CH. 2

18 0 0
                                    

WOOSEOK'S POV

Bwisit na Jinhyuk yun.

Antagal na naming wala nung kapatid niya pero pinipilit pa niya na makinig ako sa mga paliwanag niya.

Ano naman ipapaliwanag ni Lianna diba? Nung iniwan niya ako nag demand ako ng explanation pero ano ginawa niya? Wala man lang siya sinabi

Tas ngayun gagambalain ako. Ang tapos na tapos na kasi, move on na ako. As if naman siya parin.

Isa pa yung mga gagong tropa namin, pati sila nangunglit kala mo naman alam din nila nangyayari. Embento pa ng kwento na naospital si Lianna para mapatamaan ako sa GC aba mga gago, di na ako maniniwala dun.

Kung may paki sakanya yun sana kaya lang wala na, wala na kaming koneksyon sa isa't isa at wala na akong responsibilidad kay Lianna.

Basag na basag na nga gabi ko pati ba naman umaga ko. Aba gago, nakasalubong ko si Minkyu at akala ko lalagpasan ako yun pla ako talaga pupuntahan.

"Oi Wooseok, naospital daw si Lianna" sabi nito at sinamaan ko siya ng tingin

"Wow naman ang galing! Saang GC kaya kayo nagchat kagabi at sabay patama sakin, magsitigil nga kayo. Puro kayo kasinungalingan si Lianna maoospital last tine i check sumama pa yun sa dance contest last week!" Sigaw ko at tumawa naman siya

"So ibig sabihin alam mo mga pinag gagawa niya, kasi alam mong may contest siya" asar nito

"FYI di ko sinasadyang malaman yang mga bagay nayan, eh kung di ba naman puro dada yang si Jinhyuk about sa kapatid niya edi sana di ko alam yan. And hindi na ako ang boyfriend ng kapatid niya paki sabi sa kanya" sabi ko habang nakakunot parin ang noo

"Bat di ikaw magsabi nan?" Tanong niya

"Ayun nagalit kagabi ang gago, pag sinabi ko kasing ayaw ko ayaw ko na ayaw pa niya ako tigilan" sabi ko

"Lagi nalang kayo nag aaway tungkol sa mga ganyang bagay, kelan ba kayo titigil?" Tanong ni Minkyu

"Pag tumigil na siya sa pangungulit sakin na pagpaliwanagin yung kapatid niya" sabi ko

"Eh kelan naman sa tingin mo titigil si Jinhyuk?" Tanong nanaman niya

"Edi pag pinagpaliwanag ko na si Lianna" sabi ko

"Oh yun naman pla eh edi pagpaliwanagin mo na!" Pangungumbinsi ni Minkyu. Kala ko pa naman nag tanong lang isa rin plang gago toh

"Alam mo manahimik ka nalang at puntahan bebe mo tigilan mo ako" sabi ko sabay tulak sakanya

"Atlis ako may Crystal na diba ikaw hanggat di mo pinagpapaliwanag si Lianna wala ka munang forever" asar niya sabay takbo paalis ng nakita niyang pumulot na ako ng bato

Mga demonyong kuto tong mga toh. Di ko naman siya ginanyan kay Crys- i wait ginanyan ko din pla siya.

Pero ibang story na yun eh, eto kasi sapilitan na eh, nangasar lang ako dati pero eto pinipi- teka bat ba ako nagpapaliwanag wala naman ako dapat ipaliwanag.

"Kuya Wooseok!" Ay puta ayan nanaman.

Di lang naman kasi si Jinhyuk or tropa namin ang pumipilit sakin kundi pati mga grade 11 at 12 na nakakita samin dati nung kami pa, ship daw nila kami, tanga mga shipship kayo masyado.

Lalo na yang mga ka batch ni Lianna or should i say mga Grade 11, sila talaga mga pibaka makukulit everytime na madaan ako sa 3rd floor magsisigaw sila ng kung ano ano, pisti

"Kuya Wooseok, comeback na kasi kayo ni Lianna!" Sigaw ng isang babae pero di ko pinansin

"Hmm siguro kaya ka iniwan ni Liabna kasi ang sungit mo snob ka masyado Kuya" sabi ng isa pa at puta na inis ako ng sobra kaya hinarap ko siya kahit na paakyat na sana ako ng stairs papunta sa floor namin

"Wala kang karapatan na sabihin yan, dahil una sa lahat binigay ko sakanya lahat, lahat lahat kahit wala na matira sakin, siya ang sumira ng salitang kami at ngayun di ko na hahayaang bumalik pa yun, dahil tapos na. Isang beses lang dapat mangyari ang isang pagkakamali at ang pagkakamaling mahalin siya ay never ng mauulit kaya tumigil na kayo" singhal ko sa kanya, at kahit babae pa siya wala ng pakialamanan

"Ikaw kaya mong ipaliwanag sarili mo pero pag si Lianna bawal hyung?" Sabi nang isang pamilyar na boses sa likod ko

Tiningala ko kung sino man ang pababa ng hagdan at nakita ko si Yuvin at Lianna. Si Yuvin ay nakasimangot at si Lianna ay nakayuko. Wow siya pa may balak yumuko ng ganyan ako kaya nasaktan at napahiya noon aba gago

"Pake mo ba, tabi nga diyan" sabi ko at tuluyan ng umakyat sa floor namin

"Wagg ka na iiyak Lianna, hayaan mo na si hyung" narinig kong sabi ni Yuvin ngunit napangiwi nalang ako

Siya pa talaga umiyak nan, nung ako umiyak naawa ba siya well hindi kaya di ako maaawa sa kanya

Gago nalang ang babalik sa taong nanakit sakanya.

To My Heart ||Kim Wooseok Fanfic||Where stories live. Discover now