CH. 34

4 0 0
                                    

LIANNA'S POV

Nandito ako ngayon sa loob ng clinic nag papahinga. Pagkatapos kong buhatin yung mga libro kahit di naman pwede ay nahirapan akong himinga at nanikip din yung dibdib ko.

Kinuha ko yung phone ko at tinignan yung oras 3:45. Ang tagal ko narin palang nandito.

Ang tagal naman ni Yuvin, sabi niya pagkatapos ng first subject pero ito tayo patapos na ang last subject.

Tatayo na sana ako sa higaan nung bumukas yung pinto. Tinignan ko kasi baka yung school nurse yun pero nang makita ko si Yuvin pala, pagod na pagod. Tumakbo ata toh.

"Bat ngayun ka lang?" Tanong ko habang hingal na hingal siya

"Bumili pa ako ng pagkain, di ko inexpect na madaming tao sa cafeteria  kasi mag uuwian na kaya natagalan ako bumili" paliwanag niya

"Hayaan mo na" sabi ko at napa ngiti nalang siya

"Yieee sana ol considerate" sabi niya bago umupo sa tabi ko

"Kumain ka nalang muna tapos balik na tayo sa room" dagdag niya at nginitian ko na lang siya bago kumain

"Teka alam ba nila ma'am na nasa labas ka ng room" tanong ko habang kumakain

"Alam na ng mga teachers situation mo after nung aksidente with sir kaya pinayagan nila ako lumabas" sabi niya at napatango nalang ako

Matapos nun ay nagpatuloy nalang ako sa pagkain hanggang sa maubos ko yung binili niya para sakin

WOOSEOK'S POV

Kakatapos lang ng last subject namin at sobrang gulo ng room. Basa yung sahig kasi may nakatapon ng tubig. Tas yung mga bond paper nagkalat din kasi puro ulit sila pag nagkamali sa pagpapaint kasi gusto nila perfect. Pero sa huli di naman din pinapasa at sabing bukas nalang daw. Oh diba sayang effort.

Tumayo ako  sa upuan ko para ibuhos sa labas yung ginamit kong tubig na pinagbanlawan ng paint brush pero dahil tamad mga kaklase ko, tinawag nila ako at nagpatapon din. Dahil wala ako sa mood makipagaway ngayon kinuha ko nalang lahat at lumabas.

Pagkalabas na pagkalabas ko isang napakagandang bagay ang nakita ko. Si Yuvin at Lianna lang naman pabalik galing sa kung saan. Tsk.

Lumapit ako sa may railing at nung palapit na silang dalawa ay binuhus ko yung napakaduming tubig saktong saktong natapon  kay Lianna.

Agad akong umatras para di nila ako makita at pagbintangan if ever man pero alam ko naman na sobrang dumi na ng damit niya. Kaya Pumasok ako sa room ng may ngisi sa mukha.

YUVIN'S POV

Papasok na sana kami sa Building nang may hampaslupa na nagtapon ng tubig galing sa kung saan mang floor at dahil di namin nakita kung sino yung nagtapon di namin marereport to sa guaidance.

"Tangina nung nagtapon" sabi ko at napa bugtong hininga nalamang si Lianna

"Wooseok" bulong niya

"Ano?" Narinig ko yung sinabi niya pero mas maganda nang sigurado

"Nakita ko si Woosoek sa fourth floor" sabi niya at di ko alam kung matutuwa ba ako kasi nakita niya gumawa o hindi dahil di pa rin niya maalis tingin niya kay Wooseok, halata namang lagi parin niyang tinitignan room ng mga 12 HUMMS para kahit papano makita niya si Woosek kahit na kinamumuhian siya nung tao

Saktong sakto pa sa oras si mother nature dahil umulan bigla, punyeta.

Sumilong muna kaming dalawa bago ko siya hinarap

"Pupunta muna ako sa room, nasa desk mo ba PE uniform mo?" Tanong ko dahil sa itsura niya ngayun di siya tatanggapin ng teacher para pumasok sa room.

Tumango nalang siya bago ako umakyat sa third floor. Kinuha ko yung PE Uniform niya pati narin payong naming dalawa. Bumaba ako at halatang halata na nilalamig na siya

Nilapitan ko siya agad at inabot sakanya yung isang payong

"Tara na sa CR dali magkakasakit ka nito" sabi ko bago siya hinatid sa sa CR ng girls. Alanagan na papuntahin ko mag isa eh nanginginig na siya.

Nang makarating na kami inabot ko sakanya yung damit niya, papasok na sana siya pero tumingin muna siya sakin

"Yuvin wag mong sasabihin kay kuya" paalala niya at wala na akong ibang nagawa, napatango nalang ako kasi kung hindi di siya magpapalit nang damit at pipilitin ako lalo.

"Atsaka umuwi ka na pag uwian na, ako na bahala sa sarili ko" dagdag niya at bigla akong nagdalawang isip, umuulan ng malakas tas uuwi siya ng mag isa kaya ba niya ba talaga? Tinignan ko siya at nginitian niya lang ako as if sinasabing okay lang siya, napabuntong hininga nalang ako kasi kahit ano gawin ko siya panalo.

"Sige pasok na" sabi ko at nung pumasok na siya ay umalis na ako

Sana okay lang siya....

AUTHOR'S POV

Kala niyo tapos na? Hindi pa.

Dahil nung nagpauwi na ang mga teachers agad lumabas ng room si Wooseok nakasalubong pa niya si Yuvin pero wala siyang pake, nung una balak niya lang na dumaan sa may CR kasi dun lang di mabilis bumaha syempre mahal na mahal niya sapatos niya eh. Pero nung nakita niya yung isang pamilyar na payong sa door knob ng CR tumigil siya at kinuha yun.

"Tignan natin kung pano ka uuwi" sabi niya sa sarili niya bago umuwi ng parang nanalo sa lotto

Iba din tong gagong toh eh no sarap bugbugin.

Sa huli talaga kailangan siya ang laging panalo eh.

To My Heart ||Kim Wooseok Fanfic||Where stories live. Discover now