Kabanata 8

8 0 0
                                    


Napadpad sila sa isang lugar kong saan walang mga zombie ang nakapaligid dito. Ang mga bahay ay kokonti lamang at malaforest ang lugar. Kusang huminto ang sasakyan ni Renzo sa di malaman ang rason.

Biglang kumunot ang kaniyang noo at sinusubukan niyang I-start ang engine nito pero di siya nag tagumpay. Bumuntong hininga siya at tumingin sa gawi ng dalaga. Mahimbing itong nakatulog malapit sa kaniya. Pinagmasdan niya ang maamong mukha nito, nilapitan at hinawakan ang mukha ng dalaga.

"Ngayon dalawa nalang tayo magkasama Pauline, siguro ito na ang tamang panahon para ayusin natin ang nasirang relasyon na binuo nating dalawa noon. Poprotektahan kita sa anumang kapahamakan. Papatunayan ko sayo na di ako mag sasawang suyuin ka hanggang sa bumigay ka at mahalin mo ako ulit ng lubusan. Mahal na mahal kita at ayokong iwan mo ako, I love you " - sabi sa isipan ni Renzo.

Hinalikan niya ang dalaga sa mga noo nito at sumilay ang mga ngiti sa kaniyang labi dahil sa saya na nararamdaman niyang nakasama na niya si Pauline.

Di nag tagal ay ginising ni Renzo si Pauline kong saan napagtanto ng lalaki na nagkaaberya nga ang sasakyan nito. Nagising ang dalaga at lumabas ng sasakyan nito na may blankong itsura. Hawak hawak rin ni Pauline ang katana niya. Napabuntong hininga nalang si Renzo at lumabas narin ng sasakyan upang icheck kong anong nasira dito. Nakita ng lalaki na umusok ang harapan ng sasakyan nito rason ng pagka-overheat. Napansin rin ni Pauline na flat yong gulong at tinuro niya ito kay Renzo at tinanguan lamang ng lalaki. Napagdesisyunan ng lalaki na maghanap ng iba pang sasakyan ngunit hindi sila nag tagumpay sapagkat ang nakita nilang kotse eh flat rin yong gulong. Kaya wala silang nagawa kundi mag palipas muna ng gabi don sa bahay na di kalayuan sa sasakyan nito dahil palubog narin yong araw. Maya't maya ay nagsimula na silang maglakad na napansin ni Pauline na unti-unting dumidilim ang kalangitan at nagsimulang magpatakan yong ulan hanggang sa lumakas na ito at tumakbo silang dalawa patungo sa isang bahay.

Nagsapit ang gabi at nasa loob na sina Pauline at Renzo  sa isang bahay. Tila walang kuryente doon. Tanging ilaw lang ng buwan ang nag silbing liwanag doon mula sa bintana dahil tumigil na ito sa pag-ulan. Tila napakatahimik ng lugar at lakas ng simoy ng hangin. May nakita si Pauline sa isang sulok ng posporo at kandila kaya dali dali niya itong sinindi at umupo sa sofa. Sinimulan rin ni Pauline na linisin ang kanyang sandata. Si Renzo naman ay nagtungo sa parang kusina ng bahay  upang humanap ng makakain. Maya't maya ay may nakitang mga delata si Renzo at dali dali niya itong kinuha at binuksan. Pumunta si Renzo sa kinururuunan ni Pauline, nang makaharap niya na ang dalaga ay inabot niya ang isang delata at isang bottled water  para makakain na si  Pauline. Umupo siya sa malapit kay Pauline at kumain narin habang walang nagiimikan sa kanilang dalawa.

Lumipas ang mga oras wala paring kibuan ang dalawa. Pero minsan nagkatinginan sila na animoy parang hindi kilala ang isa't isa. Sinulyapan ni Renzo ang dalaga ulit napansin niya na nakatulala ito at parang may iniisip na malamin.

Renzo's POV

Hindi ko kaya na hanggang dito lang kaming dalawa ni Pauline. Ni hindi nagkikibuan sa isa't isa. Gagawa na ako ng paraan upang makausap siya baka di na ako makapagigil at mahalikan ko na ang babaeng ito. Oh my Pauline why you driving me crazy. Sabi niya sa kaniyang isipan.

Di ko na matiis to at dali dali ko siyang nilapitan at madiin ko siyang hinalikan sa kaniyang mga labi. Nagpupumiglas siya at naputol ang aking paghalik sa kaniya. Sinampal niya ako ng malakas at nakita ko ang kaniya mukha na sobrang galit at nagsimulang magpatakan ang kaniyang mga luha. Shit, ayokong makita siyang umiiyak, ayokong makita siyang nasasaktan.

"How dare you to kiss me Renzo? What the fuck are you doing? Ganyan naba ang naging epekto ng kamanyakan mo? Wala kang karapatang halikan ako dahil walang tayo. Hindi ko maisip na bakit ginagawa mo ito sakin Renzo." Dare daritsong salita ni Pauline

The World Z.AWhere stories live. Discover now