Kabanata 6

14 0 0
                                    


Nagising si Pauline sa ingay na narinig niya sa kaniyang mga kasamahan. Mukhang masaya sila. Pero bat ang bigat ng pakiramdam niya. Ano ba itong matigas sa likuran ni Pauline at..... yumayakap pa ito sa dalaga.

Napaisip si Pauline "teka sino kaya itong tao na tumabi sa akin" sabi sa isipan ng dalaga.

Kaya Dahan dahan niya itong liningon at nagulat ang dalaga  sa kaniyang nakita. Napasigaw ito at tinulak niya ang lalaking nakatabi niya palayo sa kaniya.

"Pauline naman natutulog yong tao eh. Sumisigaw ka diyan. Humiga kana dito saking tabi. Ang sarap mo kayang yakapin." sabi ni Renzo. Ito lamang ang tumabi sa dalaga

"Gago ka ah. Sinong may sabi sayo na yakapin mo ako. At bat nandito ka. Pano mo nalaman kong nasan ako. Saka bakit tumabi ka sakin. Diba ikaw lang naman ang EX BOYFRIEND KO DIBA. DON KA SA LOUIELA MO TANG INA KA." sabi naman ni Pauline sa kaniya.

Papatayo na sana si Pauline ng biglang hinatak nito ang kaniyang kamay  at kinulong ito ni Renzo sa kaniyang mga bisig. Sinusuntok suntok ito ni Pauline ng paulit ulit ngunit hindi ito nagpatinag. Gustong  kumawala ng dalaga ngunit sobrang lakas ni Renzo rason para hindi ito  makaalis ang dalaga sa kaniyang mga bisig. Nang naramdaman ni Renzo na huminahon ang dalaga ay hinalikan niya ito sa noo  at tumingin siya sa mga mata ng nito. Ang babaeng minahal niya ng sobra at sinaktan niya rin ng sobra sobra.

Bumangon si Pauline sa kaniyang higaan at ganon narin si Renzo. Biglang tumahimik silang dalawa ng magsalita si Renzo.

"Pauline, Sorry. Gumawa ako ng bagay na maaaring makakapagsira sa ating dalawa. Nagsisisi ako sobra. Hinusgahan kita na akala ko may sikretong relasyon sa pagitan ninyo ni Ethan  kaya sana bigyan mo ako ng isa pangpagkakataon na itama yong mga maling nagawa ko sayo. Mahal na mahal kita Pauline. Nagsisi ako sobra... Sorry talaga at gumawa ako ng mga bagay na maaaring makaramdam ka ng sakit diyan sa puso mo. Dahil sa ginawa namin ni Louiela sinaktan talaga kita ng Sobra Pauline. Patawarin mo ako" biglang salita ni Renzo sa dalaga habang nagsimula mag si labasan ang mga luha sa mga mata nito. Hinawakan ni Renzo ang mga kamay ni Pauline

" Bitawan mo ako Renzo kailangan kong pumunta sa Comfort Room." pagrarason naman ni Pauline upang makaalis sa lalaki na katabi niya.

"Ayoko, kasi kong bibitawan kita baka kong saan ka naman pupunta at iiwan mo ako" sinabi ito ng lalaki habang naka busangot ang kaniyang mga mukha. Niyakap niya ang dalaga ng mahigpit.

"Bitawan mo ako kong ayaw mong patayin kita and one more thing Renzo, where done. Tapos na tayo. Wala na tayong pagusapan pa kaya please lang pabayaan mo ako. Wala kana dapat pakealam sakin dahil wala na tayo." sabi ni Pauline habang blanko ang expression ng kaniyang mukha.

Sinabi iyon ng dalaga ng hindi nakatingin sa mga mata ni Renzo dahil nasasaktan lang siya at naalala nito ang katarantaduhan na ginawa sa kaniya ni Renzo. Pagod na pagod siya at ayaw na niya sa lalaki dahil wala na siyang tiwala dito, kaya dahan dahan kumawala si Renzo sa pagyayakap niya kay Pauline. Biglang tumayo ang dalaga, kinuha ang katana nito sa upuan kong saan naka lagay doon at iniwan si Renzo doon.

Naglakad lakad si Pauline patungo sa ikalawang palapag upang humanap ng masusuot. Gusto na niyang maligo dahil sa init ng kaniyang nararamdaman. May nakita siyang itim na dress kong saan kumuha ng atensiyon niya. Nilapitan niya ito at hinawakan ang damit. Namangha si Pauline sa uri ng tela nito kaya napagdesisyunan niya na ito na ang susuotin niya.

Lumabas si Pauline sa cr kong saan siya naligo at pumunta siya sa malaking mirror. Namangha ang dalaga sa kaniyang nasilayan na insaktong insakto sa kaniya ang damit na sinuot niya. Na halos lumabas ang korte ng kaniyang katawan like a coca cola body. Saka dagdagan pa ang slit na hanggang hita niya. Nang makatapos na si Pauline sa pagaayos ng kaniyang sarili ay nilinis niya ang kaniyang katana.

The World Z.AWhere stories live. Discover now