CH.15

7 0 0
                                    

WOOSEOK'S POV

kinabukasan after nung mga nakakasakit ng ulo na mga chat namin sa GC pati narin sa PM ay matamlay ako na pumasok sa school, pero wag kayo assuming di yun dahil kay Lianna puyat lang ako baka kung ano ano nanaman iniisip niyo.

Habang naglalakad ako papunta sa building namin may nadaanan akong papel, iiwasan ko na sana kaya lang officer ako at dapat role model 'daw' kami, kaya binalikan ko at pinulot. Itatapon ko na sana sa basurahan nung may nakita akong pangalan, binasa ko muna at mukhang assignment to nung magaling na kapatid ni Jinhyuk.

Napangisi nalang ako dahil di man maganda naging gabi ko, mukhang binigyan ako nang isang magandang araw.

Inilagay ko sa bag ko yung assignment niya at balak itago yun hanggang makauwai ako at sunugin. Cause for what i know, strict ang school namin lalo na ang mga grade 11 teachers pagdating sa assignments, dahil sa napagdaanan na naming mga grade 12 yun at talaga namang terror ang mga grade 11 teachers dito sa school namin.

Umakyat na ako sa building namin bago pa ako malate at dahil nga nasa pinaka taas kami at mga demonyo ang nagdesign ng classroom arrangement per grades, nilagay ang 12 HUMMS at 12 STEM sa fourth floor kahit pede naman sa second nalang, nakadating ako sa room saktong nagring na ang bell.

Wala pa naman teacher kasi kahit si sir nahihirapan ding umakyat sa room namin at kahit siya nagrereklamo din.

Pano ba naman kasi si ma'am principal sabi niya di daw pede magkadugtong ang floors ng grade 11 kasi nga magulo daw sila kaya ang ginawa ay, sa first floor at thrid mga grade 11 at sa second floor at fourth naman ang mga grade 12. Kamalasmalasan naming nga HUMMS at STEM dahil kami ang nilagay sa fourth floor hayup.

Pagkaupo na pagkaupo ko naramdaman ko na agad yung titig ni Jinhyuk na parang gusto ako patayin at ibaon sa lupa patay man o buhay. At dahil magaling ako, di ko siya pinansin bahala siya, ako matatakot sakanya height lang meron siya ako paden demonyo saming dalawa.

At as if naman may magbabago if ever, wala akong papatawarin at wala akong pagsasabihan ng sorry, bahala silang lahat.

LIANNA'S POV

Dumating na yung teacher namin for first subject at binati namin siya. Ngayung araw napagisipan ko kasing wag muna masyadong mag alala at maging masaya muna, lalo na't bati na kami nang kuya ko.

"Okay class bring out your assignments" sabi ni sir kaya lahat kami nagbukas na ng bag

Pagkabukas ko nung bag ko akala ko makikita ko assignment ko pero wala dun. Bigla ako nagpanic kasi di ko alam gagawin ko lalo na't terror si sir, sigurado ako di mag dadalawang isip yan na ibagsak ako if ever.

Nahalata ni Yuvin na nasa tabi ko na tarantang taranta ako kaya kinuwit niya ako.

"Huy okay ka lang ba?" Tanong niya at napailing nalang ako

"Bakit?" Tanong niya

"Yung assignmemt ko nawawala" bulong ko at kahit siya nagpapanic nadin

"Papagalitan ka ni sir, sure ka bang nawala mo? Baka nandyan lang yun" sabi niya

"Yuvin tinignan ko na kahit sa kasuluksulukan ng bag ko wala talaga" sabi ko at halatang kahit siya di na alam ang gagawin

"Okay everyone pass your assignments and open your book to page 127 answer activity 5-8 while i am checking you assignments, at para wala ng magtatanong sainyo sa notebook po yan sasagutan copy all" sabi niya at sumunod nalang kami kaysa mapagalitan.

Ing pass forward na lahat ng papel pero ako eto walang napasa. Kinabahan na ako ng sobra tas sobrang bilis na ng tibok ng puso kasi nakakatakot si sir, may time pa nga na nagpatayo siya ng isang student sa gitna ng feild tanghaling tapat.

(Kunwari allowed yung mga gunun sa school ha, makisama nalang kayo guys)

Nagsimula nang magcheck si sir at nagsimula na akong magsagot, mas mabuti na yung may maipasa akong activity kaysa magpanic at walang mapasa.

Wala pang 15 minutes narinig ko na agad pangalan ko, at puta mamamatay na ata ako.

"Lee Lianna, nasaan ang assignment mo" tanong niya

"Sir nawawala po" sinabi ko pero sure ako di niya narinig kasi nahiya talaga ako ng sobra nung lahat ng kaklase namin tumingin sakin

"Di kita marinig please come forward" sabi niya na may halong inis

Lumapit ako sa table niya at tinanggal niya yung salamin niya bago ako tinignan ng masama, masyado na akong binalot ng takot na di ko na namalayang sumisikip nanamam dibdib ko

"I am very dissapointed in you, Lianna top student ka pa naman. Pero dahil alam kong gumagawa ka ng assignment at di ka magdadahilan lang maniniwala ako sayo this time pero paginulit mo pa toh alam ng lahat na may katumbas na tong paruss, got it?" Sabi niya at tumango nalang ako

Akala ko ligtas na ako nung tumalikod ako, pero puta tadhana nga naman, dahil pagkatalikod ko natabig ko yung coffee ni sir, at nabuhos yun sa lahat ng papel sa table including yung trinatrabaho niyang report. Nagulat lahat ng kaklase ko lalo na si Yuvin syempre best friend ko yun. Tumayo agad siya at magsasalita na sana kaya lang naunahan siya ni sir.

"Lianna mag linis ka sa gymnassium ngayun na!!!" Sigaw niya at lahat ng nakarinig nun panigurado natakot.

Dahan dahan akong lumabas ng room habang nakatingin lahat sakin, di sila nakatingin na parang naghuhusga pero yung tingin nila ay naaawa, ewan ko ba pero mababait mga batch ng grade 11 ngayun magugulo at mukhang mga takas mental pero di sila judgemental.

Bumaba ako ng building at naglakad papuntang Gymnassium, kumuha na ako ng mop at iba pang gamit na kakailanganin ko. Alam kong papagalitan ako ni kuya pagnalaman niyang maglilinis ako ng isang buong gymnassium at papagudin sarili ko pero mas mabuti na siguro yun kaysa mapagalitan ni sir at madagdagan ng parusa.

Pumunta na ako sa pinakaharap at nagsimula nang mag mop.

To My Heart ||Kim Wooseok Fanfic||Where stories live. Discover now