Kabanata 10

26 2 0
                                    


"Kamahalan.. sa tingin niyo ba ay magiging maayos ang inyong pamamalakad kung susubukan ninyong kontrahin lahat ng mga Noble?"

Malamig na tanong ni Morgan, hindi na ako nagtaka nung nag kusa siyang ihatid ako sa aking silid, nakasunod sina Rage sa amin at tahimik na nakikinig.

"Hindi ko sila kinokontra Morgan, binibigyan ko lang ng hustisya ang mga ginagawa nila sa kanilang mga tauhan"

Sumasakit ang ulo ko sa mga ginawa ngayong araw.. gusto ko nalang maligo at matulog siguradong naghihintay na sina Yancy sa silid.

"Paano mo nalaman na nagsisinungaling si Lady Barnie kamahalan? hindi mo siya gaano kakilala"

Nakita kong nilingon ako ni Morgan, nakatingin lang ako sa harap dahil binibilang ko ang mga hakbang ko papunta sa aking silid.

Buong umaga akong nag-aral ng pangangabayo at pag depensa sa sarili kong may magtangkang yumakap sa akin mula sa likuran at kung paano makawala kahit pa hindi ko maisip kung bakit gusto akong yakapin ng kalaban mula sa likuran kong pwede naman nila akong saksakin.

"Nabasa ko"

Wala sa sariling sagot ko, ilang sandaling tumahimik si Morgan at dalawang pasilyo nalang bago ako makarating sa aking silid.

"Ano-anong ibig sabihin na nabasa mo kamahalan?"

Tumikhim ito, nilingon ko siya at umikot ang mga mata ko.

"Madaling basahin si Lady Barnie, Morgan.. katulad mo.. nababasa kong iniisip mong may kakaiba sa akin.. at nakikita ko kahit pa gaano mo itago ay may takot kang nararamdaman.. at hindi ko alam kung bakit Morgan, walang kakaiba sa akin"

Mabilis ang lakad ko kaya nakarating kami agad sa aking silid, hinarap ko sila at ngumisi ako.

"Gusto ko nang matulog, magandang gabi Morgan"

Tinalikuran ko na sila at pumasok na ako sa aking silid, pag sarado ko sa pinto ay syaka ko napansin na tatlo silang naghihintay sa akin.

"Magandang gabi Kamahalan"

Yumuko ang babaeng hindi ko kilala, nakasuot siya ng uniporme ng taga silbi at ng nagtaas siya ng mukha ay syaka ko lang siya nakilala ng makita ang tshokolate niyang mga mata.

"Brianna"

Pinagmasdan ko siya mula ulo hanggang paa, payat pa rin siya ngunit hindi na buto't balat at may kulay na ang kanyang mukha, ngayon ay nakikita ko na ang kanyang kagandahan.

"Gusto ko lang magpasalamat sa lahat ng tulong ninyo sa akin at sa aking kapated, ayaw ni kapitan Rage na banggitin ko pa ang nangyari kaya kahit gusto ko kayong pasalamat ng paulit-ulit kamahalan ay hindi maaari kaya ipapakita ko nalang ang aking pasasalamat sa pagsisilbi sa inyo"

Napatingin ako sa dalawa at nakitang malaki ang ngiti nila. Gusto rin nila na makasama si Brianna. Sinabihan na rin ako ni Rage na wag basta-basta pag-usapan ang nangyari kaya hindi na namin napag-uusapan nila Yancy ang tungkol doon kahit pa gustong gusto kong malaman kung nasaan si Bryan

"Kung ganun tatanggapin ko Brianna"

"Yehey.. matagal ko na itong pangarap Kamahalan! Ang magsilbi sa isang palasyo kahit saan wag lang sa North"

Malaki ang ngiti nito habang tinitignan ang dalawang kasama, hindi ko iisipin na iisang tao ang Briannang ito sa babaeng may sakit sa kwarto ko ilang linggo na ang nakakaraan.

Ni hindi niya napansin na natigilan ang dalawa ng marinig ang huling sinabi, tumikhim ako gusto ko man na makipag kwentuhan sa kanila ay bumibigay na ang talukap ko.

Asha BlacktornTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon