Series 2: The Downfall pt. 6 [1/8]

3.8K 72 6
                                    

Dedicated to Azure MHIAMB whom I had collaboration with before. He's the one who make this. - Kiel

Kaizer's POV

Andito ako sa chopper papunta sa mismong lokasyon kung saan ako nakadestino. Medyo mahirap ang parte na binigay sakin ni Boss pero kayang kaya naman ng kagwapuhan ko.

"Ano pre?" Tanong ni Lee sa earpiece.

sagot ko habang naghahanda ang sarili ko.

"Ulol"

"Ito na malapit na 'ko" nang sumilip ako pababa ay- agad pinaputukan ng mga lalaking nakaitim ang sinasakyan ko. P-Petengene! Akala ko walang bantay dito.

"Lee, mukhang bantay nila ang buong lugar" sambit ko at maayos na ibinaba sa rooftop ang chopper. Agad akong bumaba ng palihim at nagtago sa pinakailalim non

Sa isang iglap, pinalibutan nila ang chopper. At tinadtad ng putok ng baril wengya.

Habang busying busy sila sa pagpapaputok ng baril ay hinanda ko na ang dalawang pistol ko. Lakas naman ng loob ng mga ulol na to na barilin ang pinakagwapong nilalang nabubuhay sa mundo tsk.

Nang buksan nila ang pintuan ng chopper. "Asan na yung tao dito?"

Lumabas ako sa pinagtataguan ko.

"Tapos na ba kayo? Ang kagwapuhan ko naman"

palibot ko silang pinagbabaril. Papunta palang kayo pabalik na ako. Walang pakundangan ko silang pinaputukan hanggang sa iilan nalang ang matira. Huling kalabit ko ay wala ng bala ang baril ko.

"Nasa amin padin ang alas" sabi ng isang lalaki na hayok na hayok at tawang demonyo ang kasunod kong narinig. Tang'na ang sakit sa tenga.

Agad akong tumakbo sa may chopper para maging panangga ko.

Epic naman! "Ano ng nangyayare dyan?"

"Heto pinagkakaguluhan na naman ang makarismang tulad ko. Ayos lang 'tol kayang kaya 'to" binuksan ko ang pintuan ng chopper at kinuha ang dalawa pang calibre ng baril.

Ngayon ay ako naman ang pinapaulanan nila. Wengya!

"Tingnan ko lang kung mabuhay ka pa"

"Icheck mo nga yung ulupong na yon"

Wengya! Sinong ulupong?! Sa gwapo kong 'to ulupong??

Pagkabukas ng pintuan ng chopper ay agad kong sinipa ang sumilip at pinaputukan ng baril ang mga kasunod nito.

"Petengena! Sinong nagsabing ulupong ako?" Pinagbabaril ko sila.

"Ulol! Baka nakakalimutan mo pinunta mo dyan" sabi sa earpiece ko.

"Pwepwesto na nga eh." Agad kong kinuha ang sniper kong dala at humanap ng magandang pwesto. Wengya ang gandang pwesto nito.

Napansin ko sa peripheral vision ko na may tumayo pang dalawang lalaki. "Hihirit pa" hindi ko na sila hinarap at pinaputukan ko na nalang agad.

Nag inat muna ako at bahagyang napangisi "Let's get it on" may nakita akong tatlong itim na kotseng sunod sunod. Agad pinunasan ang lense at itinapat sa ulo ng driver sa unang kotse.

Hindi parin pumapalya ang kagwapuhan ko sa ganitong bagay. Sa pangalawa naman ay pinatamaan ko ang gulong nila. Hanggang sa tumaob ito. Nageenjoy na ako. Hanggang sa sunod sunod ko na silang pinaputukan.

"Langya, Lee. All clear"

"Gege, stand by"

My Husband Is A Mafia Boss [AeZeke] FanficWhere stories live. Discover now