12:00am
Zack: Nagloko 'yung router namin kagabi, sorry.
Zack: Ang haba 'nung tinype ko pero hindi na save.
Zack: Hindi talaga tayo okay 'no?
Zack: Ang papansin kona ba masyado?
Zack: Gago talaga ako.
Zack: Sorry, Dayann.
Zack: Gusto ko man ihinto 'to pero hindi ko talaga kaya e.
Zack: Alam kong hindi mo tatanungin kung bakit pero sasabihin kona rin, hindi ko talaga alam.
Zack: Basta gusto lang kita lagi kausap.
Zack: Weird.
Zack: Tangina? Oo.
12:34am
Zack: Hindi talaga kita kilala, isa ka lang sa mga taong lumalabas sa recommendation sa facebook ko. Pero nakuha mo ang atensyon ko.
Zack: Hindi ko naman ginagawa 'to dahil alam kong kilala ka e.
Zack: Ginagawa ko'to kasi gusto kong mapalapit sa'yo.
Zack: Hindi ko nga inasahan na sasagot ka sa mga gagong chats ko.
Zack: Pero isang patunay lang 'yun na mabuti ka talagang tao.
Zack: Yes, we don't know each other personally. But deep inside, I know, we know each other by heart.
Zack: Hindi kona ie-expect na magrereply ka sa'kin or iseseen mo mga messages ko.
Zack: Pero please, ayaw kong masaktan ka ng kahit na sino.
Zack: Guard your heart, Dayann.
Zack: 'Til next time? Hehehehehe.
Zack: Hindi pa ito paalam, ano palang uhm, bago magpaalam?
Zack: Half Byeeeee, Dee!
Convo #20