Tumakbo. Yan na ang laging ginagawa ni Mica ngayon.

Hindi na siya nakapagpaliwanag ng maayos sa kanila, basta nasabi niya ang kanyang nasabi tungkol sa kanyang pagdududa, bago siya umalis para hanapin yung kaibigan niya.

Si Drea? Pero bakit?!

Hindi pa lubos makapaniwala si Mica sa bago niyang nalaman, pero parang nagiging klaro na ang lahat.

Ang pinangyarihan ng insidente ay bahay ni Drea.

Nung nakatakas na sila mula sa bintana, si Drea lang ang hindi nakita ni Aina.

Nung nagsama silang lahat muli sa harap ng nasusunog niyang bahay, si Drea lang ang pinakatahimik sa kanilang lahat. At naalala rin ni Mica na meron siyang hinahawakan ng mahigpit sa loob ng kanyang kamao noon.

Nawala yung pineapple keychain niya. Yung keychain na bigay ni Drea.

Tapos ngayon lang naibalik sa kanya nung nakita niya ito sa sahig kung saan nakatayo si Drea noon.

Sinadya bang ibinigay ni Drea ang keychain sa kanya para ma frame si Mica?

Fuck, ang gulo. Ang gulong gulo na nito.

Ano bang motibo niya? Kung siya nga ba talaga ang nasa likod ng lahat ng 'to? Ba't niya ito ginagawa?

Biglang naputol sa pag-iisip si Mica nung bigla siyang may nakabangga sa hallway, at laking gulat niya na si Nika pala ito.

"Huy chill, Mica, ano bah? Sa'n ka papunta?" tanong ni Nika.

Agad namang pinagsabihan ni Mica ang kaibigan niya. "Nika, pumunta ka muna sa kwarto ni Riah. Du'n lang kayo, 'wag kayong lumabas. Tumawag kayo ng pulis kung kinakailangan. Basta wag kayong magtiwala kahit kanino--kahit kay Drea."

"Ano?! Huy, ano nang nangyayari? Bakit si Drea? Anong nagawa niya? Bakit kailangan ng pulis?"

"Sila Rose na ang bahala mag explain sa'yo, basta pumunta ka lang do'n. Doon lang kayo, please. May pupuntahan lang ako. Babalik rin ako."

Hindi na nakatanong pa si Nika dahil agad nang tumakbo paalis si Mica ng ospital.

~

Umuwi si Mica sa apartment niya. Meron siyang hotline number sa parents ni Drea na nasa ibang bansa. Tatawagan niya sila para magtanong kung ano ang kaya niyang makuha na impormasyon tungkol sa pag-aasta ng kaibigan nila ngayon. Hindi niya alam kung sasabihin ba niya sa kanila ang nangyayari o hindi, pero hindi pa naman talaga kasi sigurado ang lahat. Kaya siya magtatanong para makakuha ng mga sagot.

Pero sa laking gulat niya, imbes na naka lock ang apartment door niya, ito ay nakabukas na.

Parang naging mabigat igalaw ulit ang mga paa niya. 'Sigurado akong na lock ko ito kanina. Bakit naman ito nakabukas?'

Nung nakakumkom na siya ng sapat na tapang, dahan dahan niya ring pinasok ang apartment niya. Walang ilaw na nagbibigay liwanag, kaya sobrang madilim sa loob. Agad niyang hinanap yung switch, habang tahimik na naglalakad malapit sa pader para hindi siya mawala.

Pilit niyang hinila pabalik ang maingay niyang mga hininga. Kung sino o ano man ang nakapasok dito, hindi pa sigurado kung nakaalis na ba ito o nandito pa sa loob.

Nung akala niyang naaabot na niya yung switch, bigla siyang natapilok sa isang paga sa sahig. Matutumba na sana siya kung hindi lang siya nakahawak kaagad sa drawer na malapit sa kanya.

'Lintik naman oh, ano 'yun? Unan? Wala akong makita.'

Nung napakiramdaman na niya yung light switch, agad niya itong itinapik para bumukas yung ilaw.

Isang sigaw ang yumanig sa buong apartment.

Ilang segundo pa ang nakalipas bago napagtanto ni Mica na sa kanya pala galing ang sigaw na 'yon, habang ang kanyang mga mata ay nakatutok sa kung ano man ang  nabangga niya sa sahig.

Isang pares ng paa, na naka konektado sa isang katawang nakahandusay sa kanyang sahig.

Isang duguang katawan.

Biglang nanginig ang mga paa ni Mica, na parang nagiging jell-o na dahil sa takot. Hindi niya namalayan na umaatras na pala siya, at nung nabangga niya muli yung dresser na hinawakan niya kanina, tuloyan nang bumigay ang kanyang mga paa.

Kasi yung katawan sa sahig ay kilala niya.

Kilalang-kilala niya.


At hindi niya magawang ipikit ang kanyang mata, o kahit tumingin man lang sa ibang bagay. Hindi siya makagalaw. Parang hindi na nga siya humihinga. Wala na siyang magawa habang tinititigan niya ang nakabukas na mga mata ng bangkay.

Ang mga mata na wala nang buhay.














Ang nga mata ni Drea.

~

i'm xxxxWhere stories live. Discover now