ZHAPTER 8 : Don't Underestimate Girls

1.3K 77 10
                                    

Nath

"Nagugutom na ako!" Reklamo ni Clark sa front seat ng sasakyan.

"Hindi lang ikaw." Pambabara ko.

Tuloy pa rin kami sa biyahe and I think nasa pampanga na nga ata kami. And dahil na rin sa nakita kong sign board, nandito na nga kami.

"Hindi kita kausap, manahimik ka nga diyan." Ganting pambabara niya sa akin.

Well I just rolled my eyes at inirapan na lang siya, who cares bitch!

Huminto ang sinasakyan naming van sa tapat ng isang supermarket at karamihan rito ay sira-sira na ang bintana, may mga nag liliparang news paper at mga nagalaw na push car, sandi ng malamig na hangin. I dont know kung may tao pa na buhay rito, but I'm pretty sure na wala.

The car, stop...

Bumaba ako ng van kasama sila Jake at Dan, at saka ko naman inisa-isang sinilip ang mga kotse na naka park, dito. Checking kung meron pa bang puwedeng magamit rito.

Sumilip ako sa mini-van na kotse ng may manggulat sa amin mula sa loob kaya na pa atras ako sa kotse.

"Ok ka lang?" Tanong ni Dan at hinawakan ko lang siya sa braso.

"Yup, jump scare lang." Sabi ko at tumawa naman siya.

Tinignan ko ulit ang nasa loob and bata pa siya i think nasa 10 year old palang siya, 'di ko nalang siya pinatulan pa baka mamaya mag tawag pa siya ng mga kasapi niya.

Naiwan naman sa van sila Nathan, Ma'am at Dave para look out namin sa labas habang wala pa kami. Kaming pito ang pumasok sa loob ng supermarket para kumuha ng iilang mga pagkain.

Kami-kami nila Jake, Dan, Mae, Stacy, Owen, Clark, at ako ang papasok.

Madilim dito sa loob at walang kailaw-ilaw kaya ngayon hawak namin ang mga flashlight namin.

"Don't let your guard down." Paalala ni Clark sa'ming anim.

Tumango naman kami sa kaniya, pero itong si Dan galit pa rin sa lalaking 'yon. Siyempre ikaw ba naman iumpog sa tuhod hays. Pango na nga, papanguin mo pa.

"Mag hiwalay kaya tayo para mabilis tayong makakuha ng needs natin." Sabi ni Clark at ginawa nga namin. "Just wave your flashlight or maybe sumigaw kayo if your in trouble." Dugtong nito.

Kasama ko si Dan at Mae sa frozen meat area, ang tanong kung meron pa dahil nga black out e, si Jake at Stacy naman sa canned area, si Clark at Owen sa fruits area naman or somehow sa mga medicine area.

Tahimik at tanging flashlight lang namin ang mamikita dito sa loob ng supermarket na ito. And now we're heading na sa meat area at ka-agad rin naman namin itong narating, inilawan muna namin ito at saktong hindi pa naman sila sira.

Pinakuha ko sila ng bag at isa-isang nilagay ang mga tocino at iba pa na mabilis lang lutuin.

"Kumuha ka  ng karne." Reklamong utos ni Dan at tinignan ko naman siya.

"Hindi natin maluluto 'yan." Sabi ko but he looks at me in a serious face, kaya ginawa ko nalang baka bugbugin pa ako nito dito.

"Wait pupunta lang ako sa mga chichirya at chocolate area." Paalam niya.

"Uy,, pero bakit?" Pabulong kong sigaw kay Dan. 

"Nag ke-craving ako Nath, mapipigilan mo ba 'yon? And also wala nang tao rito so, I can do what ever I want." Sabi niya bago umalis.

"Wait!" Mahina kong sigaw baka kasi marinig kami ng zombies dito.

I tried na pigilan siya pero hindi na niya ako narinig pa, damn it. Pinasunod ko naman si Mae kay Dan at dali-dali naman niya itong hinabol para sundan.

Pinag pa-tuloy ko nalang ang mga kukunin kong pagkain hanggang sa mapuno ko na ang dalawang plastic na hawak ko, I think aabot na 'to sa isang buwan.

Lumabas na ako ng super 8 at dala-dala ko na ang mga kinuha ko. Nakita ko na silang apat sa labas nag hihintay sa akin pero may dalawang wala sa kanila si Dan at Mae.

Lumapit ako sa kanila at binaba ang mga dala ko.

"Si Dan at Mae?" Tanong ko at napahilamos naman si Clark ng kaniyang mukha.

"Hindi ba't kasama mo?" Tanong ni Jake.

Pero isang nag aalalang tingin lang ang ginawa ko.

"'di mo ba narinig 'yung sinabi ko kanina, 'dont let your guard down'." Muli niyang paalala sa akin.

Bubo mo Nath, ang bubo mo!

AAAAAHHHHHHHH!!!!

Isang matinis na sigaw ang bumalot mula sa kapaligiran agad akong tumakbo sa loob at 'di na nag papigil pa sa kanila, I need to save those two. Ayokong mawala si Dan at Mae.

Sinundan ko lang ang sigaw nilang dalawa hanggang sa makarating ako sa kinaroroonan ng sigaw nila.

They are fighting those zombies na lumalapit sa kanila at alam kong mahina ang depensa nila sa malapitan pag madami, idag-dag mo pa ang sikip ng pinag lalaban nila. And all they can do, is throw what-ever-they see, sa paligid nila.

I grab my arnis at my back at tumulong na sa kanila dahil nasa likod nila ako 'di nila ako nakita, kaya madali lang na hampasin sila sa ulo.

Nakalapit na ako sa kanilang dalawa at ngayon we are fighting for our lives, kung makakalabas pa ba kami dito ng buhay.

Nag hiwalay kaming tatlo para mangonti lang ang kakalanbanin namin. Sa kaliwa ako tumakbo si Mae at si Dan sa kanan ko naman.

Now I'm all alone at lalaban sa mga zombie na nasa harap ko.

Isa isa ko silang pinalo pero kailangan kong lumayo dahil sobrang hina talaga ng depensa ko kapag marami sila.

Hayss.

"Nath!" Sigaw ng isang boses at agad ko namang sinalo ang ibinato niya.

Tinignan ko muna ang hawak kong dalawang baril na M45, in short handgun or pulis gun lang ito, pero mabigat na siya honestly. And actually this my first time na maka-hawak ng baril in real life, sa game ko lang kasi ito nararanasan ngayon sa totoong buhay na.

May isang zombie na papalapit sa akin pero agad ko siyang pinaputukan at tumagos naman ito mula sa likod.

Shit force!

Nung iputok ko kasi mediyo napa atras ang braso ko mabuti nalang mahigpit at madiin ang pagkakahawak ko, dahil kung hindi tumama na ito sa maganda kong mukha.

"Just shoot them!" Sigaw ulit ni Clark mula sa entrance.

Ok I will show you, how to shoot a girl. Don't underestimate us.

Isa isa ko silang binaril dahil itong sikip lang ang pag asa ko. Hanggang sa nango-ngunti sila may mataba na nama'ng lumitaw mula sa likod nila.

Not now, paubos na bala ko.

Binaril ko yung dalawa niyang katabi na zombie at ngayon one on one na kami ng bommer na ito.

I shoot him into his head pero walang talab, kapal naman ng taba nito. Tumakbo na siya sa direksiyon ko at ramdam ko na rin ang pag yanig ng mga tiles sa supermarket.

Damn it.

Tumakbo din ako at nakipag sabayan sa kaniya, ng mediyo malapit na kami sa isa't-isa I slide under his legs at saka pinaulanan ng mga natitirang kong bala sa ilalim niya, alam niyo na kung ano ang tinutukoy ko. Habang si Clark naman ang nag-tadtad ng bala sa ulo nito.

Umagos ang masasagana nitong likido at ang puting tiles ay nag mistula nang swimming pool dahil sa kaniya. Tumayo agad ako na parang walang nangyari at ngayon bumulagta na ang matabang ito sa sahig.

"Good job." Bulong ko sa sarili ko sabay hipan sa dalawang baril na hawak ko.

Z DISASTER BOOK 1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon