RESTART91 ¦ Narration

271 26 51
                                    

Antagal naman nila

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Antagal naman nila. Hindi rin ba nila alam kung saan 'yung north? Pumunta ba sila sa north?

Eh? Hindi kaya pare-pareho brain cells naming lahat?

Ay.. hindi naman lahat. Siguro maliban lang kay Yishai.

Mag-aalala na sana ako, pero may kutob ako na possibleng i-message rin ni System ang lahat. Pero may duda rin ako na hindi. Kaya i-checheck ko nalang phone ko.

Titingin sana ako sa cellphone para tignan kung ilang minuto ko na silang inaantay, tsaka na sila dumating.

Iba't-ibang mukha ang pinakita nila, may mga nakabusangot, galit, nakakunot ang noo, pulang-pula ang mukha. Hindi ko sila mamukhaan dahil hindi naman 'yan ang mga mukhang pinakita nila sa pagkikita namin.

Kinutuban ako bigla sa kalagitnaan ng nangyayari ngayon.

What if S---

"Holy shit!"

Mukhang mas lalo silang nagulat nang makita nila ang mga bangkay ng dalawa. Hindi ko agad masabi ang nangyari, at kung sino ang nawala dahil alam kong mas lalo silang matataranta.

"S-si Jez.." Tuluyan nang lumabas ang mga luha sa mata ni Mazy at yumakap kay Walter na nakatulala lang sa mga katawan, pinipigilang umiyak.

Lumapit si Yishai sa mga katawan pagkalipas namin ng mga ilang minuto rito. Parang detective lang, he dipped his finger to the bloods that were already there before I came in. Base sa reaksyon niya, totoong dugo ang natikman niya.

Nakita niya rin ang mga kwintas na suot-suot pa rin nila. The longer he stared at it, more tears had fallen from his eyes.

Gaya ni Yishai, bumaba si Speed para tignan ang mga labi. He looked at me, confused. Seconds after seeing the body closer.

"Asan si Sai?!"

At doon ko na naisara ang bibig ko. Matagal ko na 'tong pinipigilan pero nung nataranta na sila.. para bang.. kasalanan ko? Kasalanan ko na namatay ang dalawa.

"Let's just be relieved na buhay pa si Sai." Komento ni Walter na mas lalo yatang nagpalala sa sitwasyon.

"Ano? Anong nakaka-relieved do'n?! Paano kung wala na rin si Sai?! Paano kung patay na rin siya?! Tapos mas malayo 'yung pinuntahan ng katawan niya?! Ha? Ano?! Paano natin siya mahahanap?!" Sigaw ni Mazy sa gitna ng kalungkutan.

I tried to calm them down pero mas lalo silang naiyak. Hinayaan ko nalang sila hanggang sa mahimasmasan sila. There was a long silence, lahat na sila nagsi-iyakan sa harap ng mga labi nila.

Ma-isasalba pa ba 'to?

"Wait.." Pagputol ni Yishai sa katahimikan. Kahit nag-iiyakan, napunta pa rin sakaniya ang atensyon nila.

"... Hindi ba kayo nagdududa kay Sai?"

Walang sumagot.

"He was the target. But he's gone. Palagi nalang siyang wala.. at pati ngayon wala na rin siya."

"What if... he escaped?" Dugtong ni Speed. Mukhang sang-ayon sa sinabi ni Yishai.

"Escaped from what?" Tanong ni Mazy na may pagkataray pa rin. Nagtinginan kaming lahat. May pagkaslow rin pala 'tong si Mazy. May pakiramdam ako na may isang hindi sasang-ayon dito. Obvious naman kung sino.

"... His crimes." Sagot ni Yishai na mukhang hindi sure. Mazy was the only one that widely reacted, kunot ang noo, habang ang itsura'y nagsasabing seryoso-ka-ba-sa-sinasabi-mo?

"You all think that Sai killed them both?" Walang sumagot, pero dahil sa mga mukha nila ang kanilang pinapakita na 'yun na nga ang sagot nila. Is he really the killer?

O nandito pa ang mamamatay tao?

Paano kung wala saamin?

Paano kung pinaglalaruan lang kami?

Daming tanong.

"Sai is a busy person, alam niyo naman 'yon 'di ba? May tinuturuan siyang mga estudyante na gustong matuto mag Nihongo umaga't hapon. Hindi niyo ba 'yon alam? Mga side-jobs niya, hindi niyo rin 'yon alam?" Pagpapatuloy niya, na pumiyok pa nga dahil sa galit.

Hanggang ngayon, nanatiling nakatikom ang mga bibig namin.

"Sabi niya saakin na magleleave muna siya kasi pupunta kami sainyo, You. But look what happened, he's gone."

"Huwag mong sabihin 'yan kasi---"

"Kasi ano?! Hindi pa natin nahahanap ang katawan niya?!"

"Kasi may pag-asa pa! What if he just escaped? Either escaped from his crimes or just escaped because he's scared he's next? Can you fucking calm down Mazy! Ang ingay na!" Paglabas ng galit ni Walter sakaniya. Napatikom agad ng bibig si Mazy pagkatapos no'n. Wala na akong narinig mula sakaniya.

"Dinedepensahan mo si Sai pero ikaw 'tong nag-iisip na patay na siya. What kind of mindset is that, Mazy? Tunay ka bang kaibigan?" Pagsalita ulit ni Walter na hindi ko inaasahan. Kung ako ang tatanongin niyan, masasaktan ako.

"What I am trying to say is---"

Something caught our attention that cut Mazy's words. We heard someone walking, dahan-dahan akong napa-urong dahil baka makita kami at ang mga bangkay.

Sabay-sabay kaming lahat na tumingin kung saan nangagaling ang tunog.

Walang umimik, nanatiling nakatingin lang sa isang lalakeng punong-puno ng dugo. He's unfortunately unrecognizable, pero pakiramdam ko kilala ko 'to sa katawan. His face is also covered by blood.

Talagang dito siya pumunta, without even being alarmed what's in here. In this dark place.

Teka, why am I not panicking? Baka dahil sa mga nangyayari na ngayon. Feeling ko kada araw makakakita ako ng mga patay. Hanggang sa maging immune na ako sa takot. At ayaw kong mangyari 'yon, lalo na ang may mangyaring pagpatay.

Lumuhod siya sa harapan namin, sa itsura niya, mukha siyang humihingi ng tulong. In the contrary, we also need help.

Dahil nakakapanghinala siya, tinignan ko siya ng mabuti. Mula ulo hanggang paa. Kahit mejo malabo na ang nakikita ng mga mata ko dahil sa iyak.

What if magsumbong siya?

What if nagsumbong siya at sinabi niyang kami ang pumatay? Edi nadamay sila?

Hindi mapakali ang aking isipan.

One thing I have noticed as he is crying..

He's wearing the same necklace as the others.

RESTARTWhere stories live. Discover now