Detour: Epilogue

1K 18 2
                                    

Author's Note:
Thank you so much sa lahat ng sumubaybay sa Detour! It's because of your encouraging words kaya ako na-inspire to write. I hope napa-saya ko kayo. Pero marami nga rin palang mapanakit. Hehehe.
Till next time. 🥰🙏🏻

_____________________________
Epilogue

They got married twice. Kahit ilang ulit pa nga raw ay hindi sila mag-sasawa.

The first one was a beach wedding, two months after - with only their families and closest friends in attendance.

One year later, they had a second one which was more grand- a church wedding in Paoay, like how she dreamed so many years ago. Their little boy was their ring bearer.

Kalaunan ay bumalik na rin si Ken sa showbiz, he may not be as active as before pero piling mga quality projects ang pinagbi-bidahan niya. Kahit na hindi showbiz ang unang pangarap niya, it became his passion. Sobrang mabuti ng industriya sa kanya - he reached his goals for his family, at nakilala din niya si Rita. He couldn't imagine his life any other way. It was God's perfect plan for sure.

...

Ginanap ang reception ng binyag ng panganay nila sa bago nilang bahay. Malaki ang garden ng dream house nila, perfect for their special gatherings.

Present ang mga big bosses at malapit na ka-trabaho nila sa network, at
lahat sila sobrang masaya para sa na-abot ng dalawa sa career nila at maging sa personal na buhay.

Sa party ay kinausap si Rita ng isa nilang executive producer.

"Congrats sa inyo ni Ken ah, sobrang blessed kayo. Lahat yan deserve niyo dahil talaga namang masisipag at mabubuti kayong mga tao."

"Thank you po, at thank you rin sa tiwala niyo sa amin all these years."

"Kayo rin ang may gawa niyan, sobrang talented naman kasi kayo. Anyway, maisingit ko lang, may bagong offer sa amin na movie, ang gusto ay kayong dalawa ni Ken ang bida..."

Ever since she became a mother, Rita decided to lie-low sa acting. Nag-focus muna siya sa music career niya at mga small projects. She and Ken wanted to cherish their family life more.

"Tanong ko po si Ken, pero maliit pa kasi si baby boy... Pero siguro naman ay papayag siya, sana kung pwede na kami ay available pa ang offer. Salamat po!"

"You know where to call us! Oh siya ma-iwan muna kita..."

Kinausap naman siya ng manager niya. Habang nag-uusap sila ay pinagmamasdan niya ang mag-ama niya. Si Ken, nag-iikot sa party habang karga-karga ang baby nila - proud na proud na pinapakilala sa mga bisita.

Lalo namang nanlambot ang puso niya dahil napaka-swerte niya, ang bait talaga ni Lord.

"Huy, ang cute-cute talaga ni baby boy niyo! Perfect combination niyo. Pero sorry to say, mas mana siya kay Ken eh. Ken Chan na Ken Chan yung hulmahan ng pagka-chinito."

"Ok lang, di naman ako nagrereklamo! Swerte ko nga may dalawa akong Ken." Napangiti naman si Rita.

"Parang gusto rin kayong kunin sa commercial ng diaper. Kung sakali, game ba kayo?"

DetourWhere stories live. Discover now