Detour: Five

733 11 3
                                    


"Hello, Ta. Nakilala ko na ata ang Crown Princess ko..."

"Ha? Hakdog." She thought.

"Ta, andiyan ka pa ba? Sabi ko, I think I'm in love. Ang saya ko!"

"Paano na tayo?"

"Wala namang tayo ah?"

Aray.
...

Agad-agad siyang namulat. Tumingin siya sa paligid niya, madilim pa sa labas. Pagtingin niya sa orasan, alas-kwatro pa lang ng umaga.

She took a deep breath and wiped the sweat  off her face. It felt so real. Why did she dream that? Was it because she missed Ken? She had a funny history with dreams... Kinakabahan na siya.

Flashback...

"Kennie, alam mo may panaginip na naman akong nagka-totoo."

"Talaga? Pang-ilan na yan ah. Wow, may gift ka nga talaga."

"Oo, about sa isang friend ko. Yung dreams ko hindi naman siya very specific, parang may sign lang ganun. May pagpapahiwatig..."

...

Sa pagtagal ng panahon ay napansin niya na kahit papaano ay nanumbalik na ang closeness nila ni Ken. Mas kumportable na ang mga usapan nila at nararamdaman niyang unti-unting bumabalik na ang tiwala nito sa kanya.

Isang linggo na siyang naghihintay na tawagan siya ni Ken. Magtatapos na ang buwan. He usually calls on the third week of the month. It was her most awaited day - parang nag-aabang lang ng sahod tuwing kinsenas at katapusan. Petsa-de-peligro na at gipit na gipit na ang puso niya.

Two days later, her phone finally rang.

"Kennie! Finally! Miss na miss na kita!"

"Hi, Ta. Feel ko nga. Wala man lang hello eh?" She could hear the amusement in his voice.

"Ay. Sorry. Hi, Ken! Kamusta ka? Mukhang naging busy ka ata..."

"Nagpapa-miss lang...Did it work? Don't worry, I missed you too." He teased. She was delighted.

"Obvious naman diba... So ano na nga? Kamusta ka? Bakit di ka nagparamdam agad?"

"Ok lang, busy but happy...I met some new people sa work. Ayun, naghang-out kami and had drinks."

"That's good. Met any interesting people?"

"I met this girl, her name's...."

He met a girl? Natigilan si Rita. She didn't bother listening to Ken going on about this girl. She doesn't even want to know this girl's name. How could he be interested in another girl?

"...Alam mo, she's half-Swiss and half-Filipino, and marunong siyang mag-Tagalog. She lived sa Pinas for quite some time. Medyo barok nga lang, pero ang cute. We talked about how we missed home..." Ken continued.

"Ohhh. Ganun ba? Are you close?" She asked. Does she really want to know?

"Medyo, well lagi na kami mag-kasama eh. It's a nice change, may partner-in-crime na ko sa work."

DetourМесто, где живут истории. Откройте их для себя