ZHAPTER 28 : Father ?

533 38 0
                                    

Location: Underground Facilities _

Nath

"Dennise nasa'n na kami?" Tanong ko ng may diin sa relo ko, ng bigla siyang lumabas rito.

'Malapit na kayo sa kaniya, based sa puwesto natin. Mga tatlong palapag nalang nandoon na tayo.'

Sabi nito at tumango naman ako. Agad kong tinignan sila Dan at Nathan, tiyaka naman kami tumayo.

We are now heading to the next door na nasa harap namin, ni 'di nga namin alam kung anong nag babadiya sa amin na trahediya sa likod nito.

Tatlo... tatlo nalang kami na nandirito. Ang kaninang pito naging tatlo nalang. Parang nagiging useless lang ang pag pangako ko na ayoko nang may bawasan pero hindi, kusa kaming nababawasan. Ang iba naman nag sakripisyo nalang para lang sa amin at gusto nila na ipagpatuloy namin ang nasimulan.

'Teka...'

Pag pigil ni Dennise sa amin ng hawakan ko na ang doorknob ng pintuan.

"Bakit?" Nag tatakang tanong ni Dan dito. Kahit ako nag taka rin dahil pinigilan niya kami.

'Kunin niyo 'to'

May isang mesa na umangat mula sa sahig, at iniangat nito ang isang gamit na nakalagay sa loob ng mesa. Mga baril?

Baril na ngayon ko lang na kita ang disenyo. Lumapit kami sa kinaroroonan nito at siyaka ko hinawakan. Maganda 'to pero mediyo malaki hawakan at may kabigatan din.

'di nga siya katulad ng ibang baril pero ang bala niya katulad lang ng natural na baril.

'Makatulong sana.'

Bulong nito pero ayos na 'yon para marinig ko.

"Salamat." Pag papasalamat ko at siyaka naman siya tumango. "Dennise kung ikaw ang operator ng building na'to ba't di mo magawang sirain 'to. Itong facilities na 'to." Dugtong ko sabay turo sa kuwartong 'to.

Gumawa siya ng isang buntong hininga at siyaka niya ito ibinuga. Nawala siya sa screen ng relo ko kaya agad ko siyang hinanap.

"Nath, sa likod mo." Rinig kong bulong ni Dan kaya napaharap ako ng biglaan sa likuran ko.

Nakita ko si Dennise na nakatayo sa harap ko, pantay na siya sa akin at mukhang kaedaran ko lang siya sa itsura niya. Kaya mediyo napaatras ako ng kaunti mula sa puwesto ko.

'Wag kang matakot Nath. Ako lang 'to lumabas lang ako sa hawak mong relo, para makapag usap tayo ng maayos.'

Sabi nito at napatango nalang ako. Kita ko rin sa kaniya ang pag ngiti kaya mediyo 'di na ako natakot sa kaniya.

'I am Dennise isang operator ng facilities na 'to. Ipapakilala ko lang pala ulit ang aking sarili para mas lalo mo pa'kong makilala. Kaya 'yung mga tanong mo kanina, sasagutin ko ang lahat nang 'yan.'

May ipinakita siyang palabas sa kuwarto na 'to at ngayon para na siyang 3D movie dahil para talaga kaming nandito.

'Ang lalaking nakikita ninyo sa upuan na nasa swivel chair na 'yan. Siya ang nag buo o gumawa sa akin.'

Sabay turo nito sa lalaking nakatalikod na nakaupo at nakatingin lang sa malawak niyang computer screen at may mga code dito na 'di ko maintindihan.

Z DISASTER BOOK 1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon