Kabanata 30

12 3 0
                                    


Pagkatapos kung ikwento kay Brianna ang nangyari sa aking Ina at sa dahilan kung bakit nagawa ni Hinder iyon ay naka awang lang ang kanyang bibig at manghang nakatitig sa akin.

"Ibig mong sabihin.. tama ang hinala natin? Ikaw nga ang nasa Propesiya"

Nagkibit balikat ako.

"Pero.. Asha, sabi mo ay sinumpa ng Ring Queen ang ina ni Prinsipe.. maaari mo kaya siyang gamutin kagaya ng ginawa mo?"

Alanganing tumingin sa paligid si Brianna habang natigilan naman ako, hindi ko nasubukan.. ngunit kung susubukan ko ba.. kaya ko?

Gawa ng Ring Queen ang bagay na iyon.. at kapag nagamot ko nga ito ibig sabihin wala nang atrasan.

Para namang may magagawa pa ako ngayon.

"Hindi ko alam" Bumuntong hininga ako at tumingala sa langit

"Sana talaga matulungan tayo ni Lola Caramella.. upang magamit mo na nang mabuti ang iyong kapangyarihan"

Wala sa sariling sabi ni Brianna.Ilang sandali akong napatitig sa kanya. Wala naman akong sinasabi sa kanila tungkol sa kung ano talaga ang gusto kong malaman ngunit sa narinig ay alam ko na agad na hindi ko na kailangang sabihin.

Kilala nila ako at alam na nila kung paano ako mag-isip.

Habang nagbibihis na kami ay nilingon ko si Brianna.

"Syanga pala.. nasa palasyo rin si Nova, may mahalaga siyang tungkulin na ginagawa ngayon"

Hindi ko na hinintay ang reaksyon nito, nagpatuloy ako sa pagbibihis.. nais kong kahit papaano ay mawala ang pag-aalala ni Brianna sa mga bagay bagay na ipinagkait ko kay Nova.


Napag desisyonan namin na magpatuloy sa paglalakbay hanggang sa hating gabi na, malapit na kami sa lugar na sinasabi nila.

Pagod na pagod ang lahat at ang ikinabuti lang ng nangyari ay hinayaan na ako ni Argus na manatili kasama si Rage sa labas ng tent, sa tingin ko rin ay nasanay na ang mga kasama namin na lagi kaming magkatabi.

Nakatitig ako sa langit habang naka higa sa tabi ni Rage at ganun rin siya, isang simpling bagay ngunit kakaiba ang hatid sa akin.

Nais kong manatili sa ganitong sitwasyon..

Na walang inaalala, ligtas at kasama ang mga mahahalagang tao sa buhay ko ngunit alam ko rin na imposibling mangyari iyon..

"Anong iniisip mo?"

Narinig kong bulong ni Rage, gumalaw siya paharap sa akin ngunit nanatili akong nakatitig sa mga bituin.

"..kung anong mangyayari bukas" mahinang sabi ko rin

Nagtatalo sa di kalayuan sina Dyer at Kell tungkol sa pangalan ng isang ibon na natutulog sa itaas ng puno kung nasaan sila at pinagtatawanan silang dalawa ni Mitch at ng iba pa kaya imposibling marinig kami ng mga kasama ngunit nais ko pa rin na makasiguro.

"Kinausap ako ni Argus nung unang araw natin.."

Napabaling ako sa kanya ng marinig ang sinabi, seryoso ang kanyang mga matang nakatitig sa akin nais ko man siyang harapin ay ayaw kong makita ng iba na may sariling mundo kaming dalawa.

"..isang delikadong bagay raw ang maging mahalagang tao para sa iyo lalo na sa panahon ngayon"

Tumaas ang gilid ng labi niya, napalunok ako hindi ko kaya ang intensidad ng kanyang tingin kaya binaling ko ulit ang aking mukha sa mga bituin.

"Alam ko ang bagay na iyon simula palang na mapansin ko na gusto kong nasa tabi mo kahit pa sa labas ng oras ng trabaho ko"

Kinagat ko ang aking labi at nanatiling tahimik.. sigurado akong mababasag ang aking bosis kapag sinubukan kong magsalita.

Asha BlacktornTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon