Kabanata 8

30 3 0
                                    


Nagkagulatan kaming lahat ng buksan ko ang pinto, madaling araw pa at hindi ko inaasahan na ganito kaaga ang pagpapalit ng mga kawal..

Naka tingin sa akin sina Rage at Mitch na parehong nabigla sa paglabas ko, sobrang lakas ng tibok ng puso ko ngayon at nanginginig ang kamay ko na sinara ang pinto.

"Kamahalan"

Agad nagsiyuko ang mga kawal, nakakunot naman ang noo ni Rage habang nakatingin sa akin.

"May kailangan ka Kamahalan?"

Tanong ni Mitch, seryoso ang kanilang mga mukha at nanibago ko.. mukang hindi magandang pagkakataon ang napili ko, pagod sa ginawang pagbabantay sina Mitch. Pero nandito na at nakatingin silang lahat sa akin.

"May.." Lumunok ko. "May sasabihin ako.."

Kinakabahan akong lumingon sa pinto na sinara ko, nung binalik ko ang tingin sa kanila ay nagdududa na ang tingin ni Rage sa akin at namilog ang mga mata ko ng mabilis siyang humakbang papunta sa pinto.

Mabilis kong hinarang ang sarili ko sa pinto, kung hindi siya agad huminto ay siguradong magbabanggaan kami, namumutla ako habang nag-aangat ng tingin sa kanya.

"Umalis ka dyan Kamahalan"

Madilim ang kanyang mga mata ng magkatinginan kami hindi ko kinaya ang intensidad ng kanyang tingin kaya tumingin ako sa likod niya, nahagip ng tingin ko si Mitch na nakataas ang kilay at bumalik na ang ngisi sa kanyang mukha.

"Makinig muna kayo!"

Nilibot ko ang tingin sa kanilang lahat, pitong guwardiya ang nandito, tatlo sila Mitch na kagabi pa nagbabantay at apat para ngayong umaga kasama na si Rage.

"Ano yun mahal na reyna?" Nagtatakang tanong ni Kell.

Lumunok ako at tinignan sa mata si Rage, alam kong malalagay sa alanganin ang sinumpaang salita nila para sa kaharian.. pero mangangako ulit akong aangkinin ko ang lahat kapag nagkataon.

"May ipapagawa ako sa inyo.."

Nagkatinginan ang iba, si Rage naman ay biglang humakbang sa kaliwa para yata makapasok sa silid at agad ko siyang tinulak.. o sinubukan na itulak paatras.

Bumaba ang tingin niya sa mga kamay kong nasa dibdib niya, biglang uminit ang mukha ko mabilis kong binaba ang kamay na parang napaso.. mainit naman talaga ang dibdib niya.

"Okay.. pag pasok niyo walang mag-iingay!"

Sinubukan ko silang tignan ng masama pero mukang nakuha na ang atensyon nila sa kung ano mang nasa silid ko dahil inaabangan nilang buksan ko ang silid.

Binuksan ko ng malaki ang pinto para makapasok silang lahat at ako mismo ang nagsara nun, tumikhim ako at lumapit sa kanila na nakatingin na rin sa babaeng natutulog sa kama.

Nakayuko sa gilid si Camie, nanginginig siya.. mabilis akong lumapit sa kanya at tumayo sa kanyang harapan para kahit papaano ay pakiramdam niya may nakaharang sa kanya mula sa mga naglalakihang nilalang na nasa loob ng silid ko ngayon.

"Kamahalan..anong ginawa mo sa babaeng yan?"

Natatawang tanong ni Mitch, ngayon ay nakatingin na sila sa akin.. Oo nga pala, para sa kanila isang babae lang si Brianna.. hindi nila mauunawaan kung hindi ko sasabihin.. maliban kay Rage na matalim na ang tingin sa akin, tingin ko inaasahan na niyang may sabihin akong ikakagalit niya.

"May sakit siya.. at.. kapated siya ng bandidong nadakip sa bayan na nasa kulungan ngayon"

Agad bumalik ang tingin nila sa babae, ngayon ay pagtataka at pagkabigla na ang nasa kanilang mga mukha, maliban ulit kay Rage na naglalakad na papunta sa akin at tinignan ako gamit ang nag-aalab na tingin niya.

Asha BlacktornTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon