Series 1: Versus pt. 7

5.9K 101 2
                                    

Third Person's POV

(Timecheck in Barcelona 22:52)

Kakarating lang ni Ezekiel sa field kung san lalapag ang kanyang private jet. Kinuha niya agad ang kanyang phone para tawagan si Fauzia.

"Did you get the email from Boulstridge?"

Bungad niya agad rito nang sagutin ni Fauzia ang tawag.

[Yes Mr. Roswell. Pasimple kaming nagmasid ni Lee sa location ng Alpha kanina. Papasukin sana namin para makabitan ng cameras pero siya ring pagdating ng sasakyan ng Alpha kaya di kami natuloy]

"You can no longer do it tonight since my wife is with him now and his security will obviously get tighter. But this night at 12, the moment I will land on the airport, I want all of you to wait for me outside his territory before doing any move"

[Roger that Mr. Roswell]

"And let them see the building of the opponent's blueprint."

[Yes Mr. Roswell]

=====

Vash's POV

Alas nuebe pa ng gabi pero nandito na kaming lahat sa head quarters. Hindi ko alam kung bakit pinatawag kaming lahat ng ganito kaaga eh akala ko mamaya pa darating si boss.

"Kumpleto na ba?"

Tanong ni Lee

"Sina Lerwick, saka Lionhart nalang kulang"

"I'm here"

Bungad ni Meisha pagkabukas niya ng pinto kasama si Lerwick

"Nandito na ang gwapo"

"Mangarap ka pa tol. Alam naman natin kung sino ang totoong gwapo" - Lampe

"Oo syempre ako. Sebastian Lerwick"

Ayan na naman sila

"Open your mouths again you two and I'll kill the both of you"

Biglang sipot ni Lionhart kasama si Cassandra. Matindi din to eh pumapangalawa kay bossing sa threats pftt

"Alright let's start"

Sabi ni Fauzia na siya namang kinatahimik ng lahat. Umayos na kami ng upo at tumingin sakanya ng seryoso. Napatingin ako sa envelope na hawak niya at ganon din naman ang iba. Ano ba laman non?

"This"

Sabay kuha niya sa laman ng envelope

"Is the blueprint of the enemy's lair"

"Whoa pano niyo nakuha yan?" - Lerwick

"Inutusan na kami ni Boss nung gabi bago pa man siya umalis dito sa Pinas. Wala kaming ideya pano niya nalaman ang lahat ng 'to noon pa pero ginawa na namin lahat ng trabaho"

Nakakapagtaka pa ba yon? Si Bossing yan eh pftt

"He's always a step ahead from his opponent"

Rinig kong bulong ni Blood habang napapailing. Oo nga pero si Mam Aemie

"Kung ganon, bakit pa siya pumuntang Barcelona kung alam niya na ang nangyayari?"

Di ko napigilang itanong. Tulad ng dati, kung may mga ganito, pinoprotektahan na ni Boss si Mam Aemie pero ngayon, lumuwas siya pa Espanya

"Yun nga din iniisip namin ni Lee"

"Hindi kaya may kinalaman ang nagpakidnap kay Miss Aemie sa pagpunta ni Mr. Roswell sa Barcelona?"

Saglit kaming natahimik sa sinabi ni Meisha. Analyst nga talaga ng grupo. Malaki ang posibilidad na yun nga ang nangyari. Hindi naman iiwanan ni Bossing ang asawa niya kung wala itong kinalaman sa nangyayari ngayon.

"Meisha has a point" - Cassandra

"Yes but gather around here first. Kelangan nating kabisaduhin ang lahat ng pasikot sikot sa building ng Alpha"

Lahat kami ay tumayo at lumapit kay Fauzia habang nakatingin sa blueprint.

Mukhang bakbakan na naman ngayong gabi ah

"Bat ka ngumingisi jan Boul?" - Lampe

Agad namang nawala ang ngiti ko nang marinig ko ang boses ng tukmol na to tsk

====

Kaizer's POV

(Timecheck in Philippines 00:04)

[Where are you?]

"Nandito na kami sa labas ng lokasyon ng Alpha boss"

Kakasagot ko lang ng tawag yun na agad bungad ni Boss. Wengya. Namiss niya ba kagwapuhan ko?

[Good. Don't do any fucking move. Wait for my order. I'm on my way]

Napangisi naman ang nakakaloko kong labi. Tengene kating kati na mga kamay kong makipaglaro sa mga walang pa sa kalingkingan ng kagwapuhan ko sa loob ng building na nasa harap namin.

"Ayos! Bakbakan na naman namiss ng kagwapuha--"

*toot*

*toot*

Wengya.

"Anong mukha yan Lampe?" Agad na bungad ni Boul nang makitang nanlulumo akong tiningnan ang selpon ko.

"Mukha ng gwapo tol" gwapong sagot ko parin kahit--

"Akala ko mukha ng pinatayan ng tawag. Hahaha ingay kase."

Gago?

Unahin ko kaya tong Bouldog na to nang ma Bouldado?

My Husband Is A Mafia Boss [AeZeke] FanficWhere stories live. Discover now