"Isang estudyante ang nakitang duguan at naghihingalo sa CR ng kanyang dorm. Buti nalang at naisugod siya agad sa ospital ng nakakita sa kanya na kapwa niya ring estudyante. Hindi pa nalalaman kung sino ang tao sa likod ng krimeng ito. Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga pulis ukol dito. Ang biktima ay naisugod sa Sta. Maria Medical Plaza at hindi pa natin alam kung ano ba talaga ang kondisyon niya ngayon sapagkat--"

Muntikan nang mabitawan ni Mica yung plato na hinahawakan niya, habang ang mga mata niya ay nakatutok lamang sa balita sa TV. Dasal niya na sana hindi nalang naging totoo ang kanyang naririnig, pero ang imahe ng kanyang duguang kaibigan na nakahandusay sa stretcher at  ipinapasok sa ambulance ay sapat na na pruweba na ang lahat na ito ay totoo ngang nangyayari.

Nawalan na siya ng pake kung pajama pa yung suot niya. Agad niyang kinuha yung wallet at cellphone niya bago umalis. Hindi na niya magawang mag antay pa ng jeep, kaya napilitan na siyang tumawag nalang ng taxi.

"Sa'n po tayo ma'am?" tanong ng driver.

"Sa Sta. Maria Medical Plaza. Pakibilisan lang rin po." agad na sagot ni Mica. Tumango yung driver at nagsimula nang magmaneho paalis.

Nanginginig ang mga kamay ni Mica nung kinuha niya yung cellphone niya at agad tinawagan ang unang contact na nakita niya; si Drea. Hindi na niya alam kung humihinga pa ba siya habang inaantayan si Drea na sumagot. Pero pagkatapos ng ilang ring, wala pa talagang nag pick up ng tawag. Sinubukan niya ulit, pero wala talaga. Nung papunta na sana siya sa contact ni Rose, dun niya nalaman na meron palang mga text galing sa kanya.

From: Rose
Sent: 7:58am
Narinig mo na ba yung balita?

From: Rose
Sent: 7:59am
Nasa ospital ako
Si Nika mamaya pa raw makakapunta

From: Rose
Sent: 7:59am
Nasa OR pa si Riah

From: Rose
Sent: 8:01am
Si Drea cannot be reached. Natawagan mo na bah?

From: Rose
Sent: 8:03am
Mica ok ka lang? Ba't hindi ka sumasagot sa mga tawag ko?

From: Rose
Sent: 8:05am
Nasan ka?

Agad pinadalhan ni Mica ng reply si Rose. Sinabihan niya na malapit na siya sabay sorry dahil hindi siya nakapansin sa mga tawag niya.

~

Laking pasalamat niya nung nakilala niya agad yung mukha na nasa labas ng Operating Room.

"Rose!"

Nung lumingon na sa kanya ang may-ari ng pangalan, agad naman siyang yinakap nito.

"Shit nag-alala ako sa'yo, hindi ka kasi sumasagot sa tawag o text ko." sabi ni Rose.

"Pasensya ka na. Nakapatay kasi phone ko kanina. Si Riah, kamusta na? May update na bah?" tanong ni Mica.

"Nagkausap kami ng doktor bago lang. Sabi niya stable na raw si Riah. Pero wala pa rin siyang malay hanggang ngayon. Hihintayin lang raw muna natin na gumising siya." sagot ni Rose. "Natawagan ko na rin yung mama ni Riah kanina. Sabi niya na luluwas raw sila galing probinsya at papunta na sila dito. At in case na kung gumising na si Riah at wala pa sila, tayo nalang raw muna ang magbantay."

Parang isang malaking bigat sa kanyang dibdib ang biglang nawala nung nalaman niya na okay na si Riah. Guminhawa na siya ng maluwag at napaupo nalang sa malapit na upuan dahil sa pagod. Wala siyang tulog buong gabi, at kahit na't medyo naibsan ng konti ang bigat sa kanyang dibdib, parang mas lalo namang bumigat yung buo niyang katawan dahil sa pagod. Kulang nalang ay dito na siya matutulog sa mismong upuan.

i'm xxxxWhere stories live. Discover now