ZHAPTER 32: The Mutant

508 29 0
                                    

Location: Underground Facilities

Clark

"Itaas mo ang mga kamay mo!" Sigaw ko sa lalaking naka talikod.

Nakita ko si Dave na nakahilata na sa sahig at nakapatong sa isang babae. If I'm not mistaken ito ang kapatid niya.

Napukaw rin nito ang atensiyon ko sa gawi ni Dan na nakahiga rin sa sahig. Wala naman siyang tama ng baril sa kahit na anong parte ng katawan at wala naman siyang dugo sa sahig, ibig sabihin lang nito pinatulog siya.

Pero itong si Dave. May tama siya sa batok, at naagos na ang masagana niyang dugo sa sahig.

Bakit? Anong ginawa nila sa'yo.

Kakausap lang natin kanina. Ano nangyari sa'yo?

'di ko na napigilan pa ang pag patak ng mga luha sa mga mata ko ng makita ko ang estado ni Dave at ng kapatid niya.  At dumagdag rin ang sakit ng makita ko si Nath na nasa loob ng isang experiment tube na mukhang coffin ang itsura.

At dito lang bumalik ang lahat ng mga pinag-usapan namin ni Dave kanina bago ako makaalis sa tunnel.

He saved me.

--- F L A S H B A C K ---

"Aabot pa kaya ako?" Tanong ko sa sarili ko nang mapatay ko ang halimaw na nasa harap ko.

Salamat sa pocket knife na ibinigay ni Dave kanina ng mag usap kami, dahil kung hindi wala na ako. Nakabaon nato sa ulo ng halimaw kaya mabilis ko siyang napatay.

Hingal at pagod ang nararamdaman ko ngayon ng mapatay ko 'tong halimaw na lumabas kanina sa gilid ng pader. Nandito parin ako sa tunnel at walang maisip na paraan para makalabas. Isa-isa kong kinatok ang bawat pader umaasa na sana may bumukas man lang pero bigo ako sa ginawa ko. Umupo ako sa sahig at pinagmasdan ang halimaw na nasa harapan ko.

Nakarinig ako ng pagbukas sa isang pader, at iniluwal nito ang isang tao.

"D-dave?" Pag kukumpirma ko ng lumabas siya rito.

He smirked on me at siyaka nag salita. "Gawin na natin ang plano!" Sabi nito at tumango naman ako.

***

"Sir, pinapatawag po kayo ni Master Dave." Usal ni Francis sa pintuan. Tumango ako at siyaka sumunod sa kaniya. Tumingin muna ako kay Nath bago lumabas, at tumango naman siya sakin.

Nakita ko si Dave na nakasandal sa pader habang naka cross arm at naka sandal ang isang paa sa pader. Nilapitan ko siya pero nakahawak pa rin ako sa sugat ko.

"Pasensiya na sa ginawa ko." Pag papaumanhin niya sa harapan ko ng 'di na katitig sa mga mata ko.

My sore eyes ba ako?

"Wag ka sa'kin humingi ng tawad kay Nath ka, kay Nath ka humingi tawad. Gabay lang ako ni Nath as a boyfriend. Kaya don't say sorry to me." Saad ko tiyaka siya nag buntong hininga.

Hindi ko magawang magalit kay Dave lalo na sa mga sinabi niya, kung ako rin naman ang nasa kalagayan niya ganon din ang gagawin ko. Ililigtas ko ang kapatid ko.

"Hindi ko kayang humingi ng tawad sa kaniya malaki ang galit ni Nath sa akin. Alam mo 'yon. Kaya please, ikaw nalang ang mag sabi." Saad nito at siyaka ako nawalan ng gana makipag usap sa kaniya.

Aktong aalis na sana ako ng bigla niya ulit ako tawagin.

"Tulungan mo kami ng kapatid ko." Saad niya ng nag patigil sa akin.

Z DISASTER BOOK 1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon