CH.36

4 0 0
                                    

LIANNA'S POV

Ibinalik ko sa bulsa ko ang cellphone ko  habang hawak hawak ang uniform ko. Nasa labas na ako ng CR at sa totoo lang di ko pa rin talaga nakikita payong ko. Sinubukan ko nang hanapin sa bawat sulok baka sakaling may nagtago pero wala talaga. Sa nanguha sana makauwi ka ng tuyo at masaya, punyeta kung wala kang dalang payong wag ka naman sana mang damay.

Napa hinga nalang ako ng malalim bago nagtingin tingin sa paligid. Ilang minuto nalang babaha na dito sa sobrang lakas ng ulan, at mas lalong ilang minuto nalang ay isasara na ang school. Buti sana kung mabait guards dito daig pa principal wala sila pake kung wala ka payong basta lumabas ka nang school pag sinabi nila kasi kung hindi principal's office ka kaagad.

Napakamot nalang ako sa ulo kasi wala talaga akong choice. One way or another sermon din naman aabutin ko kahit ano mangyari

Pagpinahinto ko pa ang ulan madilim na kaya papagalitan ako ng guard lalong lalo na si mama at kuya, dagdag mo pa si Yuvin pag nalaman niya na nagsinungaling ako.

At pagsumugod naman ako sa ulan di ako papagalitan ng guard pero papagalitan ako nila mama, kuya at Yuvin dahil sa iisang dahilan, nag paulan ako kahit na bawal.

4 na beses mapagalitan or 3 beses lang

Syempre minsan talaga mas maganda nang sumugod sa ulan kaysa mahuli ng guard ng feeling may ari ng school.

Kaya naman....

Hinawakan ko yung phone ko na nasa bulsa ng jogging pants ko. Pwede naman siya mabasa pero kailangan ko pa ding ingatan. Ibinalot ko yung phone ko sa uniform ko ng puno ng tuyong paint bago nagsimulang tumakbo kahit bawal papunta sa waiting shed sa labas ng school.

Nakalabas na ako ng school pero medyo malayo pa ang bahay namin dito at kapag tumakbo pa ako ng ganun kalayo baka hospital na abot ko. Pero wla naman na akong masyadong choice basang basa na ako, hilingin nalang natin na kakayanin ng katawan ko

Tatakbo nalang ako uli, punyeta talaga nung nanguha na payong ko.

Habang tumatakbo ako mas lalong lumalakas ang ulan punyemas. Buti nalang ay natanaw ko na agad bahay namin. Pero dahil dun napabagal din ako. Kailangan ko muna maghanda bago sumabak sa gera.

Pagpasok ko dun bunganga ni mama maririnig ko kasunod nun ay ang pagsesermon ni kuya at mamaya magriring na phone ko. Ang masama nan buong gabi yan. Shet.

Dahan dahan akong naglakad papunta sa pinto namin at bago ko pa mahawakan yung door knob, bumungad agad sakin si Kuya na mukhang iiyak na.

"Kuya iiyak ka ba?" Tanong ko habang nasa labas pa rin ng bahay, oh diba ang ganda ng bungad ko

"Punyeta san ka ba nang galing! Gabi na tas magpapakita ka pa sakin basang basa!?" Sigaw niya ng makita niya ako, i mean ikaw ba naman kasi magkaroon ng kapatid na may sakit at nakuha pang umuwi ng gabi na basang basa sa ulan, di ka ba magagalit

"Kuya..." pagsisimula ko

"Nasan payong mo!?" Sigaw niya uli sa totoo lang mas maganda na si mama sisigaw sakin kasi sanay na ako pero pag si kuya na pagkabait sakin baka maiyak na ako, sa totoo lang di ako sanay na magkaaway kami ni kuya eh

"Yun na nga eh, may kumuha" mahinang sabi ko habang naka tingin sa sahig, napabuntong hininga nalang siya bago ako niyakap.

"Nag alala ako sayo dapat chinat mo nalang ako para sinundo kita okaya si Yuvin" sabi niya bago ako pinapasok ng bahay

"Alam ko naman yun kuya kaya lang Malayo ang bahay sa school tas ang lakas pa ng ulan kuya" sabi ko

"Oo nga malayo pero ako walang sakit ikaw meron" sabi niya at nanahimik nalang ako

"Pumasok ka na sa kwarto mo at magpalit ng damit, wala pa si mama di pa umuuwi, over time daw. Di ko to sasabihin kay mama pero sa oras na may mangyari sayo o ulitin mo pa yan susumbong na kita" sabi niya at tinignan ko siya

"Talaga?" Tanong ko at tumango nalang siya

"Thank you kuya!" Sabi ko bago siya niyakap

Kasi kung sakaling sabihin ni kuya kay mama, di lang ako pipilitin ni mama lumipat nang school kundi talagang ililipat niya ako kahit ayaw ko.

Atsaka madami na kaming di napagkakasunduan ni mama baka mas lalo lang gumulo kung sakali

"Oo na magpalit ka na ng damit bago ka pa lagnatin" sabi niya, iba din tong si kuya eh minsan iniisip ko kung mas pipiliin ako ni kuya over kay mama eh.

To My Heart ||Kim Wooseok Fanfic||Where stories live. Discover now