[1] his uncontrollable craving

182 4 4
                                    

Disclaimer: First off, I'm not a professional critic so don't expect too high

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Disclaimer: First off, I'm not a professional critic so don't expect too high. But I promised to you that I'll try my best to give an in-depth feedback that will help you to improve your craft. So, proceed na po tayo.

***

His Uncontrollable Craving
written by blitzkrieg_08

Prologue - chapter 10

All right, unang-unang customer sa critique corner. His Uncontrollable Craving, general fiction. Sa totoo lang, medyo nag-expect ako sa kuwentong ito dahil may unfamiliar disorder ang hero pero, ang naging dating lang niya habang binabasa ko ay parang normal lang na womanizer. All right, stop muna ako sa hanash ko hahaha. Proceed tayo sa positive sides ng kuwento.

POSITIVE

1. Mayroong sipa ang description na mag-uundyok sa mambabasa na basahin ang kuwento. Iyon nga, nabanggit kasi ang isang disorder at mayroon namang naiwang tanong sa dulo.

2. Malawak ang vocab sa Filipino kaya naiiwasan ang paulit-ulit na paggamit ng salita at ang smooth basahin ng bawat paragraph sa kuwento.

3. Mahusay sa paglalaro ng salita (well, nabanggit ko na yata iyan sa pangalawa) pero, iyon nga, dahil din doon ay napapa-imagine ni writer sa readers ang mismong nangyayri sa kuwento. Maalam na sa description.

4. Ang nice ng concept ng writer. Kakaiba ang ideya.


5. Sa tingin ko naman, may potensiyal na itong si writer ano lang, kulang lang sa kaalaman kung paano bumuo ng isang nobela.


NEGATIVE


So, ito na. Medyo magiging straightforward po ako rito kaya sana ay maging open-minded tayo. At ang focused ko lang dito ay puro details lang naman at holes na nakita ko sa story. So, proceed na tayo.

1. Description. Sa description ng story, sa tingin ko ay huwag nang isama ang word + definition ng sakit ni hero kasi ang unnecessary niya. At sa tingin ko, kung bibili ka ng published fiction book ay wala kang makikitang ganoong format sa blurb ng story.

2. Prologue. Information dump. Bakit? Ayos naman ang pagsabi ng doctor ng illness ng hero pero, iyong biglang pagpasok ng background ng character (past), medyo naging info dump siya. Kasi (para sa akin lang ito a) magandang gamitin ang background or past ng hero para mas magpatuloy pa ang reader sa pagbabasa. Mas magandang gawin siyang hidden piece at ipasok sa tamang eksena. May tamang timing para riyan. Ganern.

Actually, may ganito akong concept ng story pero hindi siya qualified as disorder gaya ng sa story mo. More on sex addiction lang siya na kapag nalulungkot at nabo-bored sa buhay iyong hero ko, hinahanap-hanap niya ang sex. Ganern. Then, same lang din tayo ng reason, bata pa siya noong nakuha ang virginity niya. Stolen youth ang peg ganern. HAHAHA. Ang pinagkaiba nga lang natin, ginamit ko as hidden piece ang past niya at mas ginawang ma-drama. Okay, proceed tayo sa next.

Ecrivains' Critique CornerWhere stories live. Discover now