Series 2: The Downfall [Ending 1/2]

3.4K 53 4
                                    

Jacob's POV

Palipat lipat ang tingin ko sa iba't ibang bahagi ng head quarters na to sa monitor. Di parin pala nangangalawang mga to kahit uugod ugod na.

Napatingin ako sa laptop nang makitang sumabog na ang unang head quarters ng kalaban. Nagkabit din ako ng camera don para mamonitor ang galawan ng mga tauhan ng liders na to na iniwan nila sa unang headquarters nila.

Kung siguro di nalaman ni boss na frame up lang dapat yung unang lokasyon. Panigurado lahat kami sunog na ngayon.

[Where's Roswell?] - Blood

Mabilis na hinanap ng mata ko si bossing sa mga monitors na nandito pero taena.

"Hindi ko mahagilap si boss"

[Ano? Kanina lang kasama ko si bossing bago tayo nag hiwa hiwalay] - Lerwick

"Napatay nyo na ba lahat ng target?"

[I'm all clear] - Meisha

[Malaki na si Roswell. He knows what he's doing. Let's just focus on our targets and make sure they're all dead] - Lionhart

Magsasalita pa sana ako nang makita kong kasama ni Strife ang isa sa mga leaders ng Crimson. Si Coleanne Allard? Takte?

"Strife--"

[Relax Lee. Malalaman mo rin lahat.]

--------
Third Person's POV

Bahagyang nakaramdam ng takot si Niccolo pero pilit nya parin itong tinatago nang malaman nyang nasa opisina nya pala ang Master nila. Ang ibang mga lider ng organisasyon nya ay nag hiwa hiwalay na para patayin ang mga tauhan ni Ezekiel at hindi sya sigurado kung buhay pa ba ang mga to.

Dahan dahan nyang binuksan ang pinto ng opisina ng head quarters nila at sa unang pag kakataon, nakita nya ang Master nila hindi lang mula sa screen kundi harap harapan na.

Nakatalikod ito sakanya pero alam ni Niccolo na naramdaman na nito ang presensya nya.

"Master--"

"Who leaked the information?"

Kalmadong tanong nito pero mararamdaman ang lamig at awtoridad mula sa kanyang boses.

"Non ne ho ancora idea, Maestro. Ho seguito tutti i tuoi ordini ma non ero a conoscenza del traditore." [I still have no idea, Master. I have followed all your orders but I was not aware of the traitor]

"Dumbass."

Humarap sakanya ang Master na kinikilala nila at napakunot ang noo nya dahil naging pamilyar ito kahit pa may suot itong maskara.

"Did you really thought.."

Dahan dahang tinanggal ni Master Phix ang maskara nito at malamig na tiningnan sya ng diretso sa mga mata.

Nanigas sya sa kinatatayuan nya ni hindi nya halos magawang mag salita dahil sa sobrang gulat

"..you can take me down, Alfonsi?"

"R-Roswell?"

My Husband Is A Mafia Boss [AeZeke] FanficWhere stories live. Discover now