CH. 31

4 0 0
                                    

WOOSEOK'S POV

Dahil wala akong magawa sa buhay ko at wala din naman akong balak manatili sa bahay na toh pumasok nalang ako kaagad sa school kahit na medyo maaga pa.

Nung sabado pa ako naiinis eh. Una gumala sila Lianna at Yuvin tas napaka PDA pa tapos kahapon naman ang ingay sa GC nagpapatama ang mga gago, as if naman matatamaan ako.

Di pa naman ganon kadami yung tao sa Junior high kaya inisip ko na baka pati sa Senior high unti palang ang tao kasi alam mo na mga puyat lagi syempre late magigising late din papasok.

Pero hindi dahil pagkatapak ko palang sa first floor rinig na rinig bulungan ng mga tsismosa. Edi sana di nalang nagbulong daig pa microphone nan kawawa naman yung binubulungan.

Lunes na lunes may chika tong mga toh. Pero dahil wala naman akong gusto malaman sa pinag uusapan nila hinayaan ko nalang baka mamaya pag pinagsabihan ko awayin ako sigawan ako na mayabang at maaway ako ganun.

Umakyat ako ng second floor buti tahimik pero pag abot ko sa third nako daig pa ang mga nakikigera sa lakas ng boses. Pero gaya ng ginawa ko sa first floor di ko pinansin lalo na't mga grade 11 tong nasa floor nato. Bakit ba kasi nasa pinaka taas kami? Bakit mga hayop ba kami para sa taas kami? Mga unggoy ba? Pati tuhod ko sinukuan na ako.

Aakyat na sana ako kaya lang may sumigaw galing sa kabilang side nang building at puta mas lalo ako nainis

"Guys balita ko nag date daw si Yuvin at Lianna nung Sabado! Sabi galing dun sa first floor!" Ah so ito pala yung pinag uusapan sa first floor

At talagang nakangiti pa siya habang ikinakalat yan. Ang saya saya niyang nag lalakad habang nagkakalat ng balita hanggang sa makarating siya sa kinakatayuan ko. Biglang lumaki mata niya at lahat nang nakapansin napatigil at tumingin din sakin na gulat na gulat.

"Wag ka mag kalat ng fake news baka may makarinig sayo at isumbong ka sa SSG president, principal rather, this is disturbance regarding sa privacy ng isang student kaya itikom mo bibig mo" sabi ko bago siya binigyan ng malamig na tingin

Tumango nalang siya bago ako umalis at umakyat sa floor naming mga grade 12 STEM and HUMMS.

Mukhang natakot silang lahat kasi pagka akyat ko wala na akong ibang narinig na ingay mula sa floor nila.

Yan kasi ang Aga aga napaka ingay. Sa sobrang ingay nakaka irita na. Mabulunan sana yan mamayang lunch.

To My Heart ||Kim Wooseok Fanfic||Where stories live. Discover now