[10] the falling game

63 5 1
                                    



The Falling Game

Prologue - Chapter 7


Good day. Sa wakas nasa pangsampu na ako. Haha. Nine (9) more to go (unfortunately kasi ay hindi sumunod ang iba sa conditions and payments kaya ayern, declined ang forms nila).

The Falling Game

Uunahan ko na si writer, pasensya na kung may masasabi akong nakaka-offend or makakasakit sa damdamin mo. Bilang writer, alam ko kung gaano kahalaga sa atin ang works natin, parang baby natin iyan kaya kapag may negative or hindi tayo magandang narinig tungkol sa gawa natin, masasaktan tayo pero, gusto ko lang sabihin na, parte iyan ng pagiging writer. So, ayern, sana maging open-minded tayo. Proceed.

POSITIVE

1. Consistent ang boses sa narration. Hindi siya nakaka-boring basahin, siguro dahil hindi monotonous at hindi mababa ang tone. Commendable.

2. Ayos ang description at ang emotions na pinapakita sa story (yeah, ayos lang siya pero, may kulang pa rin, discuss ko ito later).

3. Nandoon na ang potensiyal ni writer sa pagsusulat. At alam kong passionate si writer dahil ine-edit niya ang gawa niya. Commendable po iyon.

4. Actually, ang cute ng book cover nito. Siguro dahil fan ako ni LMH haha. So ayern, maayos ang book cover ay feeling ko ay nakaka-attract siya sa readers (lalo na kung newbie).

NEGATIVE

1. Kung magbabasa tayo ng tips about writing novel, malalaman natin na mahalaga ang first page sa story. Sa first page kasi malalaman kung ipagpapatuloy ba ng readers ang pagbabasa or nah. Kung hooking ba ang story or nah.

Sinimulan ang story sa paggising sa umaga, first day of school, muntik nang ma-late sa school, then tinapos sa male-late na raw siya sa school. Iyon lang ang eksena ng first chapter at isa lang ang masasabi ko, ang cliché po ng umpisa hanggang dulo. Common na itong nababasa sa wattpad, lalo na noon. Though, alam kong sinubukang gawing hindi ito cliche dahil sa prank ng kuya niya pero, nangibabaw pa rin po sa akin ang pagka-cliche nito. Pasensya na po.

Next, scene na nabangga niya si Axel sa first day of school. Wala na po bang ibang eksenang p'wedeng ipamalit dito? Tandaan na sa pagsusulat ng common na plot, characters at fresh scenes ang factors para magpatuloy si reader sa pagbabasa. Memorable scenes at relatable characters.

2. Questionable actions. I don't know kung may iba pang dahilan kung bakit niyaya ni Axel ang heroine na magpanggap bilang girlfriend nito bukod sa nabangga siya (sana meron, kasi kung wala, lalabas na ang isip bata ng hero mo at magiging questionable din ang action dahil kung sikat si Axel, ba't niya pipiliin yung heroine na maging fake gf niya kung marami namang naghahabol sa kanya na babae at p'wede siyang pumili nang mas maganda at mas popular gaya niya? Di ba?)

Next, yung tumayo si Axel tapos sinabing girlfriend niya yung heroine. Okay naman ito, gawin lang nating hindi cringey ang eksena.

Next, nakakapagtaka na pumayag ang heroine na sumama sa lalaki (kahit kita namang tutol siya sa pagiging fake gf nito). Porque sikat ba ang lalaki, papayag na siyang sumama rito? Ang contradicting. Iba yung iniisip ng character sa ginagawa niya. Kaya ang kinalabasan nito, dahil iyon na ang nakalagay sa plano ni writer na susunod na scene, iyon ang dapat mangyari. Parang puppet tuloy ang character kung saan si writer na mismo ang naglalagay sa kanila sa eksena at nagsasabi ng gagawin nila. Know your characters. Si Axel ba ay may superiority complex, weird? introverted ba? Ano ang past niya? At other personalities, hobbies, fears, talents. Kapag kilala mo kasi ang character mo, alam mo ang magiging desisyon nila at actions nila.

Bukod doon, gawin mong kapani-paniwala ang eksena at actions ng heroine mo para maging relatable siya. Siya kasi ang napili mong narrator. Halimbawa, ang dialogues niya. I highly suggest na basahin mo nang malakas ang dialogues ng characters mo, hindi kasi natural ang dating at medyo cringey. Alam kong sinusubukan mong maging memorable at maganda sa pandinig ang dialogues nila pero, kung hindi ito karaniwang sinasabi ng tao, wala rin iyong saysay.

Technicalities

1. Subject-verb agreement. Pag-aralan. Haha.

2. Stick to one tense. Kung past tense, past tense ang gamitin at huwag present tense and vice versa.

3. Dialogue tag vs Action tag

Rating: 6.5/10

Hanggang dito na lang muna. Ang payo ko lang kay writer, lagyan niya ng bagong panlasa ang kuwento at iwasan na ang cliche na eksena dahil ang cringey. Sorna agad. I highly suggest na manood si writer ng high school romance dramas para magkaroon siya ng fresh ideas sa story niya. Gawin ding realistic ang dialogue para smooth siya basahin. All in all, ayos naman ang kuwentong ito. Sana lang ay mag-fit ang title which is The Falling Game sa content ng story. Akala ko kasi magsisimula sa dare ang kuwento. Haha. So ayern lang, hope it helps. Continue writing and good luck to your writing journey! Kudos! 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 25, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ecrivains' Critique CornerWhere stories live. Discover now