Kabanata 4

0 0 0
                                    


Pauline's POV

Isang araw ang nakalipas ng umalis ako doon sa mga kasamahan ko. Ngayon ay hapon na malapit ng lumubog ang araw pero wala parin akong makitang pagtataguan. Tumingin ako saglit sa manibela ko at napansin ko rin na medyo konti narin yong gas ko kaya kailangan kong pumunta sa pinakamalapit na gas station. At saktong meron ka kaya pumunta ako don. Sobrang tahimik dito at walang Zombie na pumapaaligid dito. Kaya ng makarating na ako dito sa gas station ay pinatay ko na yong engine. Saka bumaba ako ng sasakyan dala yong katana ko at sinimulang lagyan ng gas itong sasakyan ko.

Nang mapuno ko na ng gas yong sasakyan ko ay ibinalik ko na ito sa kinalalagyan ng papasok sana ako sa aking sasakyan ng may narinig kong sigaw. Kaya nag taka ako sa ingay na iyon dahil sobrang pamilyar ang boses nayon kaya pinuntuhan ko ang pinagmulan ng ingay.

Nang malapit na ako ay nakita ko ang pamilyar na mukha ng babae. Si Vanessa pala. Na corner siya ng mga Zombie kaya wala siyang tatakasan kaya dali dali akong tumakbo sa kaniya at kinuha ko ang atensiyon ng 7 zombie na pumapaligid sa kaniya. Mabuti at tumingin na ito sa akin kaya sinimulan ko ng umataki don. Yong unang zombie na malapit sa kinaruruunan ko ay pinugot ko agad ang ulo. Sinugod ko narin yong anim ayon tumba silang lahat na wala ng malay. Nakita ko si Vanessa na napaupo sa sahig dahil siguro sa takot. Di niya ako nakita kasi ang mga kamay niya ay nakatakip sa kaniyang mukha kaya nilapitan ko siya at niyakap. Ramdam niya ang presensya ko kaya niyakap niya ako. Nang makawala na ako sa pagyayakapan namin ay don niya lang napansin na ako ang sumagip sa kaniya.

Vanessa: Pauline? Pano.... Teka ikaw yong pumatay sa mga zombie na umaatake sakin?

Pauline: Oo ako nga. Mabuti at ligtas ka.

Vanessa: Salamat talaga Pauline. Sobrang takot na takot ako kaya di ko alam ang aking gagawin. Mabuti at nandito ka.

At napahagulgol siya ng iyak kaya niyakap ko siya ulit.

Pauline: Huwag kang mag alala nandito ako. Nga pala sino kasama mo? Bat mag isa ka????

Vanessa: Wala akong kasama Pauline. Magtangka sana akong lumabas dahil wala ng stock ng pagkain sa bahay. Kaya napagpasiyahan ko sanang pumunta dito sa may gas station kasi may mini market dito. Balak kong kumuha ng pagkain pero ayon may nakasalubong akong mga zombie kaya na corner ako.

Pauline: Dont worry nandito na ako. Sumama ka sakin.

Inalalayan ko na siyang tumayo. At pupunta na kami sa aking sasakyan na nandon sa gas station. Pinasok ko na siya sa aking sasakyan. Kinuhaan ko siya ng tubig at pinainom ko sa kaniya. Nagtingin tingin rin ako sa paligid at medyo dumidilim na kaya dali dali na akong pumasok sa driver seat at pinaharurot ko na ang sasakyan ko.

Vanessa's POV

Hi Im Vanessa Bantigue. Isa akong matalik na kaibigan ni Pauline. Aside kina Hannah at Lisa ay ako rin ang nagiging isang takbuhan niya sa oras na down na down siya sa kaniyang sarili. Mabuti nalang at nakita ako ni Pauline kong hindi siguro patay na ako and Im here kasama ko siya kaya nagiging okay narin ang aking nararamdaman.

Pauline: Nga pala Vanie, Sina tita at tito nasan?

Biglang sumikip ang dibdib ko sa tanong ni Pauline kaya nagsipatakan yong luha ko.

Vanessa: Kasi Pauline sina mama at papa wala na.

Pauline: What??? Bakit Vanie anong nangyari?

Tumingin ako kay Pauline habang nag dadrive siya.

Vanessa: Kasi nong nakaraang araw pinasukan kami ng mga Zombie, nandon kami nag tago sa kwarto ko. Ensaktong napansin ng zombie ang pag pasok ng papa ko sa aking kwarto kaya ayon hinarang ni papa yong pinto ko pati si mama. Balak ko sana silang tulungan ngunit nagulat ako sa sumunod na pangyayari. Kasi kinagat si papa sa kaniyang kamay. Ayon pinagsabihan ako ni papa na tumakas na at dumaan ako sa aking bintana iyak ako ng iyak non dahil ayoko silang iwan pero nagpumilit sila. Pati si mama pinagtatabuyan niya kaya ayon ng makalabas na ako sa aking bintana ay hinalikan ako ni mama sa aking noo at sinabi niya sakin na,
-"anak mahal na mahal ka namin ng papa mo. Ayokong iwan ang papa mo dahil nag sumpaan kami sa harap ng altar na anumang mangyari ay magkasama kaming dalawa kay sorry anak dahil hindi kita masasamahan kailangan mong mabuhay. Mahal na mahal ka namin. Lagi mo yan tatandaan anak"-  Ayon at bumalik siya kay papa. At sumigaw ako sa kanilang dalawa na "Mahal na mahal ko kayo mama at papa" at tumakbo na ako.

The World Z.AWhere stories live. Discover now