Series 3: TMB vs TDC pt. 2

2.8K 52 6
                                    

Kaizer’s POV

B-Bat sakin nakatutok yan?

Lumiko ako sa kabilang daan, paakyat sa daan na tinatahak nila para hindi mapuntirya ng kung sino mang nagmamay ari ng sasakyang yon at para masilayan ng gwapong ako ang labanan na to.

Pabilis ng pabilis ang takbo ng mga sasakyan nila at hindi ko na ito halos masabayan pa.

Naglabas ng baril ang nagmamaneho ng itim na kotse at pinupuntirya ang gulong ng sasakyan ni Bossing pero bago pa man niya maiputok yon ay naiiwasan na agad ni bossing ang direksyon kasabay ng pag iwas nito sa bala.

Itinutok ulit ng kalaban ang baril niya ngunit sa pagkakataong to, mabilis niyang iniba ang direksyon ng baril para maasinta nito ang gulong ng sasakyan ni Boss.

Itinigil ko ang sasakyan at kinuha ang binocular mula sa compartment.

Alam kong nakakamatay ang sex appeal ko pero wengya hindi ko na kayang sabayan ang bilis nila.

Dahil sa biglaang pagdaplis ng bala sa gulong, nagpagewang gewang ang sasakyan ni boss sa daan. Medyo kinabahan ako sa nakikita ko.

Mukhang magiging mahirap na labanan na to.

Pinaputukan ulit ng ulol na nasa itim na sasakyan ang kotse ni Bossing kaya mas nawalan ito ng kontrol.

W-wengya! Halos napahinto ako sa paghinga nang makita ko ang sunod na ginawa ni Boss. Alam na alam ng nakakahumaling na kakisigan ko ang galing ng isang Ezekiel Roswell pero hindi ko inaasahan ang mga sumunod na nangyari.

Kumapit si Bossing sa gilid ng kotse niya kasabay nun ang pag tumbling niya bigla paakyat sa bubong nito.

Hindi pa ako nakakabawi sa pagkabigla nang makita kong ngumisi sya at itinutok nito ang baril niya sa nakasunod na sasakyan.

Pero bago niya pa man maiputok ito, biglang binuksan ng kalaban ang kotse niya at tumalon paalis dahilan para mawalan din nang kontrol ang sasakyan nito.

Kasabay ng pag iwas ng kalaban sa bala na naiputok ni Bossing ay ang pag talon niya at pagtalon ni Boss paalis sa mga sasakyan nila.

At wengya. Magkasabay silang lumanding sa lupa.

Nahigit ko ang paghinga ko nang mapagtantong-- babae pala ang kalaban ni Boss.

Siya na yata ang tinatawag nilang ‘Blood’ na kinatatakutan sa buong Europa.

Putek. Isang Mafia Boss at isang Dark Conqueror, nasa iisang labanan. Wengya! Ang gwapo ko!

Iniandar ko ulit ang sasakyan at bahagyang lumapit sa direksyon nila.

Lumabas ako at nagmasid sa ilalim ng puno nang may bigla akong naramdaman na matalim na bagay na nakatutok sa leeg ko--

"What are you planning to do?"

Ezekiel’s POV

Not looking at her eyes, I stared blankly on the floor while my hands are on my pocket.

“Let’s see who’s gonna win”

She said full of dominance and warn in her voice. I held my head up and stared at her cold, crimson red eyes.

“Shall we?”

I said and grinned as I tossed a coin. When that coin lands on the ground,

The real fight starts.

My Husband Is A Mafia Boss [AeZeke] FanficWhere stories live. Discover now