Series 3: TMB vs TDC pt. 4

3.3K 46 8
                                    

"You can never defeat me. Any last words, Mafia Boss?"

I looked up and stared at her eyes. I know she's trying to read my mind to see through my next move. But all I responded was a cold, emotionless stare.

I winced when she pinned her sword more. Anytime soon, I know she'll kill me

"Farewe--"

I didn't let her finish her words for I suddenly took a step behind to jolt which had taken her aback. I made it as a gain to skip up, rotating my body as I stepped onto her weapon, making her kneel down behind me.

She was about to pull it off but I turned to face her still with her weapon beneath my feet as I swiftly raised my right foot to jolt her in her face. But she had stopped my foot with just one hand.

Impressive.




Kaizer's POV

Nandito na ko sa katabing puno ng babaeng pula yung buhok. Mas maganda pala view dito bat di ko agad naisip yon? Tsk tsk pasensya na gwapo lang

"Shinjirarenai" I can't believe this

Rinig kong sabi nung isa.

"Anong sabi mo, Binibini?"

"None of your business. At may pangalan ako tss"

Bat napapaligiran ako ng babaeng suplada? Tsk tsk. Gwapo naman ako. Hot. Gwapo at teka nasabi ko na bang gwapo ako?

"Boss mo yang kalaban ni Blood di ba?"

Pano niya nalaman? Tiningnan ko siya at nakita kong nilalaro niya sa bibig niya ang dagger na hawak niya. Wengya? Di naman kaya siya masugatan niyan?

"I hate to admit pero magaling siya. Walang halos nakakatama kay Blood ng kahit isang atake. Pero nagagawa niyang boss mo"

Nanatili akong tahimik at tiningnan ulit ang labanan ng dalawa. Kahit ako ngayon. Hindi makapaniwalang nagagawang atakihin din niyang Blood na yan si Bossing. Wala pang sampung segundo, kaya nang ubusin ni Boss lahat ng nasa paligid niya.

Exaggerate man pakinggan pero alam ng lahat na totoo. Kaya nakakapagtaka na nakakabilib na kaya ding patumbahin niyang Blood si Boss.

Sa labanang to, pakiramdam ko mahihirapan si Boss na manalo ganon din ang kalaban niya. Pero halata sa mga galaw nila na walang gustong matalo--

A-anong..

Muntik na kong mahulog sa puno nang makita kong napigilan nung Blood ang paa ni Boss sa pagsipa sakanya. W-Wengya. Ni hindi nakita ng mga mapupungay kong mata na sumipa na pala si Boss! Kung hindi pa napigilan nung Blood paniguradong magtataka ako at alam ko itong babaeng ninja din kung bat bigla siyang tumilapon.

Nakakabilib.

[Did you actually thought you can defeat me, Vezallius?]

Rinig kong sabi ni Bossing mula sa earpiece

Napatingin ako sa babaeng ninja at mukhang gusto niyang marinig ang mga salitang binibitawan nung dalawa kaya ikinonnect ko ang earpiece sa phone ko at medyo nilakasan ang volume nito.

[Let's see] -Blood

Napalingon agad siya sa direksyon ko nang marinig ang boses na yun.

"Oh. Alam kong gwapo ako Miss pero wag mo naman ako titigan ng ganyan pftt may earpiece si Bossing kaya naririnig ko. Alam ko namang nanggigigil ka nang marinig ang usapan nila"

Umiwas agad siya ng tingin at muling nanood sa labanan. Napalingon agad ako kina Bossing nang may narinig akong tunog ng katana.

Sa paghawak ng kalaban sa paa ni bossing ay kasabay nun ang pagbalibag nito sakanya dahilan para paikot na tumilapon si Boss. Tang'na. Nanlalamig na pinagpapawisan na ako.

Akala ko'y mauuna ang ulo ni Boss sa pagtama sa semento pero wengya! Kahit sobrang bilis ng pagkatilapon sakanya ay nagawa niya paring umikot habang nasa ere at timing. Ang mga paa niya ang lumanding sa lupa.

Anak ng. Boss! Ang lupet mo

Hindi pa man nakakaporma si Bossing para sumugod ay bigla nang tumakbo yung kalaban palapit sakanya.

Nabigla ako sa sobrang bilis niya. Sa isang iglap nakarating na agad siya kay Boss.

Dahil sa bilis ng pangyayari ay di na nagawa ni bossing na umiwas sa sunod nitong atake. Biglang nitong sinipa si bossing sa bandang tiyan. Nagaya niya agad ang galaw ni boss kanina.

Ibang klase.

Napaluhod si Boss sa lakas ng pagkakasipa at bahagyang napayuko.

Lumapit ang kalaban kay Boss at tumingin ito sa sarili niyang kamay

"Your Boss will surely be dead now. The next one will be Blood's signature move. Her heartbreak shot."

Hindi ko na halos makita ang mga sumunod na nangyari dahil sa sobrang bilis.

"If your boss dies, I will kill you t-"
Parehas kaming natigilan dalawa nang masalo ni Boss ang kamao ng kalaban niya kahit nakayuko ito.

"I-impossible.."

Rinig kong sabi ng babaeng ninja kaya saglit akong tumingin sakanya. Nahulog ang dagger mula sa kamay niya sa tindi ng pagkabigla. Halatang nanginginig siya at hindi makapaniwala sa nakikita niya ngayon.

Ang mga kamay ni Boss ay halos nakalapat na sa sarili niyang dibdib at habang inilalayo ang kamao ng kalaban

Tumitig si Boss sa mga mata nito at sumilay mula sa kanyang mga labi ang ngiting kailanman ay hindi ko nakita buong buhay ko. Binalot ako ng takot ng makita ang mga ngiting yun mula kay Ezekiel.

Alam kong kahit itong babaeng kasama ko ramdam din ang takot ngayon.

Sabay naming narinig dalawa ang paglaguto ng mga buto ng kamao nung Blood na mahigpit na hinahawakan ni bossing.

Nanuyo ang lalamunan ko sa narinig

Dinampot ni boss ang katana ng kalaban at itinutok sakanya.

[Your own weapon will kill you]

Kung nakakatakot ang boses ni Bossing noon, mas nakakatakot ngayon. Naging mas malamig ito, malalim at seryoso.

Idiniin ni Bossing ang katana sa kalaban at lumapit lalo. Kuhang kuha din ni Boss sa pagkakataong to ang galaw ng kalaban niya kanina.

Kasabay ng pagtulo ng dugo mula sa leeg ng kalaban ay ang paikot na paghawak ni bossing sa mga kamay nito mula sa likod

[Any last words, Blood-eyed demon?]

Muling sumilay ang ngiti ni Bossing na nakakapangilabot.

[I'll kill you--]

Biglang nawala ang signal at ibang boses ang kasunod na narinig naming dalawa. Nagsalita si Lerwick mula sa kabilang linya.

[Lampe! Ulol! Kanina pa naming kayo sinusubukang tawagan nakablock kayong dalawa ni Bossing tengene. Kung di pa nahack ni Lee-]

"Miss mo na ba ako agad Babylerwick? Wag kang-"

[Gago umalis na kayo ni Bossing dyan sa area kung nasan kayo ngayon. Natrack ng anak ni Strife ang activated bombs nung Alpha at jan niya itinanim ang mga bomba. Isang minuto at tatlumpung segundo nalang ang natitira]

Nagkatinginan kami ng babaeng ninja at sabay na tumalon patakbo sa direksyon nila Boss. Alam kong pwedeng kami ang pataying ni Bossing o ng kalaban niya pero mas kelangan naming lahat nakatakas sa lugar na 'to wengya!

-END-

My Husband Is A Mafia Boss [AeZeke] FanficWhere stories live. Discover now