[2] hiraeth play

220 6 13
                                    

Hiraeth Play: Cantaga by  Chuweelatte

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Hiraeth Play: Cantaga
by Chuweelatte

Prologue - Chapter 8

Okay, good day. Sana safe ang lahat. Nasa pangalawa na akong story (18 more to go haha), Hiraeth Play: Cantaga. Fantasy, adventure, action. Halatang weeb si writer. Yow, weeb din po ako at fan din ng Fushigi Yuugi. Lol. Mabalik tayo sa story ni writer. Ang mga ganitong tipo ng kuwento, trip kong basahin. May pagka-fantasy kasi at halatang pinag-isipan ang kuwento kaya lang, yes may kaya lang hahaha (mamaya ko na sasabihin).

POSITIVE

1. Hindi ko sasabihing fresh ang concept ng ganitong kuwento pero, para sa akin ay fresh ang ideya sa loob ng kuwento lalo na iyong sa part na bulaklak na umibig (napangiti ako roon, ang cute kasi). Kudos agad sa writer!

2. Tama lang ang pacing sa kuwento, hindi siya mabilis at hindi rin mabagal. Sakto lang.

3. Siya nga rin pala, ang ganda ng book cover ni writer. Ang cute. Hahaha.

4. Maayos ang flow ng story. Halatang pinag-isipan muna ang ilalatag na eksena bago isulat. Hindi siya minamadali ni writer. Masasabi mo talagang pinahahalagahan ni writer ang gawa niya. Actually, isa ito sa mga problema ng baguhang manunulat na sumusubok gumawa ng nobela, hindi iniisip ang flow ng story (kung mabagal ba o mabilis) basta makapag-update at matapos agad. Mga atat e. (pasensya sa rant)

5. Na-appreciate ko naman ang mga name ng lugar, ng mga tao, at kung ano-ano pa sa loob ng kuwento. Kudos!

6. Sa totoo lang, may potensyal itong kuwento. Maganda ang ideya ni writer at maayos naman ang flow ng story ang problema ko lang dito ay ang ibang elements sa paggawa ng kuwento, particular na ang setting (worldbuilding ang usapan dito), characters (sobrang dami), at narration (preference ko lang ito). So, let's start na tayo sa totoong puna. XD

NEGATIVE

7. Characters muna tayo. Ang daming characters, na sa sobrang dami ay hindi ko na natandaan silang lahat. Ginawa kasing isang bagsakan lang at walang description si narrator tungkol sa kung ano ang tingin niya at impression sa bawat character, tinutukoy rito ang eksena kung nasaan ay nagpa-practice sila nina Danica at ng iba pa (para sana ay magkaroon ng clue ang readers sa mga character na pinasok).

Pinangalanan ang character kaya kailangan ay bigyan sila ng role sa kuwento at huwag gawing pan-display lang. Okay, hindi ko pa naman nababasa nang buo ang story kaya iyan muna ang masasabi ko sa characters.

Napansin ko rin na mahilig ka lang mag-describe sa kung ano ang nakikita ng mga mata. Wala man lang inner thoughts ang narrator tungkol sa mga character. Puro hitsura lang ang na-describe, walang impression. Example, mukha siyang mabait kasi inosente ang mukha niya at maamo; mukha siyang mayamang maharlika sa mga historical film dahil sa pamamaraan niya ng pananalita at pananamit-mga ganyan.

Ecrivains' Critique CornerWhere stories live. Discover now