RESTART125 ¦ Narration

290 20 37
                                    

Napatakbo nalang ako papuntang presinto

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Napatakbo nalang ako papuntang presinto. Tangina. Kailangan ko ng mga kasagutan. Marami pa ring bumabagabag sa isipan ko simula nang mangyari ang lahat ng 'to. Kailangang panagutan niya 'to.

Hingal na hingal akong napatigil sa harap ng presinto kung saan dinala si Herschel. Malaki pala. Mukha namang hindi makakatakas si Herschel dito.

Pumasok na ako. Bumati saakin ang gwardyang pumosas kay Herschel. Mukhang nakilala naman niya ako.

"Si Herschel?"

"Sandali lang po sir. Tatawagin po muna namin siya bago namin kayo p'wedeng paka-usapin. Inaalalayan pa namin ang dalaga dahil sobrang tigas ng ulo nito. Maka-uupo muna kayo sa malapit na mga upuan para makapag-antay." Tumango ako at sinunod nalang ang sinabi niya. I knew she would be like that. Still stubborn.

Ilang segundo lang ako nag-intay. May naririnig nga akong nasigaw na babae. It must be Her.

Sinundan ko ang pulis na tinanguan ako. Guiding me to a different place. Dati nakikita ko lang 'to sa mga palabas, pero ngayon nararanasan ko na. Weird.

Lumibot-libot muna ang mga mata ko sa lugar. I've never been in a prison before, so hindi naman siguro kakaiba na ganito reaksyon ko 'di ba?

Now it is the time to finally look at her. Umalis na rin ang pulis na nagdala saakin dito. Sabi saakin I only have 15 minutes to talk to her. That's why I wasted no time at nagtanong na agad.

"Why did you do it?"

"Aww. Wala manlang I miss you babe so much? Or wala manlang, kumain ka na ba babe? You're not the Yishai I used to know." Pagnguso niya. I sighed. This is getting nowhere. Halata namang pinapalitan niya ang topic by doing those kind of stuffs.

"Why did you kill them?"

"Seryoso? Ayan lang ba gusto mong sabihin saakin? Sinigawan ko pa 'yung pulis para bigyan ako ng isang minuto para makapag-ayos para mag mukhang presentable sa 'yo tapos magiging ganito lang pala ang lahat? Sige. Babye na." Akmang tatayo na sana siya pero pinigilan ko agad siya sa pagsalo ng kamay niya.

Tangina. Gusto kong magmura pero baka mapa-alis ako. Kahit isang tanong lang, masaya na ako.

Ay, hindi. Dalawa? No. Hindi enough ang konti lang. Dapat lahat ng itatanong ko masasagot niya. Sa tagal namin dito feeling ko naka-abot na ako ng 15 na minuto dahil dito.

"Ayaw kong magalit. Herschel. Sagutin mo muna ang mga tanong ko. At hahayaan na kitang mabuhay ng habang buhay sa kulungan."

"Tsk."

"Bakit mo sila pinatay?"

"I never killed any one though." Tinarayan pa ako ng gaga. Naka-cross arms at naka-de quatro ang paa.

"Stop lying."

"I'm not lying."

"Stop lying."

"I'm not lying!"

"Then you explain about the dead bodies of my family." Diniin ko ang huling salita sa galit.

"What? Weren't your mother died in a car accident while your dad was gone when you were a little? Why would I kill them?"

Bumuntong hininga ako. Trying my best to be calm. "Yohann. Hanzel. Jezreel. Mazy. Speed."

"And Sai."

"Oh.. them.."

"I didn't kill them." Pagpatuloy niya. She said with no emotion. Sounded bored to be precise.

"Teka. Sai? Wasn't he alive earlier? Haha!"

Hindi ko alam kung gaano kahaba ang pasensya niya saakin pero hindi ako titigil sa pagtatanong hanggang sa lumabas ang katotohanan.

"Tangina. Simpleng yes lang hindi mo magawa."

"Why do you want me to confess so bad? May mga pruweba ka ba na nagpupunta na ako ang mamamatay tao? Bakit hindi mo tanongin 'yang magaling niyong prinsesa?"

Alam ko kung sino ang tinutukoy niya. She can't be involved by any of this.

"Ilabas mo siya." Pagbabanta ko. When we were still together takot na takot siya sa tingin kong ganito. I hope it works.

"That wouldn't work on me now, Yishai. Wala nang tayo, remember? You broke up with me because I look like a psycho or something. Tsk. Tapos papatol ka nanaman sa psycho. Hay, nako. Yishai, I do not know how explosive your mind is, pati braincells ko sumasabog sa katangahan mo."

"What are you talking about?" Gulong-gulo ako sa sinasabi niya. Parang kumakausap siya ng hangin dahil wala akong maintindihan. Dati hindi naman siya ganiyan, ah.

Look how people can change in years. Isolation must have changed her. Nababaliw na siya.

"How can you be so slow~ Yishai? Antali-talino mo pero simpleng logic hindi mo ma-isip? You is a fucking killer."

"No. I am not a killer."

"You. As in, Youreka Fallen. Have you ever heard of the famous killer case Kitchen-killer case? Secret lang natin 'to, ah? She's behind those killings." Tumawa siya ng nakababaliw. I can't process any thing in my mind as of the moment.

"She killed her parents. Which is, also my mom and dad in the kitchen. Her friends also had witnessed the killings, kaya ayun. No one dared to befriend her until she grew up. People had forgotten about her controversy kaya malaya na siya ngayon.

It sounded so simple, yet it is giving me doubts.

"Hay, kung alam mo lang Yishai. Kung alam mo lang. Ikaw nagturo saakin ng mga ganito ganiyan pero mas magaling ako sa 'yo? Ni hindi mo nga ma-track si You? Nakaka-dissapoint ka Shai."

"Also, the System thingy." Inayos niya ang lalamunan niya at kaunting lumapit saakin. "Hindi ako ang nagkokontrol ng account na 'yun."

"Ni hindi ko nga alam kung papaano! Nakalimutan ko na lahat ng tinuro mo saakin. Baka si You, hindi pa. 'Di ba nagpapaturo 'yung bata dati? Why don't you ask her?"

Hindi ako naniniwala. Isa nanaman siguro 'to sa mga pakulo ni Herschel para isiping may kasalanan ang kapatid niya sa mga nangyayari.

Ayokong maniwala. She has deceived me once, I am never trusting her again.

"Hanzel, Jezreel, and Speed are all alive. Hindi ko lang alam kina Yohann at Mazy. And.. Sai."

"I was the one who brought Sai inside Speed's house. Sayang. Sana hindi niyo binuksan. You could've killed another guy. But I guess.. she still succeeded. Nung mga oras na hinahanap niyo siya, she's killing Sai, softly with music inside the car."

"Habang.. nagtutugtog Ang Pinagmulan ng IVOS sa bandang dulo.. saluhin mo ako.. nahuhulog na ako.."

"Nice joke. Not funny any more. Sabihin mo lang na pinatay mo sila. Then I'll rest in peace." Ayoko nang makarinig pa ng kaniyang mga sinungaling. Sawang-sawa na ako.

"You won't rest in peace sa lagay na 'yan. With You still around? You might be the next target. Thanks for the little chat babe. Bisita ka ulit." She wore her usual grin again. Tumayo na siya, leaving me dumbfounded.

Napalunok ako ng laway sa lahat ng mga narinig ko. They all sounded real. Hindi ko na tuloy alam kung sino ang paniniwalaan ko.

RESTARTWhere stories live. Discover now