10. Short Talk

2K 96 12
                                    


BLOOD SLAVES

CHAPTER 10 – Short Talk


Andi was sitting beside the window. She looked outside. It was already afternoon. The sun was hiding behind the clouds. There was no heat and too much sunlight, but it was still a good weather for her. The temperature was just right. It was not too hot and it was also not too cold. The leaves and branches of the trees at the front yard were dancing and swaying in rhythm with the wind. It must be windy outside. As she carefully watched those trees giving her a serene performance, she was thinking about what happened earlier.

Both of them agreed that they would talk about it sooner or later. They also both agreed that they would do it slowly, like what he said to her, he didn't want to rush her and force her to do anything. She was glad that Alexander did respect her decision. She was also glad that she was making progress. She wasn't like her old self anymore. It was just one night and she drastically changed. Though not too much, still she thought of things differently this time and it was because of Alexander's influence. She still knew she had a long way to go.

"Mas gusto niyo po ba ng kape or tea, Madame?"

Madame? Agad siyang napatingin sa babaeng nagsalita. Nakasuot ito ng simpleng damit na nagsasabing ito ay isa sa mga empleyado sa mansyon. Nakapusod ang itim na buhok nito. She was also wearing a black and white maid uniform. Nakatingin pa rin ito sa kanya, naghihintay na siya'y sumagot sa katanungan nito. Her eyes, for unknown reasons, were shining while looking at her, as if it saw something that interests her. Yumuko ito nang mapansing hindi agad sumagot si Andi at nang makitang nakatitig lamang ito sa kanya.

Hindi pinansin ni Andi ang pagtawag nito sa kanya ng Madame. Mamaya na lamang niya tatanungin si Alexander tungkol dito. Para sa kanya ay hindi siya nararapat na tawaging Madame sapagkat hindi pa sigurado ang katayuan at responsibilidad niya sa pamamahay na 'to. Kadadala lamang sa kanya ni Alexander no'ng isang araw. Masyado pang maaga para mag-isip ng kung ano-ano.

She would not assume and just let the things happen according to their flow.

"Andi. Andi ang pangalan ko." Ngumiti siya sa dalaga. Kahit siya'y hindi pa rin sanay na tawagin ang sarili na Andi. Sa ngayon ay ito lamang muna ang pinanghahawakan niya. Ang pangalan na ibinigay sa kanya ng binata, ng taong nagmamay-ari sa kanya.

"Ituro mo na lang sa 'kin ang daan papunta sa kusina. Ako na mismo ang gagawa at kukuha."

Takot at pagkagulat ang sumalubong sa mukha ng babae. "Madame, trabaho po naming na pagsilbihan ka. Iutos niyo na lamang po sa 'min ang mga hiling niyo. Kami na na po ang bahala."

"Pero—"

Matigas at determinado ang babae sa harapan niya. Napahinto agad siya sa pagsasalita nang makita ang eskpresyon ng mukha nito. Hindi na siya nakipagtalo pa at humingi ng pasensya.

"Pasensya na kung maaabala kita para sa isang tasang kape."

Umiling ang babae at ngumiti. "Ano pong gusto niyong timpla? Matapang o matamis po ba?"

"Kaunting asukal lamang. Kung puwede ay huwag mo rin lagyan gatas." Agad na tumango ang babae at umalis sa sala upang maikuha siya ng isang tasang kape.

Hindi siya sanay na mag-utos sa ibang tao. Sanay siya na gawin ang lahat para sa kanyang Master. Kaya ang ganitong klaseng trato, kung saan may taong handang magsilbi sa kanya, ay nakakapanibago kay Andi. Ngunit base sa eskpresyon na nakita niya sa dalaga, alam niya ang takot nito kay Alexander. At natural lamang na pagsilbihan din siya ng mga ito katulad ng trato nila kay Alexander dahil siya ang babaeng inuwi at dinala sa pamamahay na 'to.

Blood Slaves (The Frey, #2)Where stories live. Discover now