Kabanata 7

18 0 0
                                    

Pauline's POV

Lakad ako ng lakad nang natanaw ko si Jung kaya dali dali akong pumunta sa kaniya at niyakap ko siya ng sobrang higpit. Humagulgol na talaga ako sa kakaiyak dahil sa kaganapan na nangyari sa pagitan namin ni Louiela. Naging kaibigan ko Jung kaya alam niya rin lahat lahat dahil kinuwento ko narin ito sa kaniya kaya siya nalang ang naging sandigan ko ngayon. Siya nalang ang nakakaintindi sa aking nararamdam. Naramdaman ko rin ang mga kamay niya na pumulupot sa katawan ko.

"Shhhhhh tahan na ganda. Ayokong nakikita kang nagkaganyan. Tahan na Pauline. Nandito lang ako." sabi ni Jung sakin

Pero patuloy parin ako sa pagiyak ko.

"iiyak mo nalang yan Pauline. Mawawala din yan. Pero sana bigyan mo ng pagkakataon si Renzo. Naawa na ako sa kaniya. Kasi kanina nag usap kaming dalawa." pahabol na sabi niya sakin

Tumingala ako sa kaniya dahil di ko akalain na nag usap silang dalawa. Inalalayan niya ako at umupo kami sa isang bench. Kinuha niya ang katana ko at nilagay sa gilid niya para maging komportable ako.

" alam mo ba Pauline. Lalaki din ako alam ko kong seryoso si Renzo at sising sisi siya sa ginawa niya sayo Pauline. I know na gumawa siya nang napakalaking kasalanan sa iyo. But I advice na sana bigyan mo siya ng pagkakataon. Its okay to sacrifice again for new challenges. I mean is magsimula kayo ulit at baguhin ang mga pagkakamaling iyon. I know kong gaano ka nasaktan kaya bigyan mo ng oras ang sarili mo at pagisipan mo ng mabuti Pauline. Baka sa huli ay huli na ang lahat. Habang may buhay may pag asa Pauline. Ipanalangin mo sa Diyos kong ano dapat ang maging desisyon mo at siya lang ang tuturo sayo kong anong gawin mo. Sundin mo ang puso mo Pauline. Wag mo pairalin ang utak mo. Mahal na mahal ka ni Renzo. Nandito lang kaming lahat para sa inyo. Handa kaming magbigay ng advice at comforts sa inyong dalawa kaya habang maaga pa pagisipan mo ng mabuti Pauline."  sabi sakin ni Jung at nginitian niya ako.

"Salamat sa Advice Jung. Salamat din dahil naging kaibigan kita. I promise I'll try my best na gawin yan." tumahan na ako at pinunasan ang mga luha ko

"Thats good. Basta laban lang Pauline.  Habang buhay kapa di natatapos tapos ang mga pagsubok na dumarating sa atin. Saka di naman ibigay ng Diyos yong mga pagsubok kong hindi mo naman kakayanin diba ? Kaya laban lang for the better." sabi niya sakin kaya napangiti na ako sa mga motivational words.

Mabuti nalang at nakilala ko itong si Jung. Niyakap ko siya ng mahigpit ulit at nagpapasalamat ako sa kaniya ng sobra. Nagkatuwaan kaming dalawa dahil nag jojoke na siya para pasayahin niya ako. But Ilang oras ang nakalipas ay nakarinig kami ng malakas na pagsabog kaya dali dali naming kinuha ang aming mga armas at yong katana ko rin saka pinuntahan yon.

Nang bumaba na kami sa second floor at nagsama sama kaming lahat at tinungo ang pinanggalingan ng pagsabog. Nang makalapit na kami ay laking gulat naming lahat na may mga zombie na nakapasok sa mall. Napasinghap kaming lahat at nagsimula na kaming tumakbo.....

Ilang oras ang nakalipas ay na nanatili kami dito ni Jung sa second floor, ganon narin ang mga kasamahan namin. Maya't maya ay nakarinig kami ng isang malakas na pagsabog sa ground floor kaya dali-dali kong kinuha ang katana sa tabi ni Jung kong saan nakalagay doon at tinungo namin ang pinagmulan ng pagsabog.

Nang bumaba na kami galing sa second floor at napansin ko rin na bumaba narin ang aking mga kasamahan kaya sama sama naming pinuntahan ang pinanggalingan ng pagsabog. Nang makalapit na kami ay laking gulat ko na bumungad sa aming lahat ang sasakyang bumangga sa main door ng mall na ito rason nang nagsipasukan ang mga zombie dito sa mall na ito. Kaya wala na kaming oras na sasayangin pa kasi nagsimula naring kumalat ang apoy pati narin sa ibang zombie na tumutungo sa aming direksyon na lumalagablab ang kanilang katawan ng apoy. Kailangan naming umalis dito para sa ika bubuti ng lahat.

The World Z.AМесто, где живут истории. Откройте их для себя