Kabanata 26

19 3 0
                                    

Okay, nabago ang Format ngayon ko lang napansin na natapos ko na. Hayss kaya maikli na ang bawat chapter from now on.

-------------

Isang panaginip..

Sigurado akong panaginip lamang ito, paanong mapupunta dito si Rage? Ang kanyang puting kabayo ay huminto sa kanyang tabi at agad niya itong inabutan ng kung anong dala.

Ngunit ang kanyang tingin ay nasa akin pa rin.

Hindi ko alam kung anong gagawin, sa tindi ng kaba ng aking puso pakiramdam ko lalabas na ito sa aking lalamunan, nakuha kong humakbang palapit sa kanya.

Ang kanyang palaging malinis na pagkakagupit na buhok ay medyo mahaba na at may kaunting balbas na rin siya dahilan upang mas mag mukha siyang mas matanda sa huli naming pagkikita.

Ang unang hakbang ko ay nasundan pa ng maraming besis hanggang sa ilang hakbang nalang ang pagitan naming dalawa, ang kanyang asul na mata ay matalim na gumala sa aking katawan.

"Prinsesa Asha.. anong ginagawa mo dito"

Malamig na tanong nito, napasinghab ako ng marinig ang talim ng kanyang bosis dahilan upang maalala ko ang huli naming pag-uusap.. 

"Rage.."

Humakbang ako ng isang besis palapit sa kanya ngunit agaran siyang umiwas, kinuha niya ang lubid ng kanyang kabayo at hinila ito pabalik sa mga kasama, napasinghab ako sa naramdamang sakit sa aking dibdib at para bang sinuntok ang aking sikmura.

Sinundan ko siya ng tingin..

"Ang sabi mo ay sa Easthern Plain ka pupunta.. ngunit nandito ka.. sa tingin mo ba walang karapatan ang Kamahalan na malaman kung anong ginagawa ng kanyang nakababatang kapated"

Kinagat ko ang nanginginig kong labi, alam kong nasaktan ko rin siya dahil sa ginawa kong pag-alis ng hindi siya hinihintay..

Ngunit sapat ba iyon upang saktan niya ako ng ganito ngayon?

Oo.. Kasalanan mo yan..

Napalunok ako, nandito na naman ang maliit na bosis itong pilit kong iniignora simula ng maalala kong may kailangan akong gawin..

"Alam mong walang pakialam sa akin si Evie"

Bulong ko, hindi ko alam kung bakit ko siya sinusundan.. ngunit hindi ko gustong umalis at mas lalong hindi ko gustong hindi na makita ang kanyang mukha.

Naguguluhan man ako kung bakit nakasuot siya ng uniporme ng kawal ni General ay hindi ko makuhang magtanong, nakakainis at pinaparamdam niya sa akin na para bang wala akong karapatang magtanong.

"Tss.. iniisip mo lamang yan Prinsesa.. sa tingin mo walang pakialam ang lahat ng tao sa iyo kaya ginagawa mo ang ano mang maisip mo ng hindi iniisip ang ibang tao at kung ano mang mararamdaman nila"

Mabilis niyang tinali ang kanyang kabayo, huminto na ako sa pag lapit sa kanya..

"M-may kailangan akong gawin" Lunok ko.

Buong atensyon ni Rage ay nasa akin na ngayon, ilang sandali kong sinalubong ang kanyang malamig na mata hanggang sa hindi ko na makayanan.

Yumuko ako.

"Sa tingin mo hindi ko maiintindihan kung ano man yun"

Umiling ako hindi pa man niya natatapos ang kanyang sinasabi.

"Hindi mo ako papayagan"

At alam kong kapag nagtagal ako doon at hinayaan ko siyang kausapin ako.. siguradong hindi na ako tutuloy, manghihina lang ako..

Asha BlacktornTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon