Chapter 1

85 9 0
                                    

Deana tara na!ambagal mo lumakad ano ba!?"

"Oo ito na nga oh nagmamadali na!"

"Bilisan mo at mahuhuli na tayo sa Plaza!Pag diko naabutan yung paborito kung banda malilintikan ka sakin!"

Yan ang maririnig mula sa labas, isa sa mga sigawan na maririnig, nagagalit pero excited,makikita din ang papalubog na araw na unti unti nang kinakain ng dilim ang natitirang  liwanag.

Nakasilip ako mula sa aking kwarto sa itaas habang pinagmamasdan ang mga taong masayang nag iikot sa lugar mababakas mo ang tuwa sa kanilang mga mukha,maririnig din ang kanilang mga naglalakasang tawa kasama ang kani kanilang barkada.

Natigilan ako sa pagmamasid ng mahagip kong may naglalakad sa may tapat ng bahay namin habang nagkwekwentuhan.

"Hindi ba jan nakatira yung Creepy na student sa School naten?Alam mo ba ayon sa narinig ko yung Student na yon psychopath daw?"bulong ng babaeng may kulot kulot ang buhok sa kasama nitong tila ba nabigla sa sinabi nito patungkol saakin.

"Talaga?Buti pinapayagan pa yan pumasok dapat jan nasa mental hospital na!"sagot nito na ikinatango ng kasama nito habang patuloy pa din sa pag lalakad kung minsan ay sumusulyap sila sa bahay namin na tila ba ang bahay namin ay may nakatagong di maganda dahilan para mapangiwi sila.

Napaupo ako sa aking kama na tila ba nakakawalang gana.Bakit ba napaka daling sabihin non na parang kilala nila ako?

Ibinagsak ko ang sarili sa kama at tumingin sa puting kisame.

Ilang taon na simula ng maging ganito ako katahimik at lahat sila iniisip na baka mabaliw ako dahil puro mukmok sa bahay ang ginagawa ko pagtapos sa eskwelahan diretso bahay agad ako.

Napabuntong hininga nalamang ako.

Hindi nila ako naiintindihan.

Walang nais umintindi.

Kahit magulang ko tila ba kahit anjan sila nasasaktan parin ako.

Paano ako babangon sa insidenteng yun?

Napabaling ako sa kama pakilawa at bumaluktot.Ipinikit ko ang aking mga mata hanggang sa unti unti akong makataulog.

"Ate!Ate tulungan moko!Ate Jules mahuhulog na akooo!Ate Jules!"

"Grace wag kang gagalaw!Wag kang gagalaw papalapit na si ate!"

"Ate mas lumalawak ate!Ate tulungan moko!"walang humpay ang pagtulo ng kaniyang luha

Grace!Wag kang gagalaw!Malapit na ako!"naiiyak kong lintanya habang dahan dahang papalapit sa kanya.

Malapit na ako at akmang mag aabot na ang aming kamay subalit .....

"Ate!...............

"Grace!........

Kasabay nun ang aking pagtumba at tuluyan nang nag crack ang sana'y lalakadan ko habang si Grace ay pilit umaahon ngunit di nakayanan dahil sa lamig nito.

Tumayo ako para sa posibleng maari kong daanan para mailigtas ang kapatid ko pero isang maling apak maging ako ay lalagpak!

"Ateee!!!!!.............

Napatingin ako kay Grace na tila ba nahihirapan na.

"Graceeeeeeee!"sigaw ko habang hingal na hingal napalingon ako sa paligid at nasa kwarto parin pala ako.

Tumutulo ang pawis mula sa aking noo pati narin sa leeg habang nakaupo sa aking kama.Napatingin ako sa labas at madilim na tanging liwanag sa labas ang sumisilay sa aking kwarto mula sa bintana dahil nakapatay ang ilaw sa aking kwarto.

Daydream with youWhere stories live. Discover now