Kabanata 3

2 0 0
                                    


Pauline's POV

Ayon nag si alisan yong ibang kasamahan namin at tanging kami nalang ang na iwan dito sa grocery store na ito dahil magluluto nga kami. Ngayon lang kami nakaramdam ng sobrang gutom. Nang okay na yong mga kinuha namin ay may nakita ako sa isang sulok na kong saan maybmga gasul at stove kong saan pwede kaming mag luto.

"Lisa ayon don tayo magluluto." sabay turo ko don.

Ayon dali dali kaming pumunta doon habang tulak ang cart na dala dala namin at sinet up namin yong gasul at stove. Kahit na mayaman ako eh marunong ako mag set up nito. Nilagay namin ito sa sahig. Ayon magsisimula na kami sa pagluluto. Kami lang naman ni Lisa ang marunong mag luto pwera kay Hannah kasi laking spoiled na babae yon. Kaya siya nalang nag bantay ng gamit namin. Saka siya rin naman ang inuutusan namin kong sakaling may kulang sa aming mga kinuha.

*Few hours Past*

Nag set up kami ng tables don sa gitna ng mall saka nag sikuha kami ng mga chairs bali 6 kaming lahat. So after that bumalik kami sa grocery kasi kukunin namin ang aming mga niluto. Nilagay namin sa cart saka tinulak papunta sa sinet up naming tables. Nilagay na namin don ang mga pagkain saka inutos namin si Hannah na tawagin na ang mga boys.

Ngayon ko lang napansin na dumidilim na sa labas. Maggagabi na kaya ayon nag stay nalang kami ni lisa dito dahil hihintayin nalang namin sila at saka sabihin na paandarin yong generator ng mall. Nagulat nalang kami bigla ni Lisa dahil biglang umilaw saka biglang nag on na yong mga fans a.k.a aircon.

Ilang minuto pa ang nakalipas ay nakita ko na ang mga boys saka si Hannah na papunta na dito at nakisalo sa amin ni Lisa. Si Hannah na ang nag lead ng prayer sa amin bago kami kumain.

"In the name of the father, and of the son, and of the holy spirit amen. Lord maraming salamat sa pag kain na binigay mo sa amin. Maraming salamat po dahil nakaligtas kami sa mga pangyayaring ito."

Biglang nag si tahimik ang lahat dahil sa biglaang natahamik si Hannah at napaluha nga siya. At pinatuloy niya ang panalangin niya.

"Diyos ko, di namin alam kong paano namin malalagpasan ang mga pangyayaring ito. Sana po bigyan niyo po kami ng lakas na loob para harapin ang malupit na pagsubok ito. Sana po patuloy niyo po kaming babantayin dito sa lupa na pinagtayuan namin. Thank you po, Amen"

Biglang pinunas ni Hannah ang mga luha na bumubuo sakanyang mga mata. Pinatahan siya ni Lisa kaya medyo naging okay narin si Hannah at nagsimula na kami sa pagkain.

Nang makatapos na kami ay nag si pahinga ang lahat. Saka kami naman eh mag kasama ni Renzo umalis kami saming mga kasamahan ewan ko nga ba sa lalaking to. Biglang nagpaalam sa mga kasamahan ko saka hinatak niya mga kamay ko at pupunta kami sa itaas. Samantalang mga kasamahan namin ay naiwan don sa ilalim at nag si tayuan sila don ng mga tent.

Nandito kaming dalawa ni Renzo sa itaas ng bahagi ng mall. Kong saan may rooftop dito. Makikita dito ang kabuuan ng lungsod. Tumingin ako sa relo ko at 9:45 na ng gabi. Tahimik lang kaming dalawa dito ni Renzo na matanaw namin ang lungsod na halos walang ka buhay buhay. Mayat maya'y biglang niyakap ako ni Renzo mula sa likuran at don na nagsimula tumulo ang aking mga luha. Naramdaman ko rin ang pagyakap niya ng mahigpit sakin. Alam niya rin siguro na umiiyak ako dahil napapahikbi kasi ako. Nang tumahan na ako ay bigla niya akong hinarap at hinalikan sa noo ko sabay sabing

"Huwag kang mag alala di kita iiwan ano mang mangyari. Mahal na mahal kita Pauline" sabi niya

"Mahal na mahal din kita Renzo. Ikaw para sakin at ako para sayo hanggang dulo." at biglang hinalikan niya ako sa mga labi ko at nagsimula muli pumatak ang mga luha ko sa aking mga mata.

The World Z.AWhere stories live. Discover now