Detour: Prologue

1.5K 19 0
                                    

FICTION ONLY! 🙈✊🏼

Prologue

Three years from now...

"Congratulations, Rita-! Pero, Im so sorry to bring this up ha, I'm sure maraming fans ng loveteam nyo ang malulungkot dahil hanggang sa huli ay marami pa rin ang umaasang kayo ni Ken ang magkakatuluyan. Pero I think, marami rin naman ang nakakaintindi na talagang may mag-kaiba kayong buhay ni Ken.
That's what I really admire in you. Hindi talaga kayo gumimik at you followed whatever your hearts desire. Trabaho kung trabaho lang talaga. Kaya hindi ako magtataka kung bakit hanggang ngayon, mas marami ang humahanga sa inyo at talagang patuloy sumusubaybay sa career nyo magkasama man o magkahiwalay." Sabi ng interviewer.

Sabay baling kay Ken.

"O ikaw Ken, wala ka pa bang girlfriend?"

"Wala pa po sa ngayon. Talagang hindi pa sya dumarating. Sa dami nang ginagawa ko, pakiramdam ko, unfair kung makikipagrelasyon ako ngayon."

"Naku for sure maraming matutuwa! Andami kayang nangangarap na maging Mrs. Chan balang araw. Lalo namang gumagwapo itong eligible bachelor natin oh."

"Ken is taking his sweet time para makapamili sa babaeng mamahalin. And I am sure that she will be the luckiest girl on earth sa sandaling mapa-sakanila si Ken.
Right, Rita?" Tanong ng isang interviewer.

"Oo naman! Ken Chan yan eh!" Sagot naman ni Rita.

"Pero may tanong ako Rita." pahabol ng interviewer. "May nakapagsabi sa akin sa set daw ng movie nyo eh talagang lagi kayong magkausap ni Ken. Hindi ba nagseselos ang fiancé mo?"

"Hindi naman. Alam naman kasi nya na talagang friends lang kami ni Ken. We were able to keep the kind of friendship we have nung magkatrabaho pa kami hanggang ngayon. Nothing has changed." Sagot ni Rita.

"Medyo matagal din kaming hindi nagkasama sa trabaho pero nung magkita ulit kami eh parang walang naiba, parang continuation lang kung papano kami dati and I believe, thats really important. May kanya-kanya kaming personal na buhay pero alam namin na nandito lang kami para sa isa't-isa kung may problema or kailangan lang ng kausap." Dagdag ni Ken.

"Thats very good. And it's very rare that we find that kind of relationship sa mundong ating ginagalawan. You guys are so lucky." Sabi ng isang host.

"I agree with you, pero sa dalawang ito
I can sense a different kind of relationship.
It's beyond being friends and lovers. I don't know. I can't explain. Pero I'm sure kayong dalawa alam nyo kung ano ang sinasabi ko."
Makahulugang sabi ng pangalawang host.

Hindi na nakapag-react ang dalawa, dahil minamadali na sila for the commercial break spiel. Nagkatinginan na lang yung dalawa na parang naguluhan sa narinig nila.

Months later...

Things have changed.
Rita and her boyfriend called off the wedding.

Ang reunion movie nila ni Rita ang huling project ni Ken bago niya tuluyang iwan ang showbiz. Natapos na rin kasi ni Ken ang studies niya at nagbalak na siyang pumunta sa Switzerland.

...

Ilang araw bago sya umalis papuntang Switzerland, tinawagan siya ni Rita. Nagulat pa ito at bigla syang tumawag.
Hindi naman kasi nila naka-sanayang magtawagan. Niyaya nya si Ken na lumabas para makapag-usap. Hindi niya alam kung bakit pero alam nyang may kailangan silang pag-usapan.

DetourWhere stories live. Discover now