CH. 40

7 0 0
                                    

YUVIN'S POV

"Ayun kakausapin daw si Wooseok" at eto na nga tayo, nasa punto ng buhay ko kung saan feel ko ako ang mamamatay, yes fam nadulas ako putaena

Pero pano nga ba tayo humantong sa pangyayaring ito, eto na nga ang flashback

Naglalakad kami ni Lianna papunta sa canteen para maglunch nang huminto siya sa paglalakad at tinignan ako.

"Mauna ka na pala Yuvin, naalala ko ngayung lunch ko pala kakausapin si Wooseok" sabi niya, pipigilan ko pa sana kasi mas mabuti nang kakain muna siya kaya lang naglakad siya agad paalis.

Gusto ko rin sana siyang sundan, kaya lang kasi nangako ako sakanya, alam ko yang iba sa inyo sasabihin na sometimes promises are ment to be broken pero para kasi sakin, promises won't be broken if you really mean it and is really dedicated to make it happen. Di ako kagaya nang nakararami jan.

Kaya kahit labag sa kalooban ko pumunta nalang ako sa cafeteria ng magisa, kumain din ng mag isa, at umalis ng mag isa.

Ay wait paalis palang pala ng mag isa.

Di pa naman ganun katagal si Lianna mabilis lang talaga ako kumakain to the point na mamatay na ako kasi nabulunan ako.

Pero anyway eto na nga, paalis na ako nung nakasalubong ko si Jinhyuk hyung na may hawak na gamot, para at kay Lianna kasi nga diba sumugod ang ate niyo sa ulan kahapon. Lalapit na sana ako para ako nalang magbigay kay Lianna nung gamot pero sure kasi ako na tatanungin niya din kung nasaan kapatid niya eh at dahil ayaw ko madulas naghanap na ako ng pagtataguan sa abot ng makakaya ko, pero dahil mahal na mahal talaga ako ng mundo nakita ako ni Jinhyuk hyung at tinawag ako, pisti.

Dahan dahan akong naglakad papunta kay Jinhyuk hyung at binigyan siya ng ngiti

"Okay ka lang ba, bat parang takot na takot ka?" Tanong niya

"Luh ako takot, di kaya bat namam ako matatakot hyung" sabi ko at ngumiti siya

"Ay teka, nakita mo ba si Lianna?" Tanong niya at sa di inaasahang pangyayari ang isang bulong ay napalakas at umabot tayo sa nangyayari ngayun

Eto na guys balik na tayo sa reality

"ANO!" Sigaw ni Jinhyuk

"H-huh anong an-ano hy-hyung di ko alam sinasabi m-mo" sabi ko naghahanap ng paraan para makatakas, pero parang wala akong takas dito sa ginawa ko eh kasi sure na sure na ang lakas ng pagkakasabi ko

"DI MO AKO MALOLOKO YUVIN NASAN SILA NGAYUN" madiing sabi niya

"Hyung..."

"SAAN!?" Sorry Lianna, nakakatakot kuya mo wala na akong choice

"Sa first floor ng building natin hyung" mahinang sabi ko at yun lang ang natatanging bagay na lumabas sa bibig ko na nakapagpatakbo kay hyung all the way pabalik sa building namin na sobrang layo kung galing kang cafeteria.

Nasa pinakalikod ang building namin at nasa bandang harap ang cafeteria, dagdag mo pa yung pagkarami raming buildings office and cr na nakaharang sa daan. And let's not forget the fact na lunch at nakakalat mga students ngayun.

Kung akala niyo tatayo lang ako dito at panuorin si hyung na tumakbo, pwes mali kayo. Tumakbo din ako at sinundan si hyung, kahit alam kong di ko siya kayang habulin, mabilis siya eh ano magagawa ko kung di ako yung type nang tao na nag e-excercise at puro lamon lang ginagawa. I mean food is like everything mah friend.

Pagdating ko dun sa building namin, di ko inaasahan ang makikita ko. Alam kong dapat una palang alam ko nang mangyayari toh pero baka masyado lang akong nagpadala sa sarili kong utak. Dapat una palang talaga inisip ko na toh, dahil di lahat nang inaakala ko mangyayari


To My Heart ||Kim Wooseok Fanfic||Where stories live. Discover now