RESTART112 ¦ Narration

216 18 33
                                    

They were talking about her

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

They were talking about her. Bumuntong-hininga nalang ako habang pinapakinggan ko silang nag-uusap. It can't be.

Sa kalagitnaan ng pag-uusap nila, may nahulog na picture frame kaya nabasag ang frame. Mukha pa naman itong mamahalin.

Ito na ang ginawa kong excuse para maka-alis sa pag-uusap nila tungkol sakaniya. Thinking about her breaks my heart. Hindi ko inaasahan na pupunta rin silang lahat para tignan kung ano 'yung nabasag.

Nauna na ako para tignan kung anong picture iyon, pero si You na ang pumulot ng linalaman ng picture frame. Hindi ko gaanong nakikita dahil nakatakip si Yishai, pero sinisigurado kong family picture siya. Hindi ko na tinignan pa dahil napakaraming bubog ang tumalsik.

"Bata ka pa niyan?" Rinig kong tanong ni Yishai kay You. Pero hindi ko alam kung sinagot ni You dahil busy ako kakadampot ng mga bubog.

Napansin kong ako lang ang pumupulot, eh sa rami nito, hindi ko agad 'to matatapos. Pumunta si Walter malapit saakin, pero hindi ko pinansin.

"Linisin niyo na 'to boys!" Sigaw ni Walter. Pero ang ilan, katulad nina Mazy at Speed, nagbibingi-bingihan. Si Yishai, naman tumingin lang dito at binalik ang sarili niya sa paglalaro.

"Ako nalang!" Sigaw ko, habang nagpupulot pa rin ng mga bubog. Nakakahiya naman sakanila, mga se(n)orito masyado.

"Ako nalang din." Nakita ko si Sai na tumulong din sa pagpulot ng mga bubog. Malapit na kaming matapos.

"Sige bahala kayo. Maghuhugas ako ng plato."

Pagkatapos naming ilagay ang mga bubog sa isang plastic, aktong paalis na kami para itapon sa labas ay biglang sumulpot si Jezreel.

"Sama ako sainyo mga kuya!"

Wala na kaming choice kaya hinayaan na namin ang pinaka-babata saamin na sundan kami. Kinuha niya ang plastic na dala-dala naming dalawa ni Sai at mas binilisan pa ang lakad paalis.

"Alam niyo," pagsimula ni Jez. Ayan nanaman tayo. "Hindi ko maintindihan kung bakit niyo sinasabing masamang tao si ate."

"Hindi naman masamang tao si You, ah?" Tanong ni Sai.

"Unang ate niya kamo. 'Yung.. nagustuhan nating lahat."

"Ah," Tawa niya. "Traydor 'yun, eh. Sabi babalik pero wala nang balita. Akalain mo 'yun, may jowa na pala tapos ginawa niyang side chick si Y–"

"Hindi 'yan totoo!"

"Hoy, teka!"

Napasigaw kami ni Sai nang makita namin si Jezreel na tumakbo. Asan nanaman 'yun pupunta? Sabi ko na nga ba masamang isama 'tong si Jez eh.

RESTARTWhere stories live. Discover now