Kabanata 9

27 3 0
                                    


"GUSTO KONG MAG KAISA ANG AKING NASASAKOPAN SA GITNA NG ATING PAGKAKAIBA, PAKIKINGGAN KO KAYO NG WALANG KINIKILINGAN.. AT HINDI KO KAILANGAN ANG INYONG YAMAN BILANG REGALO"

Patuloy kong sabi, nakatulong ang pangbabato sa akin ng kung ano dahil nakuha ko na ang atensyon ng lahat maging ng mga batang nasa gilid ay seryoso na akong pinagmamasdan.

Nag-isip ako ng pweding idagdag, ngunit sa tingin ko ay nasabi ko na ang mga mahahalagang parte.. nagbaba ako ng tingin sa aking balikat..

Bulok na itlog ang tumama sa aking kapote, umaagos ito pababa sa aking damit, nagtagis ang bagang ko at hindi ko tinago ang nararamdaman kong galit ngayon ng magtaas ako ng tingin.

"GUSTO KONG IPAALAM SA INYONG LAHAT NA ANG BANDIDONG NADAKIP NI GENERAL HERALD AY NAMATAY DAHIL SA INPEKSYON NG KANYANG MGA SUGAT.. KAYA WALANG PAG LILITIS NA MAGAGANAP LABAN SA KANYA.. AT HINDI KO PANANAGUTIN ANG MAY GAWA NOON DAHIL ALAM KONG MAY MASAMA SIYANG NAGAWA SA INYO"

Naglakad ako upang hindi lamang ang nasa gitnang harap ang makakita sa akin, ito ang gusto nilang mangyari ang masilayan ang bagong reyna at malaman kung paano nila ito pag-uusapan at kung anong masama ang pwede nilang paniwalaan.

"NGUNIT KAPAG NANGYARI ULIT ANG NAGANAP SA LALAKING IYON.. NA NILAGAY NINYO SA SARILI NINYONG KAMAY ANG PARUSA SA TAONG HINDI PA SUMASALANG SA PAGLILITIS AY KAYO MISMO ANG ISASALANG KO SA AKING TANGGAPAN.."

"..ANG GINAWA NINYONG KABASTUSAN NGAYON AY PALALAMPASIN KO ULIT AT SA SUSUNOD NA MANGYARI ITO SA AKIN O SA KAHIT KANINONG TAUHAN KO MAAASAHAN NINYONG BIBIGYAN KO NG PAHINTULOT ANG MGA LALAKING NAKATAYO SA AKING LIKURAN PARA KAYO AY PARUSAHAN"

Pagkatapos kung sabihin ang huling kataga ay taas noo akong tumalikod sa kanilang lahat, wala akong tinignan sa aking mga guwardiya at tahimik kong tinanggap ang tulong ni Conde Mayor Lizardo ng sinubukan niyang linisin ang duming nasa aking suot.

Tahimik akong sumunod sa aking mga guwardiya at nung paalis na kami ay taas noo pa rin ako habang nakasakay sa kabayo at nasa harap ko si Rage.

Ngunit nung masiguro kong malayo na kami ay yumuko ako at sinandal ang aking noo sa balikat ni Rage at tahimik na umiyak.

Sari-saring emosyon ang aking nararamdaman ngunit nangingibabaw ang takot.

Nanginginig ang aking kamay na nakayakap sa katawan ni Rage at wala siyang sinabi tungkol doon, maging ang mga kasama ko na kanina pag punta namin ay puno ng kwento at tawanan ay tahimik at walang nagtangkang magsalita.

Kung hindi ko pa alam kung gaano ako kaswerte na lumaki sa palasyo kahit pa kulang ako sa pagmamahal ng sariling pamilya ngayon ay naintindihan ko na.

Kahit minsan walang nagtangkang magsalita ng makakasakit sa aking damdamin sa aking harapan, Oo at naririnig ko silang pag-usapan ako ngunit nakangiti sila kapag kaharap ko.

Ito ang realidad.

At hahayaan ko ang sariling umiyak ngayon dahil unang besis ko itong naranasan, ngunit kong maulit man ito at ganito pa rin ang aking nararamdaman ay ikakahiya ko na ang aking sarili.


"Dapat ay sinama mo ako kamahalan"

Tiim bagang na sabi ni Dania, nasa silid ko sila at sinusuklay na ni Yancy ang aking buhok habang kinukwento ko sa kanila ang nangyari kanina.

Ngayon na nakabalik na ako sa aking silid kung saan komportable akong gumalaw, magsalita o kumilos para bang isang malayong panaginip ang nangyari.

Bumuntong hininga ako.

"Sila na nga ang gusto mong tulungan kamahalan nagawa ka pa nilang batohin ng ganun?"

Asha BlacktornTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon