[9] this love is golden

36 2 0
                                    


This Love is Golden

Prologue - Chapter 9


Good day. Sana, ayos ang lahat. Stay safe, everyone.

This Love is Golden. Pang-mature ang story na ito at kapag hindi sanay ang readers magbasa ng local books gaya ng kay Ricky Lee, Lualhati Bautista, at Bob Ong hindi nila ito babasahin. Magkaiba kasi ang gina-garner na readers ng wattpad; pang-modern at hindi masyadong close sa reality dahil karamihan sa leads ay mayaman, sikat, nerd, etc etc. Itong story kasi na ito ay tungkol sa buhay ng mag-asawa, hindi mayaman, at hindi rin mahirap, at hindi rin sikat. Basta, yung karaniwan na nababasa sa wattpad, hindi n'yo makikita rito. Anw, iibahin ko ang format ng pagbibigay ko ng review rito, pa-paragraph lang tayo at walang label. Proceed.

Si writer, may sariling style sa pagsusulat na nagustuhan ko. Medyo may conflict lang dahil may ibang words na hindi akma at medyo awkward basahin (para sa akin, as a reader). Siguro dahil pinipilit ni writer na maging creative sa description kaya hindi niya napapansin na may mas akma pang word para roon. For sure naman kapag nasa editing stage na si writer, mapapansin niya iyon. Lalo na kapag binasa niya na nang malakas. XD

Isa pa sa nagustuhan ko rito, hindi nakakalito ang head-hopping. Dalawa lang naman kasi ang main leads at ang pokus ng narration. Madalas din, kada chapter, isa lang ang pinopokus sa point of view. Pagdating sa emotions sa story, wala naman akong problema. Sabi ko nga, may sariling style si writer sa pagsusulat at pagde-describe ng mga pangyayari at emosyon ng characters, na medyo poetic ang dating (depende na lang talaga ito sa personal preference ng readers). Bukod doon ay nandoon ang distinction ng dialogues at actions ng apat na characters: Dulce, Raphael, Dill, at Dolly (pero, minsan, nagiging masyadong pormal ang dialogue at nagagaya sa boses ng narrator pero, dalawa o tatlo lang yata iyon). Commendable ito.

Pagdating sa background ng character, habang binabasa ko ang kuwento tungkol sa buhay mag-asawa nila, mas lalo akong naku-curious sa past ni Dulce. Paano niya nakilala si Raphael? Paano niya nagustuhan at bakit siya pumayag sa arranged marriage, kahit pa knows niyang may Rosalinda si Raphael? Etc. Etc. Haha. Sana ma-pull out ito nang maayos (thou, feel kong hindi ito isasama ni writer haha idk).

Wala namang kapuna-puna rito. Nandoon ang consistency sa narration, ang distinction ng characters, nandoon din ang pagiging creative pagdating sa description (kaso, ingat lang, hindi rin maganda ang masyadong creative dito dahil as a reader (personal preference), mas prefer ko pa rin ang straight to the point at direct na narration kaysa sa indirect, kapag indirect kasi, lalo na kung hindi importante, masyadong napapahaba ang wordcount pero, isa lang naman ang pinupunto).

*na lang

*aspekto

*paggamit ng RAW at DAW (refer sa technicalities na part ng book na ito)

*NANG at NG

*kung gagamit ng English na word sa narration na walang katumbas na Filipino words, i-italic, mas pormal kasi ang dating noon.

All in all, maganda ang story na ito. Keep writing! 

Rating: 8.0/10

***


ECRIVAINS: House of Dreamers

Ecrivains' Critique CornerWhere stories live. Discover now