[3] biringan city

117 5 2
                                    

Biringan City: The Lost City of Samarby cactushoney

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Biringan City: The Lost City of Samar
by cactushoney

Chapter 1 - 8


All right. Philippine Urban Legend. Paranomal, romance ang nangibabaw na genres para sa akin. Dahil nga may pinagbasehan ang kuwentong ito, expected ko nang nag-research si writer. At ang nice naman dahil nakita ko iyon sa first eight chapters. Balak ko sanang huminto sa pagbabasa kapag nakarating na ako sa Biringan City, kung saan, matinding description ang kailangan pero, marami pang naka-pending sa list ko kaya huminto na ako sa chapter 8. Okay, shut up na ako, let's start.

POSITIVE

1. Commendable ang paglalagay ng twist sa kuwento. Kasi feeling ko ay reincarnation ni Carolina si Caralina. ( or nah? baka may pa-twist pa si writer kasi sinabing kapatid ni Caralina si Carolina, ayon kay Inayah. Idk haha). But anyways, noong binasa ko kasi ang urban legend, tinuturing na Princess of Biringan City si Carolina at nagdadala ng mga tao sa city niya tapos hindi na nakakabalik pero, sa story na ito, may 'love', 'past love' na involve. Kaya kudos kay writer!

2. I won't say that the story is unique but I may say that only few writers try to make this kind of story. So, masasabi ko na ring may pagka-unique siya.

3. Sa bawat chapter ng kuwento, laging may naiiwang tanong. Parang pabitin kaya expected na si reader, magpi-flip ng page para malaman ang sagot sa katanungang iyon. Napaka-nice ng atakeng ito.

4. All right, commendable din ang strange things na nangyayari na ayon sa research ko ay ganoon nga siya. Halimbawa na lang noong dumalaw si Inayah (tama ba? Haha) tapos laging nawawalan ng malay si Caralina. Then, iyong parang nagiging possessed ang mga tao.

5. Apppeciated ang effort sa pag-describe ng setting. Mas lalo mo kasing nailalagay ang readers sa mismong kuwento.

6. Nice ang ginamit na foreshadowing. Kudos sa writer!

Next, tungo tayo sa negative. Pakitibayan ang puso dahil baka may hindi ako magandang masabi rito. (lol, akala mo talaga e no? Haha)

7. Sa story details muna tayo.

Chaper 1. Masyadong mahina ang reason para pumunta siyang Samar na hindi kasama ang parents niya kaya naging questionable pa rin sa akin ang action na ito. Una, sinong matinong parents ang hahayaang umalis mag-isa ang anak nila papunta sa isang lugar kung saan maraming kababalaghang nagaganap? Mga kuwento-kuwento. Taga-Samar ang papa niya kaya expected dapat na hindi niya ito papayagang pumunta mag-isa roon. Lalo na't wala namang alam si Caralina sa lugar na iyon.

Pangalawa, dahil lang gusto niyang magbakasyon kaya pupunta siya sa lugar na hindi naman niya lubos na alam without guardians/parents?

Suggestion: she had a heated argument with her parents so she decided to leave their house and go to her Lola Esdang, without knowing what will happen to her in that place. Then, while she's on her way, she had read the urban legend about the Princess of the lost city called Biringan. (medyo off kasi sa akin iyong eksena ng classmates niyang nagtanong kung knows niya ba ang Biringan City sa Samar then, biglang umalis. Like, parang ginawa lang iyon para mag-search ang heroine (later on) para magkaroon siya ng background tungkol sa pupuntahan niya at ma-introduce ni writer ang kuwento tungkol kay Carolina at Biringan City. Gawin nating smooth ang mga pangyayari. Iwasang magpasok ng characters para maging convenient ang daloy ng kuwento, lalo na kung wala naman talaga silang tulong sa kuwento at may iba pang way para ma-achieve ang goal ni writer para magtuloy-tuloy ang daloy ng kuwento.)

Saan ang destinayon ni Caralina? Hindi nasabi, feeling ko, hindi pa nakakapunta si writer sa Samar kaya hindi niya alam ang ibang lugar/baryo roon.

8. Sa characters naman tayo. Pansin kong ang hilig ni writer na magpasok ng character then biglang mawawala. Katulad noong sa chapter one, sa classmate. Si Gabbi, doon sa food court (teka, may food court ba roon sa pinuntahan ni Caralina? Gaano ba kalayo ang bahay ni Lola Esdang sa parang syudad kung saan may food court?) then, pagkatapos ng kaunting usap nina Caralina at Gabbi, biglang umalis si Gabbi. Then, biglang litaw ni Marlo sa bahay (nasa tapat ba siya ng bahay? Idk) ni Lola Esdang para pigilan si Caralina sa pag-alis dahil may tumatawag daw sa kanya. Then, doon sa biglang litaw-alis ng  iba pang characters. Actually, nagugulat na nga ako minsan. Haha. Sobrang convenient kasi. Ano lang, iwasan lang natin iyon kasi hindi nagiging smooth ang daloy ng kuwento.

Medyo, na-shock nga rin ako kay Gabbi dahil biglang napasama na siya sa party ni Yuna at iyong pagtatanong ni Angie na kung may feelings ba si Caralina kay Gabbi, kahit iyon lang naman ang nangyari; niligtas lang siya(?).

Next, medyo off ang pa-introduction ni Caralina sa sarili niya. Mas maganda siguro kung hayaan mong ang mga tao sa paligid ni Caralina at ang story mismo ang magpakilala sa kanya. Tutal, sa dulo naman ng chapter kung saan nagpakilala si Caralina ay tinawag din ang pangalan ng babaeng nakasakay ng kotse.

Isa pa, ang totoo niyan, dahil parang puppet lang ang characters na lulubog-lilitaw kung nais ni writer, walang lumitaw na katangian nila sa akin. Ang nangibabaw lang sa akin ay sina Marlo at si Caralina, the rest, hindi ko na maramdaman. So iyon, bigyan po natin sila ng behavior, definite na characteristics na makikita sa dialogue at actions nila. Huwag nating basta-basta ipapasok kapag kailangan lang. Isipin po nating tunay ang characters sa kuwento at may sarili ring pag-iisip.

Medyo naano rin ako kay Gabbi noong bigla siyang umamin kay Caralina (ang bilis, wala man lang tension/development sa relationship nila/hint na naganap, actually kailangan po iyon kapag nagsusulat ng romance huhu) then, biglang nagkaroon ng double date kasi nga biglang lumitaw galing sa kung saan sina Yuna at Marlo (like, bakit po nandoon sina Yuna at Marlo? Anong pakay nila sa lugar na iyon? Para lang makipag-double date kaya sila nandoon?)

Feeling ko, may clue na si writer kung ano ang pinupunto ko sa kuwento. Kaya kung babasahin niya ang story, malalaman niya ang mga iyon. Next na tayo.

9. Transition. Napapansin kong ang bilis ng pacing ng kuwento, wala man lang pa-transition na or pag-cut ng scene na ginawa para ma-separate ang isang eksena sa susunod na eksena. Parang tumalon lang. Haha.

Suggestion: kung magcu-cut ng scene, gumamit po nito “***” para maging maayos basahin.

10. Setting. Halatang-halata na walang alam sa mga lugar sa Samar si writer dahil hindi nagbabanggit kung taga-saan sina Lola Esdang, saang baryo ang ibang characters sa story etc. Mag-search po tayo tungkol dito para mas maging kapani-paniwala ang kuwento. :>

TECHNICALITIES

Ang totoo niyan, may potensiyal naman si writer sa pagsulat ng kuwento pero, pagdating sa usaping teknikal, mukhang wala pang malawak na kaalaman dito si writer kaya advice ko pong i-proofread ang story na ito para malinis at maayos siya basahin. Lalo na't may mga reader na perfectionist na pinapansin talaga ang technicalities.

Pero, hindi ko kasi ugaling isa-isahin ang napapansin kong technicalities sa mga general lang na critique kaya ilalapag ko lang dito iyong paulit-ulit kong nakikita. Ge, proceed na tayo.

1. Hindi advisable ang pag-bold ng letters sa dialogue. Kung magbabasa ka ng published books, wala kang makikitang ganyang format.

2. Ugaling maglagay ng punctuation marks sa dialogue ng characters. Bukod sa iyon po ay proper, mas nakadadagdag emotion kasi ang punctuation mark.

3. Correct usage of words:

*na naman
*na lang
*pa rin

Try mong magbasa ng tips ko sa book na ito para magkaroon ka pa ng idea sa technicalities (thou, basic lang naman ang nandito haha.)

So overall comment, may sipa ang story na ito at mahahalatang pinag-isipan ni writer at pinaglaanan ng research ang kuwento. Worth reading? Siguro oo, kung magiging smooth ang daloy ng kuwento at minimal lang ang errors. So iyon, astig nitong story. Sulat lang nang sulat!

Rating: 7.5/10

***

ECRIVAINS: House of Dreamers

Ecrivains' Critique CornerWhere stories live. Discover now