pagsasalita.

"Drea yung police, na contact mo na ba?"

"Wala," napagbuntong-hininga si Drea. "Busy yung linya."

"Tawagan mo ulit." Sabi ni Riah, sabay kuha ng sarili niyang phone para makahanap ng tulong. Pasekreto niyang pinunasan yung mga luha niya, pero wala itong silbi nung hindi talaga tumigil sa pagtulo ang mga ito.

Nagsimulang magpalakad-lakad si Mica dahil sa pagkabalisa. "Guys di ko na talaga kaya, ang sama na ng kutob ko. Umalis na tayo."

"Ayaw pa ring sumagot," sabi ni Drea.

"Guys--"

As if naka cue, biglang nagsimulang kumisap ang mga ilaw.

Napatigil silang lahat.

"Fuck."

"Sabi ko na nga ba e!"

"Shh!"

Walang gumalaw. Halos na paralisa sila sa pagkasindak. Klarong-klaro yung takot na nasa mga mukha nila. Parang hindi na nga humihinga yung ilan sa kanila. Bumibilis yung tibok ng puso ni Mica, at dahan dahan niyang tinignan yung mga ilaw. Para itong bumibilis sa pag kisap every passing second. Halos hindi na niya makita yung iba. Nagsimula siyang manginig. Hindi na niya alam kung anong gagawin.

May tunog ng paglaslas.

Muntikan nang lumabas yung puso ni Mica sa pagkabigla. Unti-unti siyang humarap sa pinanggalingan ng tunog, pero agad niyang pinigilan yung sarili niya. Bakit siya haharap? Ayaw niyang humarap. Takot siyang humarap. Ngunit di rin siya mapakali. Huminga siya ng malalim, at pinilit niya yung sarili niyang lumingon.

At nagsisi rin siya.

Nung naging medyo klaro na yung paligid niya, agad tumutok yung tingin niya kay Aly, na parang biglang tumigas at hindi na gumagalaw. Medyo nakabukas yung bibig niya, na parang meron pa siyang gustong sabihin. At do'n na napansin ni Mica--

i'm xxxxWhere stories live. Discover now