Kabanata 14

25 3 0
                                    


Si Evie nga.

Kagat ko ang aking daliri habang pinagmamasdan ang natutulog na mas payat, namumutla at maraming galos na si Prinsesa Evie.

Ilang ulit kong pinakiramdaman ang sarili ng sinabi nila kanina na naka uwi na ang kapitan at kasama ang Prinsesa, totoong siya nga.

Ang buong akala ko ay pinaslang rin siya katulad ng nangyari sa aking ina, akala ko aksidente lang ang nangyari na naiwan ang kanyang mga duguang gamit dahilan para isipin ng lahat na wala na nga siya.

Pero ito.. Natutulog lang.

"Kamahalan, nais niyo bang makausap si Kapitan?"

Napapitlak ako ng marinig ang bosis ni Kell, naka tayo siya sa gilid at hindi ko napansin dahil nakatitig na ako sa aking kapated mula ng pumasok ako sa silid na ito.

Nilingon ko siya at agad kong napansin ang pag haba ng kanyang balbas at ang madumi nitong damit, halata rin sa kanyang itsura ang pagod.

"Hindi muna Kell.. mag pahinga muna kayo.. tingin ko ay kailangan niyo yun lahat"

Pagod akong ngumiti at binalik ang tingin sa babaeng natutulog sa kama, narinig ko ang asaran ng aking mga guwardiya kay Kell bago nila ito hinayaang maka labas.

Natatabunan ng makapal na kumot ang katawan ni Evie ngunit sigurado akong nilinisan siya bago pinatulog. 

Kung sana.. magkatulad ang aming relasyon kay Brianna at Bryan..

Baka sakaling matuwa ako ngayon na nakita ko siyang ligtas..

Masamang tao ba ako para hindi malaman kung ikinasasaya ko ang pagbabalik ng aking kapated? Nangangamba ako at hindi ko alam kung para saan..

"Kamahalan"

Tumabi sa akin si Yancy na pinatawag ko pa, bumuntong hininga ako.

"Gusto kong manatili ka dito sa tabi ni Prinsesa Evie, Yancy.. ipapabalik ko ang kanyang mga dating binibini at gusto kong nandito ka"

Hindi ko sinabi ang totoo kong pakay dahil hindi iyon magandang marinig kahit pa ng mga pinagkakatiwalaan kong mga guwardiya, gusto kong malaman kung anong gagawin ni Evie ngayon na bumalik na siya.

"Masusunod kamahalan"

Malamig na pinalabas ko sina Camie pagkatapos kong madaliang mag bihis dahil hindi ko pinagkakatiwalaan ang aking sarili kasama ang ibang tao ngayon,

Pag sara ng pinto ay agad kinain ng kung anong dilim ang aking pagkatao, umupo ako sa sahig at sumandal sa aking kama habang nakatakip ang aking palad sa aking mukha.

Ayaw ko sa nararamdaman na kadiliman..

Ayaw ko sa pakiramdam na ito, kahit anong baliwala ko sa ideyang ito ay bumabalik at bumabalik..

Paano kung kunin ni Evie ang pagiging reyna ko? Paano kung bumalik ulit ako bilang isang Prinsesang hindi pinapansin ng lahat? Paano kung mawala lahat sa akin?

May mga naging kaibigan ako.. mga kawal ko pero alam kong walang kasiguruhan ang kanilang katapatan kapag hinirang na totoong reyna si Evie.. sa kanya ang kanilang katapatan..

Ang aking mga binibini..

Lahat na naranasan ko ay magiging ala-ala na lamang.

Hindi ko kayang panoorin ang mga taong naging parte ng buhay ko, magpapatuloy ang kanilang buhay habang tahimik akong nagmamasid.

Nanlalabo ang aking mga mata ng marinig ko ang ilang katok sa aking pintuan, hindi ako sumagot dahil alam kong aalis ang sino man kapag inakala nilang natutulog ako.

Asha BlacktornTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon